Lao-Tse

(Idinirekta mula sa Lao Tzu)

Si Lao Zi (Tsino: 老子, Pinyin:Lǎozǐ; transliterasyon din bilang Lao Tzu, Lao Tse, Laotze, at iba pa) ay isang pangunahing katauhan sa pilosopiyang Tsino na pinagtatalunan kung totoo siya sa kasaysayan. Sang-ayon sa tradisyunal na alamat ng Tsino, nabuhay siya noong ika-6 na siglo BC. Bagaman, maraming mga dalubhasa sa kasaysayan ang nagsasabing nasa ika-4 siglo BC siya nabuhay, na panahon ng Sandaang Paaralan ng Pag-iisip (Hundred Schools of Thought) at Panahon ng Naglalabanang mga Estado (Warring States Period). Pinupuri si Lao Zi sa kanyang pagsulat ng orihinal na gaw sa Taoismo, pinangalang Tao Te Ching, at siya din ang kinikilalang nagtatag ng Taoismo.

Si Laozi.

Mga sanggunian

baguhin

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pilosopiya at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.