Ricardo I ng Inglatera
Richard I ng Inglatera | |
---|---|
Kapanganakan | 8 Setyembre 1157 (Huliyano)
|
Kamatayan | 6 Abril 1199 (Huliyano)
|
Libingan | Fontevraud Abbey |
Mamamayan | Kaharian ng Inglatera |
Trabaho | monarko |
Opisina | Duke ng Normandy (3 Setyembre 1189 (Huliyano)–6 Abril 1199 (Huliyano)) Hari () |
Magulang | |
Pamilya | John ng Inglatera William Longespée, 3rd Earl of Salisbury Geoffrey Henry the Young King Geoffrey II, Duke ng Brittany William IX, Konde ng Poitiers Morgan Eleanor ng Inglatera, Reyna ng Castile Joan ng Inglatera, Reyna ng Sicily Matilda ng Inglatera, Dukesa ng Saxony Marie ng Pransiya |
Si Ricardo I o Richard I ng Inglatera (Setyembre 8, 1157 – Abril 6, 1199) ay ang hari ng Inglatera mula 1189 hanggang 1199. Paminsan-minsan siyang tinatawag na Ricardo ang Pusong Leon (Ricardo na may Puso ng Leon). Siya ang anak na lalaki nina Henry II ng Inglatera at Eleanor ng Aquitania. Noong 1168, naging Duke siya nga Aquitania. Isa siya sa mga pinuno ng Ikatlong Krusada laban kay Saladin, na hindi kailanman nagtagumpay. Habang naglalakbay siya, nasakop niya ang Sicilia at Tsipre. Nakipaglaban siya sa Labanan sa Acre at sa Labanan ng Arsuf. Sa huli, dahil sa hindi niya muling napagwagian ang Herusalem mula sa mga Muslim, nagpasya siyang magbalik sa Inglatera. Habang pabalik na mula sa Krusada, nadakip si Richard ng mga Aleman at kinailangang magbayad ng malaking halagang panubo ang mga taong Ingles upang mapalaya siya. Itinuturing siya bilang isang napakatapang at marangal na hari, subalit hindi siya gumugol ng maraming panahon sa Inglatera - anim na buwan lamang ng kaniyang labing-isang taon ng pamumuno ang naigugol niya sa loob ng kaniyang bansa.
Namatay siya pagkaraang matamaan ng palaso mula sa isang baril na pana habang nagaganap ang pagkubkob sa isang kastilyo. Ang kaniyang mga labi ay inilibing sa iba't ibang mga lugar.[1] Ang kaniyang katawan ay inilibing sa Monasteryo ng Fontevraud na malapit sa Saumur sa Pransiya[1], kung saan nakalibing din ang kaniyang ama at ina. Ang kaniyang mga laman-loob ay inilibing sa Chalus, malapit sa Limoges sa loob ng gitnang Pransiya.[1] Ang puso niya ay inilibing sa Katedral ng Notre Dame sa Rouen.[1] Natagpuan ito noong 1838 at sinuri ng mga dalub-agham noong 2012.[1] Nagsagawa sila ng mga pagsusulit upang makatuklas ng mga lason, dahil mayroong isang kuwento noong gitnang kapanahunan na si Richard ay namatay dahil sa isang palasong may lason. Walang katibayan upang masuportahan ang ideyang ito, at maaaring namatay siya dahil sa grangrena o septisimiya mula sa sugat na dulot ng palaso.[1]