Pumunta sa nilalaman

Dinastiyang Hsia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Dinastiyang Xia)

Ang Dinastiyang Hsia o Dinastiyang Xia (Tsino: 夏朝; pinyin: Xiàcháo) ay ang unang dinastiya sa tradisyunal na historyograpiyang Tsino. Sang-ayon sa tradisyon, itinatatag ang Dinastiyang Xia ng malaalamat na si Dakilang Yu, pagkatapos ni Emperador Shun, ang pinakahuli sa Limang Emperador, binigay ang trono sa kanya.[1] Sa tradisyunal na historyograpiya, sumunod ang Dinastiyang Shang sa kalaunan pagkatopos ng Xia.

Alinsunod sa tradisyunal na kronolohiya, batay sa pagkalkula ni Liu Xin, namayani ang Xia sa pagitan ng 2205 at 1766 BC. Sang-ayon sa kronolohiyang batay sa Bamboo Annals (Talaang Kawayan), namayani ito sa pagitan ng 1989 at 1558 BC. Pinalagay ng Kronolohiyang Proyektong Xia–Shang–Zhou, na kinomisyon ng pamahalaang Tsino noong 1996, na namayani ang Xia sa pagitan ng 2070 at 1600 BC.

Mga sanggunina

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Mungello, David E. The Great Encounter of China and the West, 1500–1800 Rowman & Littlefield; 3 ed (28 Marso 2009) ISBN 978-0-7425-5798-7 p. 97. (sa Ingles)