Pumunta sa nilalaman

Marisol Malaret

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Marisol Malaret
Si Malaret noong 1970
Kapanganakan
Marisol Malaret Contreras

13 Oktubre 1949(1949-10-13)
Utuado, Porto Riko
Kamatayan19 Marso 2023(2023-03-19) (edad 73)
San Juan, Porto Riko
Tangkad5 tal 8 pul (173 cm)
TituloMiss Puerto Rico 1970
Miss Universe 1970
AsawaButch James (hiwalay)
Corky Stroman (hiwalay)
Frank Cué
Anak1
Beauty pageant titleholder
Hair colorMatingkad na pula
Eye colorBughaw-luntian
Major
competition(s)
Miss Puerto Rico 1970
(Nanalo)
Miss Universe 1970
(Nanalo)

Si Marisol Malaret Contreras (Oktubre 13, 1949 – Marso 19, 2023) ay isang television host modelo at beauty pageant titleholder na Portorikenya na kinoronahan bilang Miss Universe 1970. Si Malaret ang unang babaeng Portorikenya na nanalo bilang Miss Universe.[1][2]

Buhay at pag-aaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Malaret sa bayan ng Utuado sa mga magulang na sina Lydia Contreras at José Antonio Malaret. Nagsimulang nagtrabaho sa murang edad si Malaret dahil sa maagang pagkamatay ng kanya ama, at sa malalang karamdaman ng kanyang ina.[3] Mayroon siyang isang kapatid na lalaki, si Jesús, at limang hating-kapatid na sina Joseph, Alicia, Rita, Antonio, at Raul.[4]

Walong taong gulang siya nang mamatay ang kanyang mga magulang. Mula sa sandaling iyon, ipinalagay ng kanyang tiyahin ang pagpapalaki kay Marisol at sa kanyang kapatid na si Jesús Antonio. Mula sa Isla Verde, pareho silang lumipat sa isang residential area sa Puerto Nuevo.[5] Natapos ni Marisol ang kanyang elementarya sa Colegio La Merced at kalaunan ay nagtapos sa Escuela Superior Gabriela Mistral.[6] Nakatira siya sa kanyang tiyahin na si Esther. Gayunpaman, nang malaman ng kanyang tiyahin ang tungkol sa plano ng kanyang pamangkin na mag-modelo, mahigpit niyang tinutulan ito. Makalipas ang ilang panahon, pumasok siya sa University of Puerto Rico kung saan nakatapos siya ng associate degree sa secretarial sciences.

Matapos makumpleto ang kanyang pag-aaral, nagsimula siyang magtrabaho bilang executive secretary sa International Telephone and Telegraph Company na kalaunan ay naging Telefónica de Puerto Rico.[7] Sa kumpanyang ito ay hinikayat siya ng ilan sa kanyang mga kasamahan na lumahok sa Miss Puerto Rico beauty pageant.

Mga paligsahan ng kagandahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Miss Universe 1970

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Malaret kasama ang dating Pangulo ng Estados Unidos na si Richard Nixon

Bilang Miss Puerto Rico 1970, si Malaret ang kumatawan sa Porto Riko sa Miss Universe 1970. Naganap ang kompetisyon noong Hulyo 11, 1970 sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos.[8] Napabilang si Malaret sa Top 10 Best in Swimsuit sa paunang kompetisyon,[9] at kalaunan ay napabilang sa Top 15 semi-finalists na lumahok sa swimsuit at evening gown competition sa pinal na kompetisyon.[10] Kalaunan ay napabilang siya sa limang pinalista sa kompetisyon, at nang maglaon ay kinoronahan siya ni Gloria Diaz ng Pilipinas bilang Miss Universe 1970. Ito ang kauna-unahang pagkakalagay ng Porto Riko simula noong 1952, at ito rin ang kauna-unahang tagumpay ng bansa sa kasaysayan ng kompetisyon.[11]

Matapos ang kanyang pagkapanalo sa Miss Universe, pinarangalan siya sa itinuturing na isa sa pinakamalaking pagtanggap sa Isla Verde International Airport sa San Juan, Porto Riko. Iniulat ng New York Times na 50,000 tao ang pumunta sa paliparan para salubungin si Malaret.[12] Inanyayahan din siya sa White House upang bumisita sa Oval Office kasama ang dating Pangulong si Richard Nixon.[13]

Pagkatapos ng kanyang panunugkulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakikita ang mukha ni Malaret sa mga pabalat ng maraming internasyonal at Portorikenyong magasin tulad ng Vea, Teve Guía, Artistas, Estrellas, at Estrellitas. Lumahok rin siya sa maraming mga kampanya sa advertising, at gumanap paminsan-minsan bilang isang motivational speaker sa mga kabataang babae at sa mga naghahangad na maging lider ng negosyo. Pinangunahan ni Malaret ang magasin na Imagen hanggang 1990, pagkatapos ay itinatag at pinangunahan niya ang magasin na Caras hanggang noong 2000 nang magbitiw ito sa kanyang mga tungkulin. Sa kaparehong taon, bumalik si Malaret sa telebisyon at pinangunahan ang mga programang Ética TV at Frecuencia Ética.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tatlong beses na ikinasal si Malaret; una sa dating modelong si Butch James, sa musikerong si Corky Stroman, kung saan nagkaroon siya ng kanyang nag-iisang anak na si Sasha, at isang Kubanong inhinyero na si Frank Cué.[14][15] Namatay si Malaret dahil sa komplikasyon ng isang kondisyon sa baga noong 19 Marso 2023 sa edad na pitumpu't-tatlo.[16]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Venes, Pablo (17 Hulyo 2019). "Marisol Malaret envía contundente mensaje a Rosselló". Activo Puerto Rico (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Marisol Malaret se despide de su amigo Rafael". Primera Hora (sa wikang Kastila). 3 Mayo 2019. Nakuha noong 4 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "A modern cinderella". The Windsor Star (sa wikang Ingles). 13 Hulyo 1970. p. 53. Nakuha noong 26 Hulyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Marisol Malaret también pide la renuncia de Ricardo Rosselló". El Vocero de Puerto Rico (sa wikang Kastila). 17 Hulyo 2019. Nakuha noong 4 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Rosado, Isaac (19 Marso 2023). "Fallece Marisol Malaret, la eterna reina de Puerto Rico, a sus 73 años" [Marisol Malaret, the eternal queen of Puerto Rico, dies at 73]. TeleOnce (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Caro Gonzalez, Leysa (19 Marso 2023). "Pedro Pierluisi lamenta muerte de "nuestra eterna Miss Universe"" [Pedro Pierluisi mourns the death of “our eternal Miss Universe”]. El Nuevo Día (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Williams, Alex (23 Marso 2023). "Marisol Malaret, First Puerto Rican Miss Universe, Dies at 73". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 23 Hulyo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Royal, Don (3 Hulyo 1970). "Miss Universe fete contest scheduled". Fort Lauderdale News (sa wikang Ingles). p. 77. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Josephine among Top 10 'Best in Swimsuit' contest". The Straits Times (sa wikang Ingles). 10 Hulyo 1970. p. 17. Nakuha noong 17 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Primeros premios en concurso de Miss Universo". El Tiempo (sa wikang Kastila). 9 Hulyo 1970. p. 23. Nakuha noong 25 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Jade-eyed Puerto Rican chosen Miss Universe". The News-Messenger (sa wikang Ingles). 13 Hulyo 1970. p. 18. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "50,000 Turn Out in San Juan to Honor a Queen". The New York Times (sa wikang Ingles). 22 Hulyo 1970. ISSN 0362-4331. Nakuha noong 25 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "First PR Miss Universe Marisol Malaret dies at 73". San Juan Daily Star (sa wikang Ingles). 20 Marso 2023. Nakuha noong 26 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Marisol Malaret ahora es la "Abuela Sol"" [Marisol Malaret is now the "Abuela Sol"]. El Nuevo Dia (sa wikang Kastila). 29 Mayo 2018. Nakuha noong 28 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Rodríguez, Yomaris. "Marisol se despide con estrella". El Vocero de Puerto Rico (sa wikang Kastila). Nakuha noong 28 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Fallece Marisol Malaret, la primera boricua en ganar Miss Universe" [Marisol Malaret, the first Puerto Rican to win Miss Universe, dies]. Telemundo PR (sa wikang Kastila). 19 Marso 2023. Nakuha noong 28 Hulyo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga Parangal at Natanggap
Sinundan:
Aida Betancourt
Miss Puerto Rico
1970
Susunod:
Beba Franco
Sinundan:
Pilipinas Gloria Diaz
Miss Universe
1970
Susunod:
Lebanon Georgina Rizk