Pumunta sa nilalaman

Ligaw-biro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
"Magagalit ka ba kung magkaroon ako ng lakas ng loob na idampi ang aking mga labi sa magandang balikat na ito?"
"Agad mong malalaman matapos mong gawin 'yan."[1]

Ang ligaw-biro[2] ay isang uri ng pakikipag-ugnayang pantao o panliligaw sa pagitan ng dalawang tao, na nagpapadama ng pagkakagustong sekswal o romantiko. Maaari itong ginagawa sa pakikipag-usap, galaw ng katawan o mga bahagi ng katawan, at maikling damping pisikal. Maaari rin itong nagmumula lamang sa isang tao o binibigyang-tugon o pinansin ng kapiling na tao.

Katumbas din ang ligaw-biro ng mga salitang landi, malandi, talipandas, kiri, kumiri, karengkeng, hitad, pandot, balitanda, talandi, alembong, garutay, harot, maharot, magatod, malantod, haliparot, handak, limbang (kapag lalaki), parak, malimbay, palikero (kung lalaki), kirimpot, kikay, gantay, "malikot", at "arte" (pagiging maarte). Mailalarawan din ito bilang pagsalimbay, pagbibiro, paggawa o kumilos ng pabigla-bigla, paglalaro, o pakikipaglaro sa pag-ibig,[3][4] at pag-antig sa hangaring sekswal na walang seryosong pakay.[5]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Isinalin mula sa:"Would you take offense if I had the gall to plant a kiss on this beautiful shoulder?" at "You'll figure that out soon enough after the deed."
  2. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Flirtation, ligaw-biro". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 107.
  3. Gaboy, Luciano L. Flirt - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. Blake, Matthew (2008). "Flirt". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Flirt.
  5. "Flirt". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 57.

TaoPag-ibig Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Pag-ibig ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.