Pumunta sa nilalaman

Dorothy Lavinia Brown

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

thumb|right|Si Dra. Dorothy Lavinia Brown. Si Dorothy Lavinia Brown[1][2] (Enero 7, 1919 - Hunyo 13, 2004[3]) ay isang Aprikano Amerikanong maninistis, lehislador, at guro. Siya ang unang babaeng siruhinang Aprikano Amerikano mula sa Timog-Silangang Estados Unidos ng Amerika. Siya rin ang unang Aprikano Amerikanong naglingkod sa Asamblea Heneral ng Tennessee.[4] Nakilala rin siya bilang "Dr. D."[4]

Talambuhay

Ipinanganak si Brown sa Philadelphia, Pennsylvania,[5] at inilagak sa isang bahay-ampunan sa Troy, Bagong York noong 5 buwang gulang pa lamang ng kanyang inang si Edna Brown. Doon siya sa ampunan namuhay hanggang sa edad na 12. Habang nasa ampunan, sumailalim siya sa operasyong tonsilektomiya o pagtatanggal ng tonsil, isang karanasang humantong sa pagkakaroon niya ng kagustuhan sa larangan ng medisina.[4] Bagaman sinubok ng kanyang inang sumama at makipamuhay nang muli ang bata pang si Dorothy sa piling nito, walang tigil na lumalayas mula sa kanilang sariling tahanan si Brown, upang magbalik lamang sa bahay-ampunan sa Troy. Nang abutin na niya ang edad na labinglima, lumayas si Brown upang makapagpata sa Mataas na Paaralan ng Troy. Naghanapbuhay siya bilang katulong ng isang ina sa bahay ni Gng. W.F. Jarrett.[5] Sa tulong ng prinsipal ng paaralan, naipakilala siya kina Samuel Wesley at Lola Redmon, isang mag-asawing umampon sa kanya at naging pangalawang mga magulang.[4]

Pansariling buhay

Noong 1956, pumayag si Brown na ampunin ang isang batang babaeng nagmula sa isang walang asawang pasyente niya sa Ospital ng Riverside. Siya ang naging unang nakikilalalng walang asawang babae sa Tennessee na legal na umampon ng isang bata, na pinangalanan niyang Lola Denise Brown bilang pagpaparangal para sa pangalawang inang umampon naman sa kanya.[4] Kasapi si Brown ng Nagkakaisang Metodistang Simbahan.[5] Namatay siya sa Nashville na nasa County ng Davidson, Tennessee noong 2004.[1]

Bilang may-akda

Sumulat si Brown ng isang autobiyograpiya[4], mga sanaysay, at pamapigla o pang-inspirasyong mga patnubay.[5]

Sanggunian

  1. 1.0 1.1 Jackson, Curtis. Dr Dorothy Lavinia Brown, findagrave.com, Hunyo 18, 2004
  2. Brown, Lola Denise (anak na babae ni Dorothy Lavinia Brown) Dorothy L. Brown, African American Registry, AAR.com
  3. Martini, Kelli. Dorothy Brown, South’s first African-American woman doctor, dies, News Archives, The United Methodist Church, Hunyo 14, 2004, UMC.org
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 Brown, Lola Denise (anak na babae ni Dorothy Lavinia Brown) Dorothy Lavinia Brown, TennesseeEncyclopedia.net
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 McKenzie, Julie at Denita Denhart. Dorothy Lavinia Brown, The Scientist Bank, cspumona.edu

PolitikoPanggagamotEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Politiko, Panggagamot at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.