Digmaang Koreano
Ang artikulo o bahaging ito ay maaring kinakailangang isa-Wiki upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. (Nobyembre 2009) |
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Nobyembre 2009) |
Ang Digmaang Koreano ay nagsimula pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagresulta sa paghihiwalay ng Korea sa dalawa, ang Hilagang Korea na pumanig sa Unyong Sobyet habang ang Timog Korea ay pinanigan ng Estados Unidos.
Nahating Korea
Nang magtapos ang ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang maliit na bansa sa Asya na kung tawagin ay Korea ay nahati sa dalawa. Ang hilagang Korea na suportado ng Soviet Union at ang katimugang bahagi na suportado ng Kapangyarihang Kanluran. Ang mga mamamayan ng Timog Korea ay pinapayagang magkaroon ng eleksyon, at gumawa sila ng malayang Republika, sa Hilagang Korea, ang mga Ruso ay nagtayo ng Komunistang Gobyerno. Ang United Nations ay hindi muli nagtagumpay na protektahan ang mga mamamayan laban sa mga Komunistang Mananakop.
Ginawang klaro ng mga Komunista na gusto nilang kontrolin ang ibang bansa. Noong 1950, ang Komunistang Hilagang Korea ay sinakop ang Timog Korea. Ipinagutos ng United Nations sa Hilagang Korea na itigil nito ang pag-atake ngunit hindi nila ito sinunod. Ang United Nations ay nagpadala ng pwersa sa Kanlurang Korea. Kahit na ang mga Sandatahan ng Estados Unidos ang bumubuo halos lahat ng pwersa, labing limang bansa pa ang nagpadala ng kanilang pwersa sa Kanlurang Korea. Ang labanang ito ay tinawag na Digmaang Koreano.
Kalagitnaan ng Digmaan
Naatasan si Heneral Douglas MacArthur na maging pinuno ng sandatahan ng United Nations. Ang mga Komunista ay nakuha na ang Kanlurang Korea, nang noong tag-init ng 1950, si Heneral MacArthur ay may magandang naisip upang mabawi muli ang Kanlurang Korea. Napaalis niya ang mga Komunista sa Kanlurang Korea at inatake ang Hilagang Korea. Nang nagpadala ng mga pwersa ang mga Komunistang Tsino upang mapaalis si Heneral MacArtuhr, tinanong ng Heneral si Presidente Truman ng permiso na sakupin ang Tsina at maalis na ang Komunismo sa Asya.
Naniniwala si Presidente Truman sa polisiyang banyagang tinatawag na Contaiment, na nagpapanatili ng mga pwersang Amerikano upang depensahan at maiwasang lumaganap ang Komunismo. Inutusan ni Presidente Truman si Heneral MacArthurna bumalik sa Katimugang Korea at panatilihin ang mga Komunista sa Hilagang Korea. Ang Liberal na Kongreso ng Estados Unidos, na umabandona sa mga malayang tsino sa ilalim ni Chiang Kai-shek, ay hindi sumang-ayon sa pagsakop ng Tsina. Naramdaman nilang ang digmaan sa Tsina ay magiging hindi popular sa mga mamamayan ng Estados Unidos, at ibang opisyal ng State Department, na responsable sa banyagang polisiya.
Katapusan ng Digmaan
Sinabi ni Heneral MacArthur kay Pangulong Truman na ang polisiyang Containment ay mahina at maghihikayat sa mga Komunista upang manakop. Dahil sa kanyang kritisismo, Sinibak ni Presidente Truman si Heneral MacArthur sa kanyang pamumuno. Umalis ang mga Amerikano sa Hilagang Korea, na nasailalim ng Komunista. Samantala, ang mga Kristiyanong misyoneryo ay nagtrabaho sa malayang Republika ng Korea.