Pumunta sa nilalaman

Ebanghelyo ni Lucas: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nilalaman na inalis Nilalaman na idinagdag
AnakngAraw (usapan | ambag)
m r2.7.1) (robot dinagdag: ckb:ئینجیلی لۆقا
Linya 42: Linya 42:
[[cdo:Lô-gă Hók Ĭng]]
[[cdo:Lô-gă Hók Ĭng]]
[[ceb:Ebanghelyo ni Lucas]]
[[ceb:Ebanghelyo ni Lucas]]
[[ckb:ئینجیلی لۆقا]]
[[cs:Evangelium podle Lukáše]]
[[cs:Evangelium podle Lukáše]]
[[cy:Yr Efengyl yn ôl Luc]]
[[cy:Yr Efengyl yn ôl Luc]]

Pagbabago noong 10:56, 17 Enero 2012

Bagong Tipan ng Bibliya

Ang Ebanghelyo ni Lucas, Ebanghelyo ayon kay Lucas[1], o ang Mabuting Balita ayon kay Lucas[2] ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya at kabilang sa mga ebanghelyo. Isinulat ito ni San Lucas. Sinasabing karugtong ng ebanghelyong ito ang Aklat ng mga Gawa ng mga Alagad.[3]

May akda

Isinilang si San Lucas bilang isang hentil sa Antioquia ng Siria. Isa siyang manggagamot bagaman sinasabing isa rin siyang pintor, ayon sa isang matandang alamat. Nakasama si San Lucas ni San Pablo sa mga lakaring misyon sa maraming mga bayan. Hindi natitiyak kung saan sinulat ni San Lucas ang ebanghelyong ito.[1]

Layunin

Naging layunin ni San Lucas sa ebanghelyong ito ang mabigyan ng mas matibay na kaalaman ang mga Kristiyano tungkol sa pananampalataya.[1]

Paglalarawan

Ito ang pinakamahabang ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Bibliya. Sinulat ito ni San Lucas noong bago maganap ang pagkawasak ng Herusalem noong mga 70. Pinaniniwalaang sa panahong mula 63 hanggang 64, o himigit-kumulang, nasulat ang ebanghelyong sapagkat hindi ito bumabanggit ng anuman ukol sa pangyayari ng pagkawasak ng Herusalem. May mga bagay-bagay na isinulat si San Lucas na hindi matatagpuan sa ibang mga kasamang ebanghelyo sa Bibliya. Ilan sa mga halimbawa ng mga ito ang talinghaga hinggil sa "Publikano at Pariseo," ang "Anak na Alibugha" (o "Alibughang Anak"), at ang "Dives at Lazaro."[1]

Mga bahagi

Binubuo ng limang mga bahagi ang Ebanghelyo ni Lucas:[1]

  • Kamusmusan ni Hesus (1-2)
  • Pangangaral ni Hesus sa Galilea (3, 1 - 9, 50)
  • Patungo sa Herusalem (9, 51-19, 28)
  • Pangangaral ni Hesus sa Herusalem (19, 29 - 21, 38)
  • Paghihirap, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Hesus (22-24)

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Abriol, Jose C. (2000). "Ebanghelyo ayon kay Lucas". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link),
  2. "Ang Mabuting Balita ayon kay Lucas". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Ang mga Gawa ng mga Apostol". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing