Pumunta sa nilalaman

Maureen Wroblewitz: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nilalaman na inalis Nilalaman na idinagdag
Darwgon0801 (usapan | ambag)
No edit summary
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
m This article needs categories.
Linya 34: Linya 34:
==Mga sanggunian==
==Mga sanggunian==
{{Reflist}}
{{Reflist}}

<br>{{uncat}}

Pagbabago noong 13:27, 1 Hulyo 2017

Maureen Wroblewitz
KapanganakanMaureen Wroblewitz
(1998-06-22) 22 Hunyo 1998 (edad 26)
Riyadh, Saudi Arabia
HanapbuhayModelo, mang-eendorso
Taas1.68 m (5 ft 6 in)
Kulay ng buhokItim
Kulay ng mataKayumanggi
Websayt
Wroblewitz sa Instagram

Si Maureen Wroblewitz (isinilang noong Hunyo 22, 1998 sa Riyadh, Saudi Arabia), ay isang Pilipina-Alemang modelo, kilala bilang ang unang nanalong kalahok na Pinay sa ikalimang season ng Asia's Next Top Model kung saan kumatawan siya para sa Pilipinas.[1]

Talambuhay

SI Wroblewitz ay isinilang sa Riyadh, Saudi Arabia noong ika-22 ng Hunyo, 1998. Ang kanyang ama ay isang Aleman at ang kanyang ina naman ay isang Pilipino. Sa gulang na 12, lumipat si Wroblewitz sa Alemanya, bago lumipat sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang karera sa pagmomodelo matapos siyang matuklasan ng isang kinatawan sa pagmomomodelo sa Instagram sa gulang na 15. Bago ang kanyang pakikilahok sa palabas, si Wroblewitz ay nag-aaral at pansamantalang nagmomodelo sa Pilipinas.

Karera sa pagmomodelo

Asia's Next Top Model

Matapos siyang sumali para sa Asia's Next Top Model, si Wroblewitz ay napili bilang isa sa labing-apat na mga kalahok para sa ikalimang season ng palabas. Sa gitna ng palabas, nakatanggap si Wroblewitz nang tatlong pinakamagandang larawan, at naging isa sa huling tatlong kalahok para sa huling runway ng season kasama ang mga kapwa kalahok na sina Minh Tu Nguyen mula sa Biyetnam at Shikin Gomez mula sa Malaysia. Si Wroblewitz ang itinanghal na panalo sa patimpalak sa huling episode. Bilang ang nagwagi sa patimpalak, nakatanggap siya ng isang Subaru Impreza, isang cover at fashion spread sa Nylon Singapore, at kontrata sa pagmomodelo sa Storm Model Management sa London.[1][2]

Karera pagkatapos ng palabas

Sandali matapos ang kanyang pakikilahok sa Asia's Next Top Model, si Wroblewitz ay natampok sa cover ng edisyon sa Hulyo ng Nylon Singapore bilang bahagi ng kanyang mga napanalunan.[2]

Pag-endorso sa patalastas

Mga sanggunian