Tony Mabesa
Tony O. Mabesa | |
---|---|
Kapanganakan | Antonio O. Mabesa Enero 27, 1935 |
Kamatayan | Oktubre 4, 2019 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Parangal | Pambansang Alagad ng Sining, |
Larangan | Teatro |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Teatro 2022 |
Si Antonio O. Mabesa (Enero 27, 1935 - Oktubre 4, 2019) o mas kilala bilang Tony Mabesa ay isang aktor, direktor at guro. Siya ay tinaguriang "Leon ng Teatro" at idineklara na isang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng teatro noong 2022 ni Pangulong Rodrigo Duterte.[1][2]
Unang yugto ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Antonio "Tony" Mabesa noong Enero 27, 1935 sa Los Baños, Laguna.[3]
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagtapos si Tony Mabesa ng Batsilyer ng Agham sa Agrikultura sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, Laguna noong 1956. Nakuha niya ang master's degree sa sining pang-teatro sa Unibersidad ng California noong 1965. Tinapos din niya ang Graduate Studies sa Literaturang Pang-drama sa Unibersidad ng Minnesota noong 1968. Nakuha niya ang master's degree sa Special Education sa Unibersidad ng Delaware noong 1969.[3][4]
Propesyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimulang maging guro si Tony Mabesa noong 1975 sa Departamento ng Speech Communication at Sining Pang-Teatro sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan pinangunahan niya ang pagpapaunlad ng kurikulum sa sining na pang-teatro sa mga kursong Sertipiko sa Sining na Pang-Teatro, Batsilyer ng Sining sa Teatro, at Master ng Sining sa Sining na Pang-Teatro. Noong Enero 1, 2002 ay naging professor emeritus siya ng Departamento.[3]
Nagturo din si Tony Mabesa sa Unibersidad ng Angeles sa probinsiya ng Pampanga at tinulungan niya ang Unibersidad sa programa nito sa sining pang-teatro.[2]
Mga nagawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dekada sitenta noong binuo ni Tony Mabesa ang Tanghalang Repertory sa Hawaii na isang grupong pang-teatro na kinabibilangan ng mga Pilipinong mag-aaral na nagtatanghal ng mga tradisyunal at makabagong dulang Pilipino.[2] Itinatag din niya ang Dulaang Unibersidad ng Pilipinas noong 1976 sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Lungsod ng Quezon.[2] Kasabay nito ay pinasimulan niya ang pagbuo ng UP Playwrights Theater upang magtanghal ng mga orihinal at muling binuhay na mga dulang gawa ng mga Pilipinong manunulat.[2] Noong 2005 ay itinatag din niya ang Angeles University Foundation Repertory Theatre.[3]
Kasama sina Shamaine Centenera, Irma Adlawan, Nonie Buencamino, Eugene Domingo, Frances Makil-Ignacio, Adriana Agcaoili, Banaue Miclat, at Neil Ryan Sese sa mga naturuan ni Tony Mabesa para maging propesyunal sa larangan ng teatro.[5]
Nakagawa si Tony Mabesa ng 170 na mga produksiyon bilang direktor dito sa bansa at sa ibang bansa at gumanap bilang aktor sa mahigit na 130 na mga pelikula gaya ng Macho Dancer noong 1988, Jose Rizal noong 1998, Mano Po mula 2002 hanggang 2008, at 60 na mga programa sa telebisyon katulad ng Villa Quintana mula 1995 hanggang 1997 at Vietnam Rose noong 2005.[3][5]
Ang mga karanasan niya bilang direktor ay nagsimula noong nagsilbi siyang direktor ng dulang pang-klase noong nag-aaral pa lamang siya sa University of the Philippines Rural High School.[5][6]
Mga parangal na natanggap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2022 ay ipinahayag sa bisa ng isang proklamasyon na si Tony Mabesa ay isang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng teatro.[1]
Noong 2019 ay ginawaran siya ng “Parangal sa Sandaan” ng Society of Philippine Entertainment Editors.[3] Ang kanyang pagganap sa pelikulang Rainbow's Sunset ay nagbigay sa kanya ng mga parangal katulad ng pinakamahusay na aktor (Best Actor) sa Houston International Film Festival at Best Actor in a Supporting Role sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila (Metro Manila Film Festival) noong 2018.[3][5] Nagwagi siya bilang Best Stage Director sa 30th Annual Aliw Awards noong 2017.[3]
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pumanaw si Tony Mabesa noong Oktubre 4, 2019 sa edad na 84.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Proclamation No. 1390 Declaring Agnes D. Locsin, Salvacion Lim-Higgins (Posthumous), Marilou Diaz-Abaya (Posthumous), Ricardo "Ricky" Lee, Nora Cabaltera Villamayor, Gemino H. Abad, Fides Cuyugan-Asensio, And Antonio "Tony" Mabesa As National Artists For 2022". Official Gazette. Republic of the Philippines. Hunyo 14, 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Agosto 2022. Nakuha noong 17 Nobyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Order of National Artists: Tony Mabesa". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Nakuha noong 17 Nobyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 3.8 Dionisio, Ezekiel (Oktubre 8, 2019). "Mabesa, 84". University of the Philippines. UP Diliman Information Office. Nakuha noong 17 Nobyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cadiz, Gibbs (Oktubre 12, 2019). "Tony Mabesa: 'Galangin ninyo ang teatro. The theater is your altar. Hindi ito picnic'". Lifestyle.Inq. Lifestyle Inquirer. Nakuha noong 17 Nobyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 "Look Back: Tony Mabesa, actor, director, and PH theater pioneer". Rappler.Com. Rappler. Oktubre 5, 2019. Nakuha noong 17 Nobyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Veteran actor Tony Mabesa dies at 84". Rappler.Com. Rappler. Oktubre 5, 2019. Nakuha noong 17 Nobyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)