Pumunta sa nilalaman

Pinagsamang salita

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Portmanteau)

Ang pinagsamang salita (Ingles: portmanteau) ay isang lingguwistikong paghahalo ng mga salita,[1] kung saan pinagsasama ang mga bahagi ng mga salita o kani-kanilang ponema (tunog) sa isang bagong salita,[1][2][3] tulad ng teleserye, na inilikha sa paghahalo ng telebisyon at serye,[4] o tapsilog, mula sa tapa, sinangag, at itlog.[5] Sa lingguwistika, ang pinagsamang salita ay isang morpema na inaanalisa bilang kumakatawan sa dalawa (o higit pang) mga pinagsasaligang morpema.[6][7][8][9]

Sumasanib ang kahulugan sa pambalarilang katagang kontraksyon, ngunit nabubuo ang mga kontraksyon mula sa mga salitang kung hindi gayon ay makikitang magkasama nang sunud-sunod, tulad ng ako at ay na nagbubuo ng ako'y, habang binubuo naman ang pinagsamang salita ng dalawa o higit pang salita na may kaugnayan sa iisang konsepto. Nag-iiba rin ang pinagsamang salita sa tambalan, na hindi nagtitipil ng mga bahagi ng mga ugat ng mga pinagsamang salita. Halimbawa, tambalan ang dapithapon, hindi pinagsamang salita, ng dapit at hapon, dahil naisama ang dalawang salita nang buo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Garner's Modern American Usage Naka-arkibo February 27, 2017, sa Wayback Machine., p. 644.
  2. "Portmanteau". Merriam-Webster Offline Dictionary. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2008. Nakuha noong 21 Hunyo 2008. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Portmanteau word". The American Heritage Dictionary of the English Language: Fourth Edition. 2000. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Nobyembre 2007. Nakuha noong 21 Hunyo 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Appeals:teleserye". Oxford English Dictionary. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 13, 2020. Nakuha noong Agosto 18, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Tapsilog and other Silogs: garlic rice & egg are the ultimate pairing". Glutto digest. Nakuha noong Mayo 26, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "What is a portmanteau morph?". LinguaLinks Library. 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Thomas, David (1983). "An invitation to grammar". Summer Institute of Linguistics. Bangkok: Mahidol University: 9. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Crystal, David (1985). "A dictionary of linguistics and phonetics" (ika-2nd (na) edisyon). New York: Basil Blackwell: 237. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Hartmann, R.R.K.; Stork, F.C. (1972). "Dictionary of language and linguistics". London: Applied Science: 180. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)