Pumunta sa nilalaman

Ikalawang Konsilyong Vaticano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Konsilyong Batikano II)

Ang Ikalawang Konsilyong Vaticano[1] (sa Latin: Concilium Oecumenicum Vaticanum Secundum, impormal na tinutukoy na Vaticano II) ay ang ikadalawampu't-isa at hanggang sa ngayo'y kahuli-hulihang konsilyong ekumeniko ng Simbahang Katolika at ikalawang idinaos sa Basilika ni San Pedro sa Vaticano. Ipinatawag ni Papa Juan XXIII ang konsilyo na nagbukas noong 11 Oktubre 1962 at natapos na sa ilalim ni Papa Pablo VI noong 8 Disyembre 1965. Tinugunan ng Vaticano II ang mga hamon sa Simbahan Katoliko ng makabagong daigdig.

Sa mga nakibahagi sa pagbubukas ng sesyon ng konsilyo, apat ang naging Santo Papa, sina Kardinal Giovanni Battista Montini, na humalili kay Papa Juan XXIII at gumamit ng pangalang Pablo VI; Obispo Albino Luciani, na naging Papa Juan Pablo I; Obispo Karol Wojtyla, na naging Papa Juan Pablo II; at Padre Joseph Ratzinger, dumalo bilang kasangguning panteolohiya, na naging si Papa Benedicto XVI.[2][3][4]

Inilabas ng Vaticano II ang apat na konstitusyon, siyam na dekreto at tatlong pahayag.

Ang anunsiyo sa pagpapatawag ng isang konsilyong ekumeniko ay isinagawa ni Papa Juan XXIII sa Basilika ni San Pablo Extramuros noong 25 Enero 1959, tatlong buwan pa lamang magmula nang siya'y hirangin bilang Santo Papa. Kasama rin sa pahayag na ito ang pagpapatawag ng isang sinodo ng Diyosesis ng Roma at ang pagpapabago ng Kodigo ng Batas Canon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cruz, Oscar V. (22 Enero 1997). "Maglakbay Tayo". CBCP Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Pebrero 2017. Nakuha noong 17 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Faculty of Catholic University of America, pat. (1967). "Vatican Council II". New Catholic Encyclopedia. Bol. XIV (ika-1 (na) edisyon). New York: McGraw-Hill. p. 563. OCLC 34184550.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Alberigo, Giuseppe (2006). A Brief History of Vatican II. Maryknoll: Orbis Books. p. 69. ISBN 1-57075-638-4. {{cite book}}: Unknown parameter |coauthor= ignored (|author= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Father Georg Ratzinger: Pope Benedict XVI: A Profile: an EWTN documentary - Doug Keck, Executive Producer

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Kristiyanismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.