Akhal-Teke
Namukod na katangian | Sinasakyang kabayong pinalahi para sa tibay; Kilala sa kanilang mala-metal na balahibo sa ilang indibidwal |
---|---|
Bansang pinanggalingan | Turkmenistan |
Mga Pamantayan ng Lahi | |
Akhal-Teke Association of America | Pamantayan ng lahi |
International Association of Akhal-Teke Breeding (MAAK) | Pamantayan ng lahi |
Equus ferus caballus |
Ang Akhal-Teke (mula sa Turkmen na Ahalteke, [ahalˈteke]) ay isang lahi ng kabayo na nagmula sa Turkmenistan, kung saan ito ay pambansang sagisag.[1] Kilala ang mga ito sa kanilang tulin, tibay, talino, at ang katangi-tanging mala-metal na kintab ng balahibo nito. Tinawag ang mga Akhal-Teke na "Ginintuang Kabayo" dahil sa kintab ng kanilang palomino at ante.[2] Nakaaangkop ang mga kabayong ito sa mga matitinding klima at kilala rin bilang isa sa pinakamatanda at nagpapatuloy na lahi ng kabayo.[3] Sa kasalukuyan may 6,600 Akhal-Teke sa buong daigdig, karamihan dito ay nasa Turkmenistan at Rusya, bagaman kalát din ang mga ito sa Europa at Hilagang Amerika.[4]
Maraming teorya patungkol sa kaninu-nunuan ng Akhal-Teke, ang ilan dito'y ilang libong taon na ang nakalipas. Pilî ang pagpapalahi ng mga kabayong ito, at pasalitang itinala ng mga tribo sa Turkmenistan ang pedigree na siyang ginamit nila sa pananalakay. Ginamit ang lahing ito sa nabigong labanan nila sa Imperyong Ruso na tuluyang sumakop sa bansa nila. Naimpluwensiyahan ng Akhal-Teke ang marami pang lahi ng kabayo, pati ang ilang lahing Ruso. Naging malawakan ang pagpapalahi ng mga Molang Akhal-Teke, upang makagawa ng isa matulin, pangmalayuang-distansiyang kabayong pangarera. Bunga nito ang lahat ng Akhal-Teke ay may ninunong Kabayong Mola.[5] Isinara ang stud book nito noong 1932.[6] Ang mga Ruso ang unang naglimbag ng stud book ng lahing ito noong 1941, kasama ang sa 700 pang kabayo.
Mga sanggunian
- ↑ "Permanent Mission of Turkmenistan to the United Nations, Country Facts". Un.cti.depaul.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-09. Nakuha noong Hunyo 12, 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles) - ↑ Metallic Sheen as Observed in Individuals of the Akhal-Teke Breed; By Danielle Westfall, Zoology major, Ohio Wesleyan University Naka-arkibo 2013-12-03 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- ↑ Cieslak, Michael, et al. "Origin and history of mitochondrial DNA lineages in domestic horses." PLoS One 5.12 (2010): e15311. "Eleven out of these 39 haplotypes were lineages that were confined to a single primitive breed (B/Arabian; D2d/Cheju; G1/Akhal Teke; H/Garrano; H1/Marismeno; H1a/Lusitano; K2b1/Sicilian Oriental Purebred; K3b/ Yakut; X1/Pottoka; X2a/Debao; X3c/Lusitano; X5/Fulani). " Naka-arkibo 2014-04-05 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- ↑ 01.10.2012, 1st Report from WATO President Christoph Vogel, The breed of Akhal-Teke is facing a crisis: "In her world census for 2012, Jessica Eile-Keith estimated a world population of about 6’600 Akhal-Teke: Turkmenistan ± 3’000, Russia ± 1’600, Central Asia ± 300, USA ± 450, Western Europe ±1’300. With a total of 6’600 Akhal-Teke, one or two specialisation would be justifiable." Naka-arkibo 2013-12-03 sa Wayback Machine.
- ↑ Auf den Spuren des Achal-Tekkiners Naka-arkibo 2014-04-15 sa Wayback Machine. Padron:De
- ↑ International Association of Akhal-Teke Breeding (MAAK); OPEN LETTER TO MAAK MEMBERS. Subject: Akhal-Teke studbook Naka-arkibo 2013-08-02 sa Wayback Machine.