Ang apendiks o apendise, na tinatawag ding beripormang apendiks, apendiks ng sekum, apendiseng pansekum, o bermiks (kilala sa Ingles bilang vermiform appendix, cecal appendix, caecal appendix, o vermix) ay isang tubong walang butas ang isang dulo na nakaugnay sa sekum (ang cecum o caecum sa Ingles, na tinatawag ding "tokong" bagamang ang tokong ay pantawag din sa duodenum), kung saan umuunlad ito mula sa embriyo (bilig). Ang tokong ay isang kayariang parang supot ng kolon (colon) o ng malaking isaw). Ang apendiks ay nasa malapit sa pinagtagpuan o hugpungan (dugtungan) ng maliit na bituka at ng malaking bituka. Ang salitang "beriporme" o vermiform ay nagbuhat sa Latin na may kahulugang "hugis bulati", kaya't ang beripormang apendiks" ay may kahulugang "hugis bulating apendiks".

Malawakang mayroon nito sa loob ng Euarchontoglires at nagsasariling nagkaroon din sa diprotodonteng mga marsupial at mataas ang pagkakasari-sari ng sukat at hugis.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. SMITH, H. F., FISHER, R. E., EVERETT, M. L., THOMAS, A. D., RANDAL BOLLINGER, R. at PARKER, W. (2009), Comparative anatomy and phylogenetic distribution of the mammalian cecal appendix. Journal of Evolutionary Biology, 22: 1984–1999. doi: 10.1111/j.1420-9101.2009.01809.x

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.