Pumunta sa nilalaman

Dimsum

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 08:22, 14 Setyembre 2024 ni LknFenix (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)

 

Dimsum
Tradisyunal na Tsino點心
Pinapayak na Tsino点心
Jyutpingdim2 sam1
Cantonese Yaledím sām
Kahulugang literal"Antigin ang puso"

Tumutukoy ang dimsum sa mga maliliit na putaheng Tsino na tradisyonal na tinatamasa sa mga restoran tuwing almusanghalian,[1][2] na may “seleksiyon ng higit sa 1,000 uri ng Tsinong pagkain sa maliliit na plato, kadalasan karne o gulay sa minasa o sa pambalot na pinasingawan o ipinirito.”[3] Karaniwang nauugnay sa lutuing Kantones ang karamihan sa mga modernong dimsum, bagaman mayroon ding dimsum sa ibang lutuing Tsino. Noong ikasampung siglo, nang nagsimulang dumami ang bumabiyahe sa lungsod ng Kanton (Guangzhou) para sa dahilang komersiyal,[4] maraming nagbisita ng mga tsaahan para sa mga maliliit na pagkain na ipinapares sa tsaa na tinatawag na "yum cha" (alumsanghalian).[5][4][6] Sa "yum cha", may dalawang magkaugnay na konsepto.[7] Una ang "jat zung loeng gin" (Tsino: 一盅兩件), na literal na isinasalin bilang "isang tasa, dalawang piraso". Tumutukoy ito sa kaugalian ng paghahain sa mga kostumer ng tsaahan ng dalawang piraso ng pinong pagkain, malinamnam o matamis, upang umakma sa kanilang tsaa. Dim sum ang pangalawa, na literal na isinasalin bilang "aligin ang puso", ang terminong pantukoy sa mga maliliit na pagkain na ipinapares sa tsaa.

Mga sanggunian

  1. Davidson, Alan (2014). The Oxford companion to food. Jaine, Tom; Vannithone, Soun (ika-3rd (na) edisyon). New York, NY. ISBN 978-0-19-967733-7. OCLC 890807357.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)
  2. So, Yan-kit (Abril 1997). Classic food of China. London: Macmillan Publishers. ISBN 0-333-56907-5. OCLC 32049410.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Dim sum: a delicious peek into Hong Kong's cuisine culture". Discover Hong Kong. 1 Hul 2024. Nakuha noong 9 Hul 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Gourse, Leslie (13 Marso 1988). "Dim Sum Has Come a Long Way, From Esoteric to Mass Popularity". Chicago Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Wong, Adele (1 Nobyembre 2016). Hong Kong Food & Culture: From Dim Sum to Dried Abalone. Man Mo Media. ISBN 978-9887756002.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Fare of the Country; Why Dim Sum Is 'Heart's Delight'". The New York Times (sa wikang Ingles). 25 Oktubre 1981. ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hulyo 2020. Nakuha noong 16 Agosto 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Jian Dui -- Sesame Balls (煎堆)". Kindred Kitchen (sa wikang Ingles). 13 Mayo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2020. Nakuha noong 14 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)