Hilagang Korea
Ang Hilagang Korea (Hilagang Koreano: 조선; Romanisasyong McCune-Reischauer: Pukchosŏn), opisyal na Republikang Bayang Demokratiko ng Korea (Hilagang Koreano: 조선민주주의인민공화국; Romanisasyong McCune-Reischauer: Chosŏn Minjujuŭi Inmin Konghwaguk), ay isang bansa sa Silangang Asya na sumasakop sa hilagang kalahati ng Tangway ng Korea. Hinahangganan ito ng Tsina at Rusya sa mga ilog ng Yalu at Tumen ayon sa pagkabanggit sa hilaga, Dagat Hapon sa silangan, Dagat Dilaw sa kanluran, at Timog Korea sa Sonang Desmilitarisado ng Korea. Ang Pyongyang ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng bansa.
Republikang Bayang Demokratiko ng Korea | |
---|---|
Salawikain: 강성대국 Kangsŏngtaeguk "Bansang Malakas at Maunlad" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Pyongyang 39°2′N 125°45′E / 39.033°N 125.750°E |
Wikang opisyal | Koreano (Munhwao) |
Sistema ng Pagsulat | Chosongul |
Relihiyon | Ateismong pampamahalaan |
Katawagan |
|
Pamahalaan | Republikang sosyalistang isang-partidong Jucheistang unitaryo na nasa ilalim ng isang namamanang diktadurang totalitaryo |
Kim Jong-un | |
• Tagapangulo ng Permanenteng Komite ng KAB | Choe Ryong-hae |
• Premiyer ng Gabinete | Kim Tok-hun |
• Tagapangulo ng KAB | Pak Thae-song |
Lehislatura | Kataas-taasang Asembleyang Bayan |
Pagkakabuo | |
Oktubre 3, 1945 | |
Pebrero 8, 1946 | |
Pebrero 22, 1947 | |
Setyembre 9, 1948 | |
Disyembre 27, 1972 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 120,540 km2 (46,540 mi kuw) (ika-97) |
• Katubigan (%) | 0.11 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2021 | 25,971,909 (ika-55) |
• Senso ng 2008 | 24,052,231 |
• Densidad | 212/km2 (549.1/mi kuw) (ika-45) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2015 |
• Kabuuan | $40 bilyon |
• Bawat kapita | $1,800 |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2017 |
• Kabuuan | $30 bilyon |
• Bawat kapita | $1,300 |
Salapi | Won ng Hilagang Korea (₩) (KPW) |
Sona ng oras | UTC+9 (Oras ng Pyongyang) |
Ayos ng petsa | |
Gilid ng pagmamaneho | kanan |
Kodigong pantelepono | +850 |
Internet TLD | .kp |
Nang sumuko ang Imperyo ng Hapon noong 1945 sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nahati ang Korea sa dalawa sa kahabaan ng ika-38 hilera. Ang hilagang lugar ay sinakop ng Unyong Sobyetiko habang ang timog ay sinakop ng Estados Unidos. Nabigo ang mga negosasyon para sa muling pagkakaisa ng dalawang lugar, at noong 1948 ay nabuo ang sosyalistang Republikang Bayang Demokratiko ng Korea sa hilaga ng tangway sa kaibahan ng kapitalistang Republika ng Korea sa timog. Nagsimula ang Digmaang Koreano noong 1950 nang sinalakay ng Hilagang Korea ang Timog, at tumagal ito hanggang 1953 na nagresulta sa pagkapatas. Ang Kasunduang Armistisyo ng Korea ay nagdulot ng tigil-putukan at nagtatag ng isang sonang desmilitarisado sa tangway, ngunit walang pormal na tratadong pangkayapaan na nailagdaan kaya't ang dalawang Korea ay de factong nasa digmaan hanggang sa kasalukuyan. Pagkatapos ng digmaan ay muling itinayo ang bansa sa ilalim ng isang ekonomiyang planadong industriyalisado. Sa huling bahagi ng mga 1950 at noong mga 1960 at 1970 ay nagtamasa ang Hilagang Korea ng mas mataas na antas ng pamumuhay kaysa sa Timog Korea, na noo'y dumaranas ng kaguluhan sa politika at mga krisis sa ekonomiya. Gayunpaman, ang sitwasyon ay nabaligtad noong mga 1980, nang naging matibay na kapangyarihang ekonomiko ang Timog dahil sa panloobang pag-unlad at tulong na militar at pamumuhunang Amerikano at Hapones, habang ang Hilagang Korea ay tumimik at nanghina. Lubos na naapektuhan ang ekonomiya ng Hilagang Korea noong nabuwag ang Unyong Sobyetiko at mga estadong komunista sa Silangang Bloke. Dahil dito, nagkaroon ng malawakang taggutom noong 1994-1998 sa bansa na naging sanhi ng tinatayang 240 libo hanggang 3.5 milyong pagkamatay. Patuloy na dumadaranas ang bansa ng malnutrisyong laganap. Naging bahagi ang Hilagang Korea ng Nasyones Unidas noong 1991, at kabilang rin sa iba't-ibang organisasyong pandaigdig tulad ng Grupo ng 77, Kilusang Di-Nakahanay, at Porong Rehiyonal ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya.
Ayon sa Artikulo 1 ng saligang batas ng bansa, ang Hilagang Korea ay isang "estadong sosyalistang may kasarinlan", at sa Artikulo 3 nakasaad na ang Juche ang ideolohiyang pampamahalaan ng Hilagang Korea. Ang mga moda ng produksyon ay pag-aari ng estado sa pamamagitan ng mga negosyong pinamamahalaan ng estado at mga sakahang kolektibo. Karamihan sa mga paglilingkod kagaya ng pangangalagang pangkalusugan, edukasyon, pabahay, at produksyon ng pagkain ay tinutustusan o pinopondohan ng estado. Sumusunod din ang bansa sa ideolohiyang Songun, ang patakarang "una-militar" ng Hilagang Korea. Ang hukbong aktibong tungkulin nito na binubuo ng halos 1.28 milyong sundalo ay higit 5% ng populasyon ng bansa at ang ikaapat na pinakamalaki sa mundo. Mayroon din ito ng higit 7.769 milyon na tauhang aktibo, nakalaan, at paramilitar, halos 30% ng populasyon ng bansa at ang ikalawang pinakamataas na tauhang militar at paramilitar sa buong daigdig. Mayroon ang bansa ng mga sandatang biyolohiko, kimiko, at isa sa iilang bansang mayroon ng mga sandatang nukleyar. Tinatayang mayroon ang Hilagang Korea ng higit 30 hanggang 40 nito.
Ang Hilagang Korea ay isang namamanang diktadurang totalitaryo na pinamumunuan ng dinastiyang Kim. Bagama't mayroong nagaganap na mga halalan sa bansa, itinuturing ito ng mga dayuhang tagapagmasid bilang huwad. Ang Partido ng mga Manggagawa ng Korea, na pinamumunuan ng isang kasapi ng naghaharing pamilya, ay ang partidong nangingibabaw at namumuno ng Demokratikong Hanay para sa Muling Pagkakaisa ng Amang Bayan, kung saan ang lahat ng opisyal sa politika ay kinakailangang maging kasapi. Ang talaan ng pang-aabuso ng mga karapatang pantao sa Hilagang Korea, na tinatanggi ng pamahalaan, ay madalas na itinuturing bilang ang pinakamasama sa mundo. Ito ay pandaigdigang kinokondena ng mga organisasyon tulad ng Nasyones Unidas, Unyong Europeo, at mga grupo tulad ng Human Rights Watch (Filipino: Obserbatoryo ng Karapatang Pantao) at Amnesty International (Filipino: Amnestiyang Pandaigdig). Dahil sa pamamahalang dinastiko at paghihiwalay nito sa mundo, tinutukoy ang bansa na "ermitanyong kaharian". Ang saligang batas ng bansa ay tumutukoy kina Kim Il-sung at Kim Jong-il, ang una at ikalawang kataas-taasang pinuno ng bansa ayon sa pagkabanggit, bilang ang mga walang hangganang mga pinuno ng Jucheng Korea. Dahil dito, isinasaalang-alang ang bansa ng ibang akademiko't kritiko bilang isang estadong teokratiko.
Etimolohiya at mga Pangalan
Ang pangalang Korea ay nagmumula sa pangalang Goryeo (binabaybay din na Koryŏ). Unang ginamit ang pangalang Goryeo ng kahariang sinaunang Goguryeo (Koguryŏ) na isa sa mga kapangyarihang dakila sa Silangang Asya noong panahon nito. Ang ika-10 dantaong kahariang Goryeo ay humalili sa Goguryeo, at sa gayon ay minana ang pangalan nito, na binigkas ng mga bumibisitang Persang mangangalakal bilang "Korea".[1]:323[2] Ang modernong pagbaybay ng salitang Korea ay unang lumitaw noong huling bahagi ng ika-17 dantaon sa mga sulatin sa paglalakbay ni Hendrick Hamel ng Kompanyang Olandes ng Silangang Indiya.[3]
Pagkatapos ng paghahati ng tangway ng Korea sa Hilaga at Timog ay gumamit ang dalawang panig ng mga magkaibang termino para tumukoy sa Korea. Ginamit ng Hilagang Korea ang Chosŏn o Joseon (Koreano: 조선) habang ginamit ng Timog Korea ang Hanguk (Koreano: 한국). Noong 1948, ang Hilagang Korea ay pormal na naging Republikang Bayang Demokratiko ng Korea (Koreano: 조선민주주의인민공화국; McCune-Reischauer: Chosŏn Minjujuŭi Inmin Konghwaguk). Ang bawat bahagi ng pangalan ay maingat na pinili. Ang terminong Chosŏn ay pinili dahil ginamit ito noong erang kolonyal upang kilalanin ang tangway. Ang Konghwaguk naman ay pinili kaysa sa Minguk dahil sa mga makaliwang konotasyon nito, ginamit ang termino upang tumukoy sa mga bumubuong republika ng Unyong Sobyetiko. Ginusto ng mga Hilagang Koreano na gumamit ng mga pangalang ginamit nang Silangang Bloke upang magkaroon ang bansa ng pagkakalehitimo. Nagkaroon ng pagpipilian sa katawagang "Republikang Bayan" at "Republikang Demokratiko". Ginamit ito ng mga panandaliang estado na Republikang Bayang Ukranyo ng mga Sobyetiko (ang naging unang bansa gumamit ng katawagang "Republikang Bayan") at Republikang Demokratiko ng Pinlandiya ayon sa pagkakabanggit. Ang katawagang "Republikang Bayan" ay pinaboran ni Pak Hon-yong ng Partido Komunista ng Korea at ginamit ito ng pansamantalang Republikang Bayan ng Korea na nabuo sa Seoul pagkatapos ng pagpalaya sa tangway. Ang "Republikang Demokratiko" naman ay nauugnay sa konseptong Bagong Demokrasya ni Mao Zedong, na nakaimpluwensya kay Kim Tu-bong ng Bagong Partidong Bayan ng Korea. Nagsanib-puwersa ang Bagong Partidong Bayan ng Korea ni Kim Tu-bong at Partido Komunista ng Hilagang Korea. Nang makarating ang paksa kay Kim Il-sung, nagsimula siyang gumamit ng katawagang "Republikang Bayang Demokratiko", kung saan sinaad niya ang ideya sa isang talumpati noong 1946. Iminungkahi naman ni Heneral Nikolai Georgiyevich Lebedev ng Hukbong Sobyetiko na tawagin ang bansa na "Republikang Demokratikong-Bayan" (Ruso: Народно-Демократическая Республика). Nang hinarap ni Kim ang sitwasyon ay napagpasyahan ni Kim na tawagin ang bansa na "Republikang Bayang Demokratiko ng Korea" sa Koreano at Republikang Demokratikong-Bayan" sa Ruso upang isipin ng mga Sobyetiko na sinusunod ang kanilang mga utos at maiulat ni Kim sa mga Koreano na ang kanyang katawagan ang pinili ng mga Sobyetiko. Dahil dito, maaaring sabihin ng magkabilang panig na sila ang gumawa ng pangalan.[4]
Ginagamit ng mga Hilagang Koreano ang katawagang Pukchosŏn (Chosongul: 북조선; Hanja: 北朝鮮; "Hilagang Choson") habang ginagamit ng mga Timog Koreano ang katawagang Bukhan (Hangul: 북한; Hanja: 北韓; "Hilagang Han") upang tumukoy sa Hilagang Korea. Gayunpaman, ang terminong Pukchosŏn ay bihirang ginagamit sa hilaga, bagama't maaari itong matagpuan sa mga dipa-digmang mapagkukunan tulad ng Awit ni Heneral Kim Il-sung.[5] Sa mga pangturistang rehiyon sa Hilagang Korea at sa mga opisyal na pagpupulong ng Hilagang Korea at Timog Korea ay ginagamit nila ang mga terminong Bukcheuk ("hilagang panig") at Namcheuk ("timog panig"). Sa politika, ang mga pamahalaan ng Hilaga at Timog Korea ay tumuturing sa kanilang mga sarili bilang ang nag-iisang lehitimong pamahalaan ng buong tangway.[6]:72[7]:506–507 Dahil dito, hindi itinuturing ng mga Hilagang Koreano at Timog Koreano ang kanilang mga sarili bilang mga "Hilagang Koreano" at "Timog Koreano" kundi "Koreano", at ang mga dayuhang bisita ay hinihikayat na hindi gamitin ang mga unang binanggit na termino.[8]
Kasaysayan
Pagkakahati ng Korea (1945-1948)
Sobyetikong Pangasiwaang Sibil
Nangako ang Unyong Sobyetiko sa Komperensya ng Tehran noong Nobyembre 1943 at Komperensya ng Yalta noong Pebrero 1945 na sasamahan nito ang kanyang mga kaalyado sa Digmaang Pasipiko sa loob ng tatlong buwan ng tagumpay sa Europa. Noong Agosto 8, 1945, tatlong buwan matapos ang tagumpay ay nagdeklara ang Unyong Sobyetiko ng digmaan laban sa Imperyo ng Hapon.[9] Mabilis na sumulong ang mga tropang Sobyetiko, at naging sabik ang pamahalaang Amerikano na baka masakopn nila ang buong Korea. Noong Agosto 10, nagpasya ang pamahalaan ng Amerika na imungkahi ang ika-38 hilera bilang linya ng paghahati sa pagitan ng sona ng pananakop ng Sobyetiko sa hilaga at ng sona ng pananakop ng EU sa timog. Tinanggap ng Unyong Sobyetiko ang paghahati, at ang kasunduan ay isinama sa Pangkalahatang Utos Blg. 1 para sa pagsuko ng Hapon.[10] Inaprubahan ang utos noong Agosto 17, 1945, at nailagay ng labing anim na milyong Koreano sa sonang Amerikano at siyam na milyon sa sonang Sobyetiko.[11]
Sinimulan ng mga puwersang Sobyetiko ang kanilang mga paglapag sa Korea noong Agosto 14 at mabilis nilang naikuha ang hilagang-silangan, at noong Agosto 16 ay dumaong sila sa Wonsan.[12] Noong Agosto 24, nakarating ang Hukbong Pula sa Pyongyang at itinatag ang Sobyetikong Pangasiwaang Sibil. Ito ang panahon noong umusbong ang iilang Komiteng Bayan sa buong Korea. Kaakibat ang mga ito sa Komite sa Paghahanda ng Kasarinlan ng Korea, na noong Setyembre ay nagtatag ng Republikang Bayan ng Korea sa ilalim ng pamamahala ni Lyuh Woon-hyung. Hindi tulad ng kanilang mga Amerikanong katapat, kinilala at nakipagtulungan ang mga Sobyetikong awtoridad sa mga Komiteng Bayan. Nang pumasok ang mga tropang Sobyetiko sa Pyongyang, natagpuan nila ang isang pampook na Komiteng Bayan na pinamunuan ng beteranong Kristiyanong makabansang Cho Man-sik. Ayon sa ilang salaysay, si Cho Man-sik ang naging unang pili ng pamahalaang Sobyetiko na mamuno sa Hilagang Korea.[13][14][15][16][17]
Noong Setyembre 19, dumating si Kim Il-sung at 66 na iba pang opisyal ng Hukbong Pula ng Korea sa Wonsan. Nakipaglaban sila sa mga Hapones sa Mantsurya noong 1930s ngunit nanirahan sa Unyong Sobyetiko at nagsanay sa Hukbong Pula mula noong 1941. Noong Oktubre 14, ipinakilala ng mga Sobyetikong awtoridad si Kim sa publiko ng Hilagang Korea bilang isang bayaning gerilya. Noong Disyembre 18, 1945 ay pinagsama-sama ang mga lokal na komite ng Partido Komunista upang mabuo ang Partido Komunista ng Hilagang Korea. Sa parehong buwan naman sa Komperensya sa Mosku ng mga Ministrong Dayuhan ay sumang-ayon ang Unyong Sobyetiko sa isang panukala ng EU para sa isang pagkakatiwala sa Korea hanggang sa limang taon sa kalayaan. Karamihan sa mga Koreano ay humiling kaagad ng kalayaan, ngunit sinuportahan ni Kim at ng iba pang komunista ang pagkakatiwala sa ilalim ng panggipit ng pamahalaang Sobyetiko. Tinutulan ni Cho Man-sik ang panukala sa isang pampublikong pagpupulong noong Enero 4, 1946, at nawala siya sa publiko sa pamamagitan ng pag-arestong bahay.[18][19][20]
Komiteng Bayang Probisyonal ng Hilagang Korea
Noong Pebrero 8-9, 1946 ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga partidong pampolitika, organisasyong panlipunan, komiteng bayan, at kawanihang pampangasiwaan sa hilagang Korea na nagtatag ng Komiteng Bayang Probisyonal ng Hilagang Korea. Lumahok sa pulong ang 137 kinatawan na kinabibilangan ng dalawang kinatawan mula sa Partido Komunista ng Korea, dalawang kinatawan mula sa Partido Demokratiko ng Korea, dalawang kinatawan mula sa Alyansang Kasarinlan, dalawang kinatawan mula sa Pangkalahatang Pederasyon ng mga Unyong Paggawa, dalawang kinatawan mula sa Pangkalahatang Pederasyon ng mga Unyong Magbubukid, isang kinatawan mula sa Liga ng mga Babae, isang kinatawan mula sa Liga ng Kabataang Demokratiko, isang kinatawan mula sa mga asosasyong relihiyoso, isang kinatawan mula sa Asosasyong Pangkalinangang Korea-Sobyetiko, 11 puno ng mga kawanihang pampangasiwaan at mga kinatawan mula sa mga komiteng bayan. Ang bagong komiteng pinangunahan ng mga komunista ay pinamunuan ni Kim Il-sung. Gumawa ng ulat si Kim tungkol sa sitwasyong pampolitika ng Hilagang Korea at ang isyu ng paglikha ng isang komiteng bayang probisyonal sa unang araw ng pulong noong ika-8 ng Pebrero. Muling inorganisa rin sa araw na ito ang mga Komiteng Bayan bilang Interim Komiteng Bayan. Sinundan ito noong Pebrero 9 ng halalan ng 23 kasapi ng Komiteng Bayang Probisyonal ng Hilagang Korea, kung saan naihalal si Kim Il-sung bilang tagapangulo, Kim Tu-bong bilang pangalawang tagapangulo at Kang Ryang-uk bilang kalihim. Binuo rin ang komite ng sampung kagawaran at tatlong kawanihan, na sa kalaunan ay nadagdagan ng isa't naging apat. Si Han Hui-jin ay pinalitan ni Ho Nam-hui bilang puno ng kagawaran ng transportasyon, at si Han Tong-chan ay pinalitan ni Jang Si-u bilang puno ng kagawaran ng komersyo. Kalaunan ay naging pinuno ng kagawaran ng paggawa si O Ki-sop kasunod ng paglikha nito noong Setyembre 1946, kung saan si Ri Chong-won ang naging bagong puno ng kawanihan ng propaganda. Nanatiling gumagana ang Sobyetikong Pangasiwaang Sibil kasabay nito ngunit naglingkod nalang lamang ito bilang tagapayo. Sa kabuuan, naglingkod ang komite de factong pamahalaang probisyonal sa lugar na nagsagawa ng mga reporma tulad ng mga reporma sa lupa at pagsasabansa ng mga pangunahing industriya alinsunod sa 20-Puntong Plataporma na inisyu ni Kim Il-sung noong Marso 1946.[21][22] Ang mga punto sa programa at opisyal sa komite ay nakatala sa ibaba:
Posisyon | Pangalan | Partidong Kinakasapian |
---|---|---|
Tagapangulo | Kim Il-sung | Partido Komunista |
Pangalawang Tagapangulo | Kim Tu-bong | Alyansang May Kasarinlan |
Kalihim-Heneral | Kang Ryang-uk | Partido Demokratiko ng Korea |
Kagawaran ng Industriya | Ri Mun-hwan | May Kasarinlan |
Kagawaran ng Transportasyon | Han Hui-jin | May Kasarinlan |
Kagawaran ng Agrikultura at Panggugubat | Ri Sun-gun | Partido Komunista |
Kagawaran ng Komersyo | Han Tong-chan | May Kasarinlan |
Kagawaran ng Serbisyong Pangkoreo | Jo Yong-yol | Partido Komunista ng Korea |
Kagawaran ng Pananalapi | Ri Pong-su | Partido Komunista ng Korea |
Kagawaran ng Edukasyon | Jang Jong-sik | Partido Komunista ng Korea |
Kagawaran ng Kalusugan | Yun Ki-yong | Partido Demokratiko ng Korea |
Kagawaran ng Katarungan | Choe Yong-dal | Partido Komunista ng Korea |
Kagawaran ng Seguridad | Choe Yong-gon | Partido Demokratiko ng Korea |
Kawanihan ng Pagpaplano | Jong Jin-tae | Partido Komunista ng Korea |
Kawanihan ng Propaganda | O Ki-sop | Partido Komunista ng Korea |
Kawanihan ng Ugnayang Pangkalahatan | Ri Ju-yon | Partido Komunista ng Korea |
- Linising ganap ang lahat ng labi ng dating imperyalistang paghaharing Hapones sa politikal at ekonomikong buhay sa Korea.
- Buksan ang walang-awang pakikibaka laban sa mga elementong reaksyonaryo at kontra-demokratiko sa loob ng bansa, at ganap na ipagbawal ang mga aktibidad ng mga partido, grupo at indibidwal na pasista at kontra-demokratikong.
- Igarantiya ang mga kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag, pagpupulong at pananampalataya sa lahat ng tao. Igarantiya ang kondisyon para sa mga malayang aktibidad ng mga demokratikong partidong politikal, mga asosasyong manggagawa, mga asosasyon ng mga magbubukid, at iba pang mga demokratikong organisasyong panlipunang.
- Hayaan ang buong bayang Koreano na magkaroon ng tungkulin at karapatang mag-organisa ng mga komiteng bayan, ang mga pinag-isang institusyong pampangasiwaang lokal, sa pamamagitan ng mga halalang batay sa isang balotang panlahat, direkta, pantay at lihim.
- Igarantiya ang karapatang pantay sa lahat ng mamamayan anuman ang kasarian, pananampalataya at pagmamay-ari ng ari-arian.
- Ipilit ang hindi maaaring labagin ng paninirahan at tao, at ang garantiyang legal ng ari-arian at pag-aaring personal ng mga mamamayan.
- Buwagin ang lahat ng institusyong legal at hudisyal na ginamit noong panahon ng dating paghaharing imperyalistang Hapones at naimpluwensyahan din nito, at ihalal ang mga institusyong panghukumang bayan sa mga prinsipyong demokratiko at garantiya ng karapatang pantay sa ilalim ng batas para sa lahat ng mamamayan.
- Paunlarin ang mga industriya, sakahan, transportasyon at komersyo para sa pagtaas ng kapakanan ng bayan.
- Isabansa ang mga malalaking negosyo, institusyong pangtransportasyon, bangko, minahan at kagubatan.
- Payagan at hikayatin ang kalayaan sa pribadong gawaing kamay at komersyo.
- Kumpiskahin ang lupa mula sa mga taong Hapones, mamamayang Hapones, traydor, at mga may-ari ng lupa na nagsasagawa ng pagsasaka ng nangungupahan at ang pagbabasura sa sistema ng pagsasaka ng nangungupahan, at gawing mga ari-arian ng mga magsbubukid ang lahat ng nakumpiskang lupa nang walang bayad. Hayaang pangasiwaan ng estado ang lahat ng pasilidad ng patubig nang walang bayad.
- Makibaka laban sa mga espekulador at usurero sa pamamagitan ng pagsasabatas ng mga presyo sa pamilihan para sa pang-araw-araw na pangangailangan.
- Magpatupad ng iisa at patas na sistema ng buwis, at magpatupad ng progresibong sistemang buwis sa kita.
- Magpatupad ng 8-oras na sistema ng trabaho para sa mga manggagawa at klerk sa opisina, at iregulado ang minimong sahod. Ipagbawal ang trabaho para sa mga lalaking sa baba ng edad na 13, at ipatupad ang 6 na oras na sistema ng trabaho para sa mga lalaking may edad na 13 hanggang 16.
- Magpatupad ng segurong pambuhay para sa mga manggagawa at klerk sa opisina, at magpatupad ng sistema ng seguro para sa mga manggagawa at negosyo.
- Magpatupad ng unibersal na compulsory education system, at malawakang palawakin ang mga primaryang paaralan, gitnang paaralan, mataas na paaralan at unibersidad sa ilalim ng pamamahala ng estado. Repormahin ang sistema ng edukasyon ng mamamayan alinsunod sa demokratikong sistema ng estado.
- Aktibong paunlarin ang pambansang kalinangan, agham at sining, at palawakin ang bilang ng mga teatro, aklatan, radyong istasyong pangbrodkast at mga teatrong pangsinehan.
- Malawakang maglagay ng mga paaralang espesyal para sa paglinang ng talentong kinakailangan sa lahat ng sektor ng mga pampamahalaang institusyon at ekonomiyang bayan.
- Hikayatin ang mga tao't negosyong nakikibahagi sa agham at sining, at magbigay ng tulong sa kanila.
- Palawakin ang bilang ng mga pampamahalaang ospital, puksain ang mga nakakahawang sakit, at gamutin ang mga mahihirap nang libre.
Pagkatapos ay nagpasimula ng mga patakaran ang bagong pamahalaan tulad ng muling pamamahagi ng lupa, pagsasabansa ng industriya, reporma sa batas paggawa, at pagkakapantay-pantay para sa kababaihan. Noong Marso 8, 1946, ipinatupad ang reporma sa lupa sa Hilagang Korea na nakita ang pagkumpiska ng lupa mula sa mga mamamayan at organisasyong Hapones, mga Koreanong katuwang, mga may-ari ng lupa, at mga organisasyong panrelihiyon. Ang nakumpiskang lupa ay muling ipinamahagi sa 420,000 kabahayan. Isang kabuuang 52% ng lupain ng Hilagang Korea at 82% ng mga pagmamay-ari ng lupa ang muling ipinamahagi. Ang repormang "lupa sa nagsasaka" ay muling ipinamahagi ang bulto ng lupang pang-agrikultura sa mahihirap at walang lupang populasyong mambubukid na epektibong sinira ang kapangyarihan ng may lupang uri. Noong Hunyo 24, 1946, ipinatupad ang isang 8-oras na araw ng trabaho, kung saan ang mga manggagawang sangkot sa trabahong mapanganib ay itinalaga sa isang 7-oras na araw ng trabaho. Ipinagbawal ang trabaho para sa taong nasa baba ng 14 taong gulang. Ipinatupad ang suweldong pantay at segurong panlipunan para sa mga manggagawa. Noong Hulyo 22, 1946, isang batas sa pagkakapantay-pantay ng kasarian sa Hilagang Korea ang ipinatupad. Noong Agosto 10, 1946, 1,034 pangunahing pasilidad sa industriya, o 90% ng kabuuang industriya sa Hilagang Korea ang naisabansa. Noong Disyembre 27, 1946, napagpasyahan na ang mga magsasaka sa Hilagang Korea ay magbibigay ng 25% ng kanilang ani bilang buwis sa agrikultura.[23]
Sumibol ang iba't-ibang alyansa sa politika; noong Agosto 1946 ay nagsanib ang Partido Komunista ng Hilagang Korea at Bagong Partidong Bayan ng Korea upang mabuo ang Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea. Nabuo ang Demokratikong Hanay para sa Muling Pagkakaisa ng Amang Bayan noong Hulyo 1946. Nagkaroon ng mga halalan noong Nobyembre 3 para sa komiteng bayang munisipal ng Pyongyang, 6 na komiteng bayang panlalawigan, 12 komiteng bayang panlungsod, at 90 komiteng bayang pankondado. Ang kabuuang bilang ng mga dumalo para sa halalan ay 99.6%, kung saan 97% ng kabuuang botante ang kalahok sa mga halalan ng mga komiteng bayang panlalawigan, 95.4% sa mga halalan ng mga komiteng bayang panlungsod, at 96.9% sa mga halalan ng mga komiteng bayang pankondado. Kabuuang 3,459 na diputado ang naihalal, kung saan may 1,102 diputadong kaanib sa Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea, 352 sa Partido Demokratiko ng Korea, 253 sa Partido Chondoista Chong-u, at 1,753 may kasarinlan. Sa mga naihalal ay 510 manggagawa, 1,256 magsasaka, 1,056 na klerk sa opisina, 145 mangangalakal, 73 negosyante, 311 intelektwal, 94 na relihiyoso, at 14 na dating panginoong maylupa. Sa lahat ng diputado, 453 ay kababaihan. Noong Disyembre ang demokratikong hanay na pinamumunuan ng Partido ng mga Manggagawa ang nangibabaw sa mga halalan sa Hilagang Korea.[24][25][26]
Komiteng Bayan ng Hilagang Korea
Noong 17-20 Pebrero 1947, nagsagawa ng pagpupulong ang mga kinatawan mula sa mga komiteng bayang panlalawigan, panlungsod at pankondado sa Hilagang Korea kasama ang mga kinatawan mula sa mga partidong pampolitika at organisasyong panlipunan, upang i-organisa ang Asembleyang Bayan ng Hilagang Korea sa pamamagitan ng pagpili ng 237 kinatawan. Ang asembleyang bayan ay nagdaos ng unang sesyon nito noong 21-22 Pebrero 1947, na nag-organisa at naglipat ng kapangyarihan ng komiteng bayang probisyonal sa ng Komiteng Bayan ng Hilagang Korea. Mayroong 1,159 na kinatawang dumalo sa pulong. Ang mga kinatawan ng mga komiteng bayan sa lahat ng antas sa pulong ay pinili batay sa isang kinatawan sa bawat tatlong diputado ng komiteng bayan. Ang bawat partidong pampolitika at organisasyong panlipunan ay nagpadala ng limang kinatawan sa pulong. Pagkatapos, ang mga kinatawan ng pulong ay naghalal ng isang komite na susuriin ang mga nominasyon para sa kandidatura sa asembleyang bayan. Ito ay isang 15-miyembrong komite na binuo ni Kim Il-sung (bilang tagapangulo ng komiteng bayan ng Pyongyang), anim na tagapangulo ng komiteng bayang panlalawigan, tatlong kinatawan ng mga partidong pampolitika at apat na kinatawan ng mga organisasyong panlipunan. Ang komiteng ito ay pumili ng 237 kandidato batay sa 1 kandidato sa bawat limang kinatawan ng pulong. Ang 237 kandidato ay inihalal noon ng lahat ng kinatawan na naroroon sa pulong. Si Kim Il-sung ang naihalal bilang tagapangulo batay sa panukala ng pinuno ng Demokratikong Pambansang Nagkakaisang Hanay na si Choe Yong-gon. Ang 237 diputadong inihalal ng asembleya ay binuo ng 86 mula sa Partido ng mga Manggagawa ng Korea, 30 mula sa Partido Demokratiko ng Korea, 30 mula sa Partido Chondoista Chong-u, at 91 may kasarinlan. Kabilang sa 237 diputadong halal ng asembleya ay 52 manggagawa, 62 magsasaka, 56 na klerk sa opisina, 36 na intelektwal, 7 negosyante, 10 mangangalakal, 4 na manggagawa, at 10 relihiyosong tao. Nagbigay ng awtorisasyon ang asembleya kay Kim Il-sung na ayusin ang komite. Nang nag-iral ang komite ay itinatag ni Kim Il-sung ang Hukbong Bayan ng Korea noong Pebrero 8, 1948.[27] Ang listahan ng mga opisyal at estraktura ng asembleya ay nakatala sa ibaba:
Asembleyang Bayan ng Hilagang Korea 북조선인민회의 | |
---|---|
Estruktura | |
Mga puwesto | 237 |
Mga grupong pampolitika | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea (86) Partido Demokratiko ng Korea (30) Partido Chondoista Chong-u (30) May Kasarinlan (91)
|
Halalan | |
Halalang indirekta | |
Huling halalan | 17-20 Pebrero 1947 |
Lugar ng pagpupulong | |
Pyongyang |
Posisyon | Pangalan | Partidong Kinakasapian |
---|---|---|
Tagapangulo | Kim Il-sung | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Pangalawang Tagapangulo | Kim Chaek | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Hong Ki-ju | Partido Demokratiko | |
Kalihim-Heneral | Han Pyong-ok | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Kagawaran ng Pagpaplano | Jong Jun-taek | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Kagawaran ng Industriya | Ri Mun-hwan | May Kasarinlan |
Kagawaran ng Ugnayang Panloob | Pak Il-u | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas | Ri Kang-guk | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Kagawaran ng Pananalapi | Ri Pong-su | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Kagawaran ng Transportasyon | Ho Nam-hui | May Kasarinlan |
Kagawaran ng Agrikultura at Panggugubat | Ri Sun-gun | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Kagawaran ng Serbisyong Pangkoreo | Ju Hwang-sop | Partido Chondoista Chong-u |
Kagawaran ng Komersyo | Jang Si-u | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Kagawaran ng Kalusugan | Ri Tong-yong | Partido Demokratiko |
Kagawaran ng Edukasyon | Han Sol-ya | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Kagawaran ng Paggawa | O Ki-sop | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Kagawaran ng Katarungan | Choe Yong-dal | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Kagawaran ng Pagsesensurang Pampubliko | Choe Chang-ik | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Kawanihang Tagapagpaganap | Jang Jong-sik | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Kawanihan ng Propaganda | Ho Jong-suk | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Kawanihan ng Patakaran sa Pagkain | Song Pong-uk | Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea |
Kawanihan ng Ugnayang Pangkalahatan | Kim Jong-ju | Partido Chondoista Chong-u |
Ang asembleya ng omiteng bayan ay gumamit ng mga kapangyarihang pambatas at nagsilbing pinakamataas na institusyon ng kapangyarihan ng estado. Ginamit nito ang mga sumusunod na kapangyarihan sa panahon ng pag-iral nito: piliin ang tagapangulo ng Komiteng Bayan ng Hilagang Korea; ihalal ang pinuno ng Kataas-taasang Hukuman; ihalal ang pinuno ng Kataas-taasang Opisina ng Tagausig; magpasya sa kalakalang panlabas; protektahan ang pambansang seguridad; pagtibayin ang planong ekonoikong; aprubahan ang badyet ng estado; lumikha at baguhin ang mga pampangasiwaang lugar; at maglabas ng mga desisyon sa pagpapatupad ng mga amnestiya. Kapag nasa reseso ang asembleya, ginagamit ang mga kapangyarihan nito sa kanyang ngalan ng Permanenteng Komite ng asembleya. Nagpulong ang asembleya sa mga sesyong regular ng isang beses bawat tatlong buwan. Kabuuang limang sesyong regular at isang sesyong pambihira ang ginanap sa panahon ng pagkakaroon ng kapulungan.
Sesyon | Tagal | Mga Kapasiyahan |
---|---|---|
Ika-1 | 21-22 Pebrero 1947 |
|
Ika-2 | 15-16 Mayo 1947 |
|
Ika-3 | 18-19 Nobyembre 1947 |
|
Ika-4 | 6-7 Pebrero 1948 |
|
Pambihira | 28-29 Abril 1948 |
|
Ika-4 | 9-10 Hulyo 1948 |
|
Pagtatatag ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea
Dahil nabigong umunlad ang mga negosasyon sa Unyong Sobyetiko ukol sa hinaharap ng Korea, dinala ng Estados Unidos ang isyu sa Nasyones Unidas noong Setyembre 1947. Bilang tugon, itinatag ng ONU ang Komisyong Pansamantala sa Korea ng Nasyones Unidas upang magdaos ng halalan sa Korea. Tinutulan ng Unyong Sobyetiko ang hakbang na ito. Sa kawalan ng kooperasyong Sobyetiko, napagpasyahan na idaos ang halalan na pinangangasiwaan ng ONU sa timog lamang. Noong Abril 1948, nagpulong sa Pyongyang ang komperensya ng mga organisasyon mula sa Hilaga at Timog, ngunit wala itong naging resulta. Ang mga politiko sa timog na sina Kim Gu at Kim Kyu-sik ay dumalo sa komperensya at binoykot ang mga halalan sa Timog. Dahil dito, postumong iginawad sa kanila ng Hilagang Korea ang Gantimpalang Pambansa ng Muling Pagkakaisa. Ang mga halalan ay ginanap sa Timog Korea noong 10 Mayo 1948, at noong Agosto 15 ay pormal na umiral ang Republika ng Korea. Isang prosesong parallel ang naganap sa Hilagang Korea. Isang bagong Kataas-taasang Asembleyang Bayan ang inihalal noong Agosto 1948, at noong ika-3 ng Setyembre isang konstitusyong bago ang ipinahayag. Ang Republikang Bayang Demokratiko ng Korea ay ipinahayag noong Setyembre 9, 1948. Si Terentiy Fomich Shtykov ang naging embahador ng Unyong Sobyetiko sa bansa habang sina Kim Il-sung at Kim Tu-bong ang naging tagapangulo at premiyer ayon sa pagkabanggit. Noong 12 Disyembre 1948, tinanggap ng Asembleyang Pangkalahatan ng Nasyones Unidas ang ulat ng komisyong pansamantala nito at idineklara ang Republika ng Korea bilang "tanging pamahalaang legal sa Korea".[28][29][30][31][32] Noong 1949, ang Hilagang Korea ay isang absolutong estadong komunista. Lahat ng partido at organisasyong masa ay sumali sa Demokratikong Hanay para sa Muling Pagkakaisa ng Amang Bayan, na tila isang prenteng popular ngunit sa katotohanan ay pinangunahan ng mga komunista. Noong Hunyo 24, 1949 ay pinagsanib ang Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea sa katimugang katapat nito na Partido ng mga Manggagawa ng Timog Korea upang maging Partido ng mga Manggagawa ng Korea, kasama si Kim bilang tagapangulo ng partido. Mabilis na kumilos ang pamahalaan upang magtatag ng isang sistemang pampolitika na bahagyang naka-istilo sa sistemang Sobyetiko, na may kapangyarihang pampolitikang monopolisado ng partido.
Pamumuno ni Kim Il-sung (1948-1994)
Digmaang Koreano
Pagka-Digmang Muling Pagpapaunlad
Pamumuno ni Kim Jong-il (1994-2011)
Martsang Mahirap
Patakarang Arawan
Pagkalunod ng Cheonan at Pagbobomba ng Yeonpyeong
Pamumuno ni Kim Jong-un (2011-kasalukuyan)
Krisis sa Hilagang Korea (2017-2018)
Pandemyang COVID-19
Heograpiya
Topograpiya
Sinasakop ng Hilagang Korea ang hilagang bahagi ng Tangway ng Korea, na nasa pagitan ng mga latitud na 37° at 43°H, at mga longitud na 124° at 131°S. Sumasaklaw ito ng sukat na 120,540 kilometrong kuwadrado (46,541 milyang kuwadrado). Sa kanluran nito ay ang Dagat Dilaw at Look ng Korea, at ang nasa silangan nito ay ang Hapon sa kabila ng Dagat ng Hapon.[33]
Ayon sa ulat ng Programang Pangkalikasan ng Nasyones Unidas, sakop ng kagubatan ang higit sa 70 bahagdan ng bansa, karamiha'y nasa matarik na dalisdis. Nagkaroon ang Hilagang Korea ng midyang markang 8.02/10 noong 2019 sa Talatuntunan ng Integridad ng Paysaheng Kagubatan, at niraranggo ito bilang ika-28 sa buong mundo sa 172 bansa. Ang bansa ay naglalaman ng tatlong panlupang ekorehiyon: kagubatang nangungulag ng Gitnang Korea, magkahalong kagubatan ng Bulubunduking Changbai, at magkahalong kagubatan ng Mantsurya.[34][35][36][37]
Sinabi ng mga naunang bisitang Europeo sa Korea na ang bansa ay kahawig ng "isang dagat sa malakas na unos" dahil sa maraming bulubunduking sunud-sunod na kumukrus sa tangway. Mga 80 bahagdan ng lupain ng Hilagang Korea ay binubuo ng mga bundok at kabundukan, na pinaghihiwalay ng mga malalim at makipot na lambak. Lahat ng bundok ng tangway na may taas na 2,000 metro (6,600 talampakan) o higit pa ay matatagpuan sa Hilagang Korea. Ang malaking mayorya ng populasyon ay naninirahan sa mga kapatagan at mababang lupain.[38]
Ang Bundok Paektu ang pinakamataas na punto sa Hilagang Korea sa 2,743 metro (8,999 talampakan). Isa itong bulkang bundok na malapit sa Mantsurya na may basalt na lavang talampas na mayroong taas sa pagitan ng 1,400 metro (4,600 talampakan) at 2,000 metro (6,600 talampakan) sa ibabaw ng antas ng dagat. Itinuturing na isang sagradong lugar ng mga Koreano. Ayon sa mitolohiyang Koreano, isinilang dito si Dangun, ang nagtatag ng unang kaharian sa Korea na Gojoseon. May kahalagahan ang bundok sa kalinangang Koreano at isinama sa detalyadong alamat ng kulto ng pagkatao na nakapalibot sa dinastiyang Kim. Isang tanyag na pampamahalaang propagandang alamat ay sumasaad na ang bundok ang lugar ng kapanganakan ni Kim Jong-il. Binabanggit ang bundok sa pambansang awit ng parehong Korea at sa iba't-ibang awiting propaganda, isang halimabawa ang awiting "Pupunta Tayo sa Bundok Paektu" na umaawit bilang papuri kay Kim Jong-un at naglalarawan ng simbolikong paglalakbay sa bundok.[39]
Marami ng bulundukin sa bansa, iilan sa kabilang dito ang Bulubunduking Hamgyong na matatagpuan sa sukdulang hilagang-silangan na bahagi ng tangway ay mayroon ng maraming matataas na taluktok, kabilang ang Kwanmobong sa humigit-kumulang 2,541 metro (8,337 talampakan); ang Bulubunduking Rangrim na matatagpuan sa hilaga-gitnang bahagi ng Hilagang Korea at tumatakbo sa direksyong hilaga-timog, na ginagawang mahirap ang komunikasyon sa pagitan ng silangan at kanlurang bahagi ng bansa; at ang Bulubunduking Kangnam na tumatakbo sa kahabaan ng hangganang Hilagang Korea–Tsina. Ang Bundok Kumgangsan, na kilala rin bilang ang Bundok Dyamante, (humigit-kumulang 1,638 metro (5,374 talampakan)) na matatagpuan sa Bulubunduking Thaebaek na umaabot sa Timog Korea, ay sikat dahil sa magandang tanawin nito. Ang mga bulubundukin sa hilaga at silangang bahagi ng Hilagang Korea ay bumubuo sa kuwenka para sa karamihan ng mga ilog nito, na dumadaloy sa direksyong kanluran at umaagos sa Dagat Dilaw at Look ng Korea. Ang pinakamahaba ay ang Ilog Yalu (kilala sa Korea bilang Ilog Amnok) na maaaring maugitanan sa 678 km ng 790 kilometro (490 milya) nito. Ang Ilog Tumen, isa sa iilang malalaking ilog na dumadaloy sa Dagat Hapon, ay ang ikalawang pinakamahaba sa 521 kilometro (324 milya) ngunit nalalayag lamang ng 85 kilometro (53 milya) dahil sa bulubunduking topograpiya. Ang Ilog Taedong ang ikatlong pinakamahabang ilog sa bansa, dumadaloy ito sa Pyongyang at maaaring maugitanan sa 245 ng 397 kilometro nito. Maliliit ang mga lawa dito dahil sa kakulangan ng aktibidad na gleysyal at katatagan ng kortesa ng Daigdig sa rehiyon. Hindi tulad ng kalapit na Hapon o hilagang Tsina, ang Hilagang Korea ay nakakaranas ng kaunting matinding lindol. Ang bansa ay may iilang spang natural at mainit na bukal, tinatayang 124 ito lahat-lahat ayon sa isang Hilagang Koreanong mapagkukunan.[40][41]
Klima
Kapaligiran
Pangkalahatang-ideya at Biyodibersidad
Ang kapaligiran ng Hilagang Korea ay magkakaiba, ito'y sumasaklaw ng mga ekosistemang alpina, kagubatan, bukirin, tubig-tabang, at marino. Mahigit sa 80 bahagdan ng Hilagang Korea ay bulubundukin kung saan ang pagtatanim ay nakakulong sa mga baybaying silangan at kanluran. Ayon sa ulat ng Programang Pangkapaligiran ng Nasyones Unidas noong 2003, sakop ng kagubatan ang higit sa 70 bahagdan ng bansa, karamiha'y nasa mga matarik na dalisdis. Gayunpaman, ang ibang mga pag-aaral ay nagmungkahi na dahil sa deporestasyon, ang kagubatan ay nasa 50% lamang. Mayroong siyam na ilog at maraming maliliit na daluyan ng tubig sa bansa. Dahil sa kasaysayang heolohikal nito, ang bansa ay may saklaw ng behetasyon mula sa mga sonang subtropiko, mapagtimpi at napakalamig na kayang mabuhay nang magkakasama dahil sa pinagsamang epekto ng mga klimang oseaniko at kontinental. Sa nakalipas na mga taon, ang kapaligira'y naiulat na nasa isang estado ng "krisis", "sakuna", o "pagbagsak".[42][43][44][45][46][47][48]
Noong 2003, ang mga espesyeng hayop at halaman sa Hilagang Korea ay iniulat na "masagana". Apat na bahagdan ng mas mataas na uri ng halaman ang iniulat na nanganganib, mahina, bihira, o bumababa. Labing-isang bahagdan ng mga espesyeng bertebrado ay iniulat na kritikal na nanganganib, nanganganib, o bihira. Noong 2013, isang delegasyon ng mga bumibisitang dalub-agham ang nag-ulat ng malaking pagkawasak sa kapaligiran ng bansa. Inilarawan nila ang kawalan ng mga hayop at sinabi na ang "tanawin ay talagang patay". Ang kalagayang ito ay inilarawan bilang "napakalubha na maaaring masira ang katatagan ng buong bansa". Gayunpaman, isang grupo ng mga tagamasid ng ibon mula sa Bagong Selanda ay bumisita sa Dagat Dilaw sa lalawigan ng Timog Pyongan noong 2016 at iniulat na ang mga maputik na lugar doon ay naging kanlungan para sa mga ibon. Ang relatibong kakulangan ng pag-unlad doon kung ikumpara sa kalapit na Tsina at Timog Korea ay nagbigay ng kanlungan para sa ilang pandaigdigang mahalagang ibon - tulad ng kritikal na nanganganib na Numenius madagascariensis, Numenius arquata, at Limosa lapponica sa kanilang migrasyon sa kahabaan ng Rota ng Silangang Asya-Australasya.[49][50][51][52]
Ang sanghalamanan ng Hilagang Korea ay may malaking pagkakatulad sa ibang mga lugar sa hilagang hating-daigdig. Humigit-kumulang 2898 espesye ang naitala, kung saan 14% ay endemiko. Apat ang inuri bilang nanganganib. Ang mga katutubong pamayanang halaman sa mababang lupain ay higit na naglaho sa paglilinang at urbanisasyon. Ang mga katutubong pamayanang kagubatang pinophyta ay matatagpuan sa kabundukan. Ang mga uri ng kagubatan ay pangunahing subartiko (boreal) at kagubatang templado-malamig. Ang Pinus densiflora ay nangingibabaw sa mga kagubatang konipero sa buong Hilagang Korea, at dumami din sa mga lugar na binago ng epekto ng tao. Ang pangunahing harding botaniko sa Hilagang Korea ay ang Gitnang Harding Botanikal na itinatag noong 1959. Matatagpuan ito sa paanan ng Bundok Taesongsan sa Pyongyang.
Tatlong espesyeng nanganganib ay lubhang natatangi na nauuri sa kanilang sariling saring monotipiko. Ang nanganganib na Pentactina rupicola ng pamilyang Rosaceae ay matatagpuan lamang malapit sa tuktok ng Bundok Kumgang sa Kangwon Province. Ang nag-iisang miyembro ng sari nito, ang mga relasyon nito ay hindi malinaw, ngunit ang pagsuring molekular ay nagmumungkahi na ang pinakamalapit na kamag-anak nito ay ang saring Hilagang Amerikano na Petrophytum. Ang kritikal na nanganganib na Abeliophyllum distichum ay mula sa gitnang tangway ng Korea at gaya ng Pentactina rupicola ay kabilang din ito sa isang sari kung saan ito ang nag-iisang miyembro. Mula sa Korea ay ipinakilala ito sa hortikultura sa Inglatera at Hilagang Amerika, pati na rin sa paglilinang sa Hilagang Korea. Ang Sophora koreensis ay inuri din sa sarili nitong sari, ngunit ang Echinosophora ay natagpuang henetikong nasa loob ng saring Sophora.
Suliranin at Programang Pangkalikasan
Aang kapaligiran ng Hilagang Korea ay kilala na hindi gaanong kontaminado kaysa sa Timog Korea, ngunit ang Hilagang Korea ay nasa malubhang kalagayan din ng polusyon sa kapaligiran dahil sa kakulangan ng kamalayan, pamumuhunan, kondisyong teknolohikal, at walang ingat na pag-unlad na sumisira sa kalikasan. Sa ngayon, ang kinatawan ng Hilagang Korea ay lumahok sa Sumite ng Rio at nagpahayag ng kanyang intensyon na tumugon sa mga konsultasyong interkoreano sa mga isyung pangkapaligiran. Ang kalagayang pangkalikasan sa Hilagang Korea ay hindi pa rin ganoon kakilala sa labas ng mundo, at ang mga kaugnay na pinsala ay paulit-ulit lamang na iniuulat.[53][54]
Mga Hangganan, Baybayin, at Isla
Paghahating Pampangasiwaan
Ang mga paghahating pampangasiwaan ng Hilagang Korea ay nakasaayos sa tatlong antas. Ang una at pinakamataas na antas ay sinasaklaw ang siyam na lalawigan at apat na espesyal na lungsod, ang ikalawang antas ay binubuo ang mga lungsod, kondado, at distrito, at ang ikatlong antas ay nahahati sa mga bayan, kapitbahayan, nayon, at distrito ng mga manggagawa. Ang sistemang pampangasiwaan na ito na kasalukuyang ginagamit sa Hilagang Korea ay unang pinasinayaan ni Kim Il-sung noong 1952 bilang bahagi ng malawakang muling pagtatatag pamahalaang lokal. Noong nakaraan ay gumamit ang bansa ng maraming-antas na sistema katulad ng ginagamit pa sa Timog Korea.
Unang Antas
Ang siyam na lalawigan sa Hilagang Korea ay nagmula sa tradisyonal na mga lalawigan ng Korea, ngunit higit pa itong hinati simula noong pagkakahati ng Korea. Ang mga ito ay malalaking lugar kabilang ang mga lungsod, kanayunan at bulubunduking rehiyon. Ang tatlong espesyal na lungsod at natatanging direktang pinamamahalaang lungsod ay mga malalaking lungsod ng kalakhan na hiniwalay sa kanilang mga dating lalawigan upang maging mga unang antas na yunit. Mayroon ng apat na iba pang mga lungsod (Chongjin, Hamhung, Kaesong, at Gwangju) na direktang pinamamahalaan sa nakaraan, ngunit sa paglipas ng panahon ay muling pinagsama ang iba sa kanilang mga lalawigan o kung hindi man ay muling isinaayos. Ang mga espesyal na lungsod ay mayroon ng pantay na katayuan sa mga lalawigan.
Mapa | Kodigo | Pangalan (Filipino) |
Pangalan (Chosongul) |
Pangalan (Hanja) |
Kabisera |
---|---|---|---|---|---|
Direktang Pinamamahalaang Lungsod (Chosongul: 직할시; Hanja: 直轄市; MR: chikhalsi) | |||||
KP-01 | Pyongyang | 직할시 | 平壤市 | ||
Lalawigan (Chosongul: 도; Hanja: 道 MR: to) | |||||
KP-02 | Timog Pyongan | 평안남도 | 平安南道 | Pyongsong | |
KP-03 | Hilagang Pyongan | 평안북도 | 平安北道 | Sinuiju | |
KP-04 | Chagang | 자강도 | 慈江道 | Kanggye | |
KP-05 | Timog Hwanghae | 황해남도 | 黃海南道 | Haeju | |
KP-06 | Hilagang Hwanghae | 황해북도 | 黃海北道 | Sariwon | |
KP-07 | Kangwon | 강원도 | 江原道 | Wonsan | |
KP-08 | Timog Hamgyong | 함경남도 | 咸鏡南道 | Hamhung | |
KP-09 | Hilagang Hamgyong | 함경북도 | 咸鏡北道 | Chongjin | |
KP-10 | Ryanggang | 량강도 | 兩江道 | Hyesan | |
Espesyal na Lungsod (Chosongul: 특별시; Hanja: 特別市 MR: t'ŭkpyŏlsi) | |||||
KP-11 | Rason | 라선특별시 | 羅先市 | ||
KP-12 | Nampo | 남포시 | 南浦市 | ||
KP-13 | Kaesong | 개성시 | 開城市 |
Ikalawa at Ikatlong Antas
Ang pinakakaraniwang ikalawang antas na paghahati ay ang kondado (Chosongul: 군; Hanja: 郡; MR: kun), isang hindi gaanong urbanisadong lugar sa loob ng isang lalawigan o direktang pinamamahalaang lungsod. Ang mga mas mataong distrito sa loob ng mga lalawigan ay mga lungsod (Chosongul: 시; Hanja: 市; MR: si). Ang mga sentrong panlungsod ng mga direktang pinamamahalaang lungsod ay isinaayos sa mga distrito (Chosongul: 구역; Hanja: 區域; MR: kuyŏk).
Ang mga bahaging rural ng mga lungsod at kondado ay isinaayos sa mga nayon (Chosongul: 읍; Hanja: 邑; MR: ŭp). Ang mga bayanang lugar sa loob ng mga lungsod ay nahahati sa mga kapitbahayan (Chosongul: 동; Hanja: 洞; MR: tong), at ang mga mataong bahagi ng isang kondado ay bumubuo ng isang bayan (Chosongul: 리; Hanja: 里; MR: ri). Ang ibang kondado ay mayroon ng mga distrito ng mga manggagawa (Chosongul: 로동자구; Hanja: 勞動者區; MR: rodongjagu).
Pamahalaan at Politika
Istraktura ng Pamahalaan
Pampolitikang Kalagayan at Pagpapaunlad
Pagpapatupad ng Batas at Panloob na Seguridad
Ugnayang Panlabas
Ekonomiya
Pangkalahatang Sitwasyon
Imprastraktura, Enerhiya, at Transportasyon
Agham at Teknolohiya
Lihim na "Silid 39"
Lipunan
Demograpiko
Edukasyon
Kalusugan
Karapatang Pantao
Relihiyon
Wika
Kalinangan
Arkitektura
Lutuin
Ang lutuing Koreano ay umunlad sa mga dantaon ng pagbabago sa lipunan at politika. Nagmula ito sa mga sinaunang agrikultural at lagalag na mga tradisyon sa timog Manchuria at Korea, at dumaan ito sa mga masalimuot na pakikipag-ugnayan sa likas na kapaligiran at iba't-ibang pankalinangang uso. Ang mga kaning ulam at kimtsi ay mga pangunahing pagkaing Koreano. Sa mga tradisyonal na almusal, tanghalian, at hapunan, sinasamahan nila ang magkabilang tabing ulam (banchan) at mga pangunahing pagkain tulad ng juk, bulgogi, o pansit. Ang alak na soju ay pinakakilalang tradisyonal na diwang Koreano.[55][56]
May iilang luto na pinagsasaluhan ng dalawang Korea. Ang iilang luto't pagkain sa Hilagang Korea ay ihinahanda rin sa Timog Korea. Ang karamihan sa pagkaing nagmula sa Hilagang Korea ay naidala sa Timog Korea sa pamamagitan ng mga nandayuhang pamilya pagkatapos ng Digmaang Koreano. Marami sa mga pagkaing ito ang naging pangunahing sangkap sa karaniwang pagkaing Timog Koreano. Ang ibang mga luto ng Hilagang Korea ay iba-iba ang lasa kumpara sa mga katapat nila sa Timog Korea, kung saan ang mga ito ay hindi gaanong maanghang at iba-iba ang komposisyon. Inilarawan ang mga lutong Hilagang Koreano na may tiyak at pambihirang kahanghangan na nagmumula sa paggamit ng mga sahog na may lasa na matamis, maasim, masangsang at maanghang sa mga pagkakahalong nagdudulot ng ganitong epekto.[57][58][59][60]
Mayroon ng iilang pagkaing kalye na umiiral sa bansa, kung saan ang mga nagtitinda ay nagpapatakbo ng mga puwestong pampagkain. Ang unang pizzerya ng bansa ay binuksan noong 2009. Mayroon din ng mga restawran sa bansa, ngunit ang mga ito, partikular na sa Pyongyang, ay may mahal na pagpepresyo kung ikumpara sa karaniwang sahod ng mga manggagawa sa Hilagang Korea. Ang mga ito ay hindi pinupuntahan ng mga karaniwang mamamayan ng Hilagang Korea, at ang mga turista at mayayamang mamamayan ang mga pangunahing tumatangkilik ng mga ito, lalo na sa mga maluho. Alinsunod sa kanilang pagpepresyo, ang mga maluhong restawran ay karaniwang nagagamit lamang ng mga pinuno ng pamahaalan na binabayaran ng maayos, turista na bumibisita sa bansa, at ang umuusbong na mayamang gitnang uri ng donju (nangangahulugang "mga maestro ng pera"). Ang donju ay karaniwang humahawak ng mga posisyon sa pamahalaan, negosyong pag-aari ng estado sa labas ng bansa, at mga may kinalaman sa pagdadala ng mga pamumuhunan at pag-angkat ng mga produkto sa bansa.[61][62][63][64][65][66][67][68][69][70]
Ang mga inuming nakalalasing ay iniinom sa Hilagang Korea, at ang pag-inom ay bahagi ng kultura ng bansa. Ang legal na edad ng pag-inom ng Hilagang Korea ay 18, ngunit kung minsan ang mga menor de edad ay pinapayagang uminom ng mga inuming nakalalasing, at ang ilang mga tagabantay ng tindahan ay kaagad na nagbebenta sa kanila ng mga inuming may alkohol. Ang ilang mga Hilagang Koreano ay nagtitimpla at nagdadalisay ng mga inuming may alkohol sa bahay sa kabila ng pagbabawal ng naturang paggawa ng alkohol sa bahay, at ang ilan ay nagbebenta ng mga inuming ito sa mga merkado bagama't ito'y ilegal din. Ang alak na timplang bahay ay ginagawa gamit ang mga sangkap tulad ng patatas at mais. Ang ilang mga mamimili sa Hilagang Korea ay bumibili ng mga inuming may alkohol nang direkta mula sa mga pabrika na gumagawa ng alkohol sa bansa sa pamamagitan ng perang hawak. Sa kamakailang mga panahon, ang inangkat na Tsinong alak ay pinahintulutang ibenta sa mga pamilihan. Isang kilalang Tsinong alak na ibinibigay sa Hilagang Korea ay ang Alak ng Kaoliang, na mayroong 46-50% na nilalamang alkohol.[71][72] [73]
Midyang Pangmasa
Musika
Kapistahan at mga Pinagdidiriwang
Palakasan
Panitikan
Sinehan
Sining
Mga Sanggunian
- ↑ Rossabi, Morris (20 Mayo 1983). China Among Equals: The Middle Kingdom and Its Neighbors, 10th–14th Centuries (sa wikang Ingles). University of California Press. ISBN 9780520045620. Nakuha noong 8 Nobyembre 2016.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Yunn, Seung-Yong (1996), "Muslims earlier contact with Korea", Religious culture of Korea, Hollym International
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link):99 - ↑ Korea原名Corea? 美國改的名 (sa wikang Tsino). United Daily News. 5 Hulyo 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Oktubre 2014. Nakuha noong 28 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://www.nknews.org/2018/11/how-north-korea-got-its-official-name/
- ↑ "Chosŏn". "Dictionary.com Unabridged". Random House. Nakuha noong 19 Disyembre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Buzo, Adrian (2002). The Making of Modern Korea. London: Routledge. ISBN 978-0-415-23749-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cumings, Bruce (2005). Korea's Place in the Sun: A Modern History. New York: W. W. Norton & Company. ISBN 978-0-393-32702-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Young, Benjamin R (7 Pebrero 2014). "Why is North Korea called the DPRK?". NK News. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Pebrero 2014. Nakuha noong 9 Pebrero 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Walker, J Samuel (1997). Prompt and Utter Destruction: Truman and the Use of Atomic Bombs Against Japan. Chapel Hill: The University of North Carolina Press. p. 82. ISBN 978-0-8078-2361-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hyung Gu Lynn (2007). Bipolar Orders: The Two Koreas since 1989. Zed Books. p. 18.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Buzo, Adrian (2002). The Making of Modern Korea. London: Routledge. p. 53. ISBN 978-0-415-23749-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Seth, Michael J. (16 Oktubre 2010). A History of Korea: From Antiquity to the Present. Rowman & Littlefield Publishers (nilathala 2010). p. 86. ISBN 9780742567177.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Buzo, Adrian (2002). The Making of Modern Korea. London: Routledge. pp. 54–57. ISBN 978-0-415-23749-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Robinson, Michael E (2007). Korea's Twentieth-Century Odyssey. Honolulu: University of Hawaii Press. pp. 105–107. ISBN 978-0-8248-3174-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cumings, Bruce (2005). Korea's Place in the Sun: A Modern History. New York: W. W. Norton & Company. pp. 227–228. ISBN 978-0-393-32702-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bluth, Christoph (2008). Korea. Cambridge: Polity Press. p. 12. ISBN 978-07456-3357-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jager, Sheila Miyoshi (2013). Brothers at War – The Unending Conflict in Korea. London: Profile Books. p. 23. ISBN 978-1-84668-067-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Buzo, Adrian (2002). The Making of Modern Korea. London: Routledge. p. 56. ISBN 978-0-415-23749-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Buzo, Adrian (2002). The Making of Modern Korea. London: Routledge. p. 59. ISBN 978-0-415-23749-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cumings, Bruce (2005). Korea's Place in the Sun: A Modern History. New York: W. W. Norton & Company. pp. 187–190. ISBN 978-0-393-32702-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Establishment of the Provisional People's Committee of North Korea". National Institute of Korean History. Nakuha noong 11 Enero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "20-Point Platform". Kim Il Sung Open University. Nakuha noong 11 Enero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Organization and Role of the Provisional People's Committee of North Korea". National Institute of Korean History. Nakuha noong 11 Enero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Buzo, Adrian (2002). The Making of Modern Korea. London: Routledge. p. 60. ISBN 978-0-415-23749-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Charles K. Armstrong, The North Korean Revolution, 1945–1950 (Ithaca, NY: Cornell University Press), 71–86.
- ↑ Lone, Stewart; McCormack, Gavan (1993). Korea since 1850. Melbourne: Longman Cheshire. p. 184.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "People's Assembly of North Korea". Encyclopedia of Korean Culture. Nakuha noong 10 Enero 2019.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Buzo, Adrian (2002). The Making of Modern Korea. London: Routledge. p. 66. ISBN 978-0-415-23749-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cumings, Bruce (2005). Korea's Place in the Sun: A Modern History. New York: W. W. Norton & Company. pp. 211, 507. ISBN 978-0-393-32702-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Reunification Prize Winners", Korean Central News Agency, 7 Mayo 1998, inarkibo mula sa orihinal noong 2 Hunyo 2013
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Buzo, Adrian (2002). The Making of Modern Korea. London: Routledge. p. 67. ISBN 978-0-415-23749-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Buzo, Adrian (2002). The Making of Modern Korea. London: Routledge. pp. 60–61. ISBN 978-0-415-23749-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Demographic Yearbook – Table 3: Population by sex, rate of population increase, surface area and density (PDF). United Nations Statistics Division. 2012. p. 5. Nakuha noong 29 Nobyembre 2014.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). p. 12. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 Hulyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Grantham, H. S.; atbp. (2020). "Anthropogenic modification of forests means only 40% of remaining forests have high ecosystem integrity – Supplementary Material". Nature Communications. 11 (1): 5978. doi:10.1038/s41467-020-19493-3. ISSN 2041-1723. PMC 7723057. PMID 33293507.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bill Caraway (2007). "Korea Geography". The Korean History Project. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hulyo 2007. Nakuha noong 1 Agosto 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dinerstein, Eric; atbp. (2017). "An Ecoregion-Based Approach to Protecting Half the Terrestrial Realm". BioScience. 67 (6): 534–545. doi:10.1093/biosci/bix014. ISSN 0006-3568. PMC 5451287. PMID 28608869.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Topography and Drainage". Library of Congress. 1 Hunyo 1993. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Nobyembre 2004. Nakuha noong 17 Agosto 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Song, Yong-deok (2007). "The recognition of mountain Baekdu in the Koryo dynasty and early times of the Joseon dynasty". History and Reality V.64.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://www.koreakonsult.com/Attraction_Kumgang_eng.html
- ↑ "Topography and Drainage". countrystudies.us. U.S. Library of Congress. Nakuha noong 17 Hunyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). pp. 13, 52. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2004-08-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kirby, Alex (Agosto 27, 2004). "North Korea's environment crisis". BBC. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 21, 2006.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). p. 53. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2004-09-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). p. 12. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2004-09-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hayes, Peter (12 Oktubre 2009). "Unbearable Legacies: The Politics of Environmental Degradation in North Korea". Asia Pacific Journal: Japan Focus.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). p. 30. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2004-09-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). p. 12. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2004-09-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). p. 53. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2004-09-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McKenna, Phil (Marso 6, 2013). "Inside North Korea's Environmental Collapse". PBS.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kirby, Alex (Agosto 27, 2004). "North Korea's environment crisis". BBC.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Why North Korea is a safe haven for birds". BBC News. 2016-06-20. Nakuha noong 2016-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NK테크 브리핑". www.nktech.net. Nakuha noong Hunyo 21, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 명, 수정 (2018). "KDI 북한경제리뷰". www.kdi.re.kr (sa wikang Kanuri). Nakuha noong Hunyo 18, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Korean Cuisine (한국요리 韓國料理) (sa wikang Koreano). Naver / Doosan Encyclopedia. Nakuha noong 15 Hulyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Food". Korean Culture and Information Service. Nakuha noong 15 Hulyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gentile, Dan (Pebrero 28, 2014). "Korean food: The 12 essential dishes you need to know from the North and the South". Thrillist. Nakuha noong Mayo 19, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lankov, Andrei (Hunyo 11, 2014). "Why Pyongyang's restaurant scene is thriving". The Guardian. Nakuha noong Mayo 17, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dixon, Laura (Setyembre 15, 2010). "Common Food in North Korea". USA Today. Nakuha noong Mayo 17, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Demick, Barbara (Oktubre 8, 2011). "The unpalatable appetites of Kim Jong-il". The Telegraph. Nakuha noong Mayo 19, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jeffries, I. (2013). North Korea: A Guide to Economic and Political Developments. Guides to Economic and Political Developments in Asia. Taylor & Francis. p. 408. ISBN 978-1-134-29033-8. Nakuha noong Mayo 18, 2017.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Yoo-sung, Kim (Hunyo 9, 2015). "Ask a North Korean: what's the street food speciality?". The Guardian. Nakuha noong Mayo 18, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kaiman, Jonathan (Mayo 4, 2017). "You've got the munchies and you're in North Korea. Don't worry - we're here to help". Los Angeles Times. Nakuha noong Mayo 19, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Five interesting facts about North Korean leader Kim Jong-un". The Jakarta Post. Pebrero 18, 2017. Nakuha noong Mayo 20, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Killalea, Debra (Mayo 17, 2016). "Pyonghattan: Life inside North Korea's brat pack". News.com.au. Nakuha noong Mayo 17, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fullerton, Jamie (Marso 29, 2017). "Munchies in North Korea: A Visit to Pyongyang's Newest Pizza Joint". Vice. Nakuha noong Mayo 17, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Song Ah, Seol (Setyembre 30, 2014). "Bottled Water Gaining Popularity in Markets". Daily NK. Nakuha noong Mayo 19, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Song Min, Choi (Disyembre 9, 2015). "North Korea's nouveau riche spend like there's no tomorrow". Daily NK. Nakuha noong Mayo 20, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pearson, James; Park, Ju-min (Hunyo 4, 2015). "Pyongyang Bling - The rise of North Korea's consumer comrades". Reuters UK. Nakuha noong Mayo 20, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fifield, Anna (Mayo 14, 2016). "North Korea's one-percenters savor life in 'Pyonghattan'". Washington Post. Nakuha noong Mayo 20, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kim, M. (2010). Escaping North Korea: Defiance and Hope in the World's Most Repressive Country. Rowman & Littlefield Publishers. p. 42. ISBN 978-0-7425-5733-8. Nakuha noong Mayo 19, 2017.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lee, Je Son (Disyembre 14, 2015). "Ask a North Korean: do you drink alcohol?". The Guardian. Nakuha noong Mayo 20, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Five interesting facts about North Korean leader Kim Jong-un". The Jakarta Post. Pebrero 18, 2017. Nakuha noong Mayo 20, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)