Robert E. Lee
Si Robert Edward Lee[1] (Enero 19, 1807 – Oktubre 12, 1870) ay isang heneral ng hukbo ng Kumpederadong mga Estado ng Amerika. Pinamunuan niya ang Hukbo ng Hilagang Virginia noong kapanahunan ng Digmaang Sibil ng Amerika. Itinuturing pa rin siyang isa sa mga magigiting na heneral ng Amerika, bagaman nagsimula lamang siya bilang isang inhinyero, na unti-unting tumaas sa hanay ng mga kawal.
Robert Edward Lee | |
---|---|
Enero 19 1807 – Oktubre 12 1870 (edad 63) | |
Robert Edward Lee | |
Pook ng kapanganakan | Stratford Hall, Virginia |
Pook ng kamatayan | Lexington, Virginia |
Pinapanigan | Nagkakaisang mga Estado ng Amerika Kumpederadong mga Estado ng Amerika |
Taon ng paglilingkod | 1829–61 (USA) 1861–65 (CSA) |
Hanay | Koronel (USA) Heneral (CSA) |
Atasan | Hukbo ng Hilagang Virginia |
Labanan/digmaan | Digmaang Mehikano-Amerikano Digmaang Sibil ng Amerika |
Ibang gawain | Pangulo ng Pamantasang Washington at Lee |
Talambuhay
baguhinIpinanganak siya sa Stratford, sa tahanan ng mga Lee sa Westmoreland County, Virginia ng Estados Unidos noong 1807. Mga magulang niya sina "Light-Horse Harry" Lee at Anne Hill Carter. Isang heneral ni George Washington si Light-Horse Harry at isa ring dating gobernador ng Virginia.[1]
Edukasyon
baguhinPagkaraan niyang mag-aral sa Alexandria, sa edad na 18, pumasok siya sa akademyang pangmilitar ng West Point. Nagtapos siya mula sa akademya noong 1829. Noong 1831, kung kailan isa na siyang tenyente, napangasawa niya si Mary Randolph Custis, isang apo ni Martha Washington.[1]
Karera
baguhinNakilala siya noong panahon ng pakikidigma sa Mehiko (1846-48), kung kailan isa na siyang kapitan at inhinyero, dahil sa ipinakita niyang katapangan sa pook ng hidwaan. Nang lumaon naging superintendente siya sa akademya ng mga militar at komandante ng Kagawaran ng Texas. Naging koronel siya noong 1861.[1]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Robert E. Lee". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)