Ugnayang pampaggawa
Ang ugnayang panggawain o ugnayang pampaggawa ay ang pag-aaral at pagsasagawa ng pamamahala ng mga kalagayan may pagpapatrabahong may unyon ng mga manggawa. Sa akademiya, ang ugnayang panggawain o ugnayang pangmanggagawa ay kadalasang isang kabahaging pook na nasa loob ng ugnayang pang-industriya, bagaman ang mga dalub-agham (mga iskolar) na nagmula sa maraming mga disiplina - kabilang na ang ekonomiya, sosyolohiya, kasaysayan, batas, at agham na pampolitika - ay nagsasagawa rin ng pag-aaral ng mga unyong panggawain at mga kilusang panggawain. Sa pagsasagawa, ang ugnayang panggawain ay kadalasang isang kabahaging pook na nasa loob ng pamamahala ng mga tauhan. Ang mga kurso ng ugnayang panggawain ay karaniwang sumasakop sa kasaysayan ng paggawa, batas na pampaggawa, pagbubuo ng unyon, pakikipagtawaran, pangangasiwa ng kontrata, at mahahalagang mga paksang pangkasalukuyan o kontemporaryo.[1]
Sa Estados Unidos, ang ugnayang panggawain na nasa pribadong sektor ay pinangangasiwaan sa pamamagitan ng Pambansang Batas sa Ugnayang Panggawain. Ang ugnayang panggawain naman ng publikong sektor ay pinangangasiwaan sa pamamagitan ng Batas sa Repormang Pangserbisyo Sibil ng 1978 at sari-saring mga piraso ng lehislasyon ng estado. Ang isang mahalagang asosayong pamprupesyon para sa ugnayang panggawain sa Estados Unidos na para sa mga iskolar at mga praktisyunero ay ang Labor and Employment Relations Association o Asosasyon ng Pang-ugnayang Panggawain at Panghanapbuhay.
Sa ibang mga bansa, ang ugnayang panggawain ay pinangangasiwaan sa pamamagitan ng batas o kaya ng tradisyon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ John W. Budd (2010) Labor Relations: Striking a Balance, 3rd ed. (Boston: McGraw-Hill/Irwin).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Negosyo at Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.