Ang Elohim (אֱלֹהִ֔ים) ay isang katagang ginagamit sa Tanakh o Lumang Tipan na singular Diyos o plural na "mga Diyos". Sa Hebreo, ang hulaping -im ay tumutukoy sa maskulinong plural o maramihan. Kapag ginagamit sa mga pandiwa at pang-uring singular, ang elohim ay itinuturing na isang Diyos. Kapag ginagamit sa mga pandiwa at pang-uring plural, ito ay itinuturing na plural na "Mga Diyos". Ayon sa mga iskolar ng Bibliya, ang mga Sinaunang Israelita sa simula ay mga politeistiko na sumasamba sa maraming mga Diyos at kalaunang naging mga monolatrista na sumasamba sa isang pambansang Diyos na si Yahweh ngunit kumikilala sa pag-iral ng ibang mga Diyos at kalaunan ay naging mga monoteista na kumikilala at sumasamba lamang sa isang Diyos na si Yahweh na lumitaw pagkatapos ng pagkakatapon sa Babilonya noong ca. 587/586 BCE.[1]

Pinagmulan

baguhin

Pinaniniwalan ng mga skolar na ang Elohim ay nabuo mula sa eloah na isang pinalawak na anyo ng Hilagang kanlurang Semitikong katagang (אֵל, ʾēl). Ang katagang "Elohim" ang isa sa maraming mga pangalan ng Diyos ng Israel na ginamit sa Tanakh o Lumang Tipan. Gayunpaman, ito ay ginagamit rin sa Tanakh para tukuyin ang "Mga Diyos" ng ibang mga bansa. Ang ekstaktong kognato sa labas ng Hebreo ay matatagpuan sa Ugaritikong ʾlhm, ang pamilya ng Diyos na si El na manlilikhang Diyos at pinunong Diyos ng panteon na Cananeo. Ang salitang el ang pamantayang kataga para sa Diyos sa ibang mga wikang Semitiko kabilang ang Ugaritiko. Sa siklo ni Ba'al na Ugaritiko, mababasa ang "pitumpong mga anak na lalake ni Asherah(KTU2 1.4.VI.46). Ang pariralang bene elohim sa Tanakh na karaniwang sinasalin sa Ingles na "mga anak na lalake ng Diyos" ay may katumbas sa mga tekstong Penisyo at Ugaritiko na tumutukoy sa kapulungan ng mga Diyos.

Hindi malinaw na kahulugan

baguhin

Bagaman ang Elohim upang tukuyin ang Diyos ng Israel ay may konstruksiyong singular sa ilang mga talata ng Tanakh(kung ang pandiwa o pang-uri na tumutukoy dito ay singular), may ilang mga eksepsiyon na ang "Elohim" ay nangangahulugang "mga diyos" upang tukuyin ang Diyos ng Israel. Halimbawa, sa Genesis 20:13, 35:7, 2 1 Samuel 7:23, Awit 58:11, at ang pangalan ng "Buhay na Diyos" sa Deuteronomio 5:26, ang "Elohim" ay nasa anyong plural dahil sa ito ay tinutukoy ng plural na pang-uri na אלהים חיים .

Ang Elohim ay ginamit upang tukuyin ang mga espirito ng namatay (1 Samuel 28:13) .

Sa Tanakh, minsang ginagamit ang Elohim bilang referent o object ng pangungusap at walang kasamang pandiwa o pang-uri kaya hindi malinaw kung ito ay nangangahulugang singular na "Diyos" o plural na "Mga Diyos" gaya ng sa Awit 8:5.

Kapulungan ng mga Diyos

baguhin

Ayon sa skolar ng Hebreo na si Mark S. Smith, ang nosyon ng Diyos sa Israel ay sumailalim sa mga radikal na pagbabago sa buong kasaysayan ng pagkakabuo ng sinaunang Israel. Ayon kay Smith, ang pagiging hindi malinaw ng kahulugan ng Elohim sa Bibliya ay resulta ng mga gayong pagbabago na muling pagpapakahulugan ng politeistismo o paniniwala nila sa "maraming Diyos" sa mga simulang yugto ng Israel tungo sa paniniwalang monolatrismo noong ika-7 hanggang ika-6 siglo BCE hanggang sa paglitaw ng striktong monoteismo o "isang Diyos" sa paglitaw ng Hudaismong rabiniko noong ika-2 siglo CE.

Sa Awit 82:1, ang Elohim ay ginamitan ng singular na pandiwa at maliwanag na tumutukoy sa "Diyos"

Ang Diyos ang namumuno ng pulong sa kalangitan, sa pulong ng mga diyos, ganito ang kapasyahan

ngunit sa Awit 82:6 ang elohim ay ginamitan ng pandiwang plural na nangangahulugang "Mga Diyos"

Awit 82:6, Ang sabi ko, kayo'y mga Diyos, mga anak ng Kataas-taasan.

Ang talatang ito ay sinipi rin ni Hesus sa Juan 10:34,

Tumugon si Hesus, Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, Sinabi ko, mga diyos kayo?

Mga talata sa Tanakh

baguhin
  • Deuteronomio 10:17, " Sapagka't ang Panginoon ninyong Diyos, ay siyang Diyos ng mga Diyos, at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol."
  • Aklat ng Exodo 15:11, "Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga Diyos? Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan, Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?
  • Exodo 18:11, "gayo'y aking natatalastas na ang Panginoon ay lalong dakila kay sa lahat ng mga Diyos: oo, sa bagay na ipinagpalalo ng mga Egipcio laban sa mga Hebreo."
  • Aklat ni Jeremias 10:11, "Ganito ang inyong sasabihin sa kanila, Ang mga Diyos na hindi gumawa ng langit at ng lupa, ang mga ito ang mangalilipol sa lupa, at sa silong ng langit."
  • Awit 86:8, "Walang gaya mo sa gitna ng mga Diyos, Oh Panginoon;Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa."
  • Aklat ng Exodo 20:3-5,"3Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Diyos sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Diyos, ay Diyos na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;"

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. The Origins of Biblical Monotheism: Israel's Polytheistic Background and the Ugaritic Texts. New York, NY; Oxford, England: Oxford University Press. 2000. ISBN 978-0-1951-6768-9.