Pumunta sa nilalaman

Unang Republika ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Unang Republikang Pilipino)
Republikang Filipino
República Filipina
1899–1901
Watawat ng
Watawat
Eskudo ng
Eskudo
Awiting Pambansa: Marcha Nacional Filipina
(Ingles: "Philippine National March")
Kinaroroonan ng Pilipinas sa Asya
Kinaroroonan ng Pilipinas sa Asya
KabiseraMalolos, Bulacan (opisyal) 23 Enero 1899 – 29 Marso 1899,
San Isidro, Nueva Ecija, 29 Marso 1899 – 9 Mayo 1899,
Palanan, Isabela, 6 Setyembre 1900 – 23 Marso 1901
Karaniwang wikaKastila, Tagalog, at iba pang mga wika sa Pilipinas
PamahalaanUnitaryong parlamentaryong republikang konstitusyonal
Pangulo ng Republika 
• 1898–1901
Emilio Aguinaldo
Pangulo ng Konseho ng Pamahalaan 
• 1898–1899
Apolinario Mabini
• 1899
Pedro A. Paterno
PanahonHimagsikang Pilipino
• Itinatag
Enero 23 1899
• Binuwag¹
Marso 23 1901
Lawak
1898198,000 km2 (76,000 mi kuw)
Populasyon
• 1898
7300000
SalapiPiso
Pinalitan
Pumalit
Silangang Indiyas ng Espanya‎
Pamahalaang Insular ng mga Isla ng Pilipinas
Republika ng Katagalugan
¹ Paghuli kay Emilio Aguinaldo.

Ang Unang Republikang Pilipino (opisyal na tinawag na República Filipina)[1] ay ang pamahalaan ng Pilipinas na itinatag kasabay ng paghahayag ng Saligang Batas ng Malolos noong Enero 23, 1899 sa Malolos, Bulacan hanggang sa pagdakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo, sa mga sundalong Amerikano noong Marso 23, 1901 sa Palanan, Isabela, na nagtapos sa Unang Republika. Ito ang unang republikang itinatag sa Asya ng mga Asyano.

Ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas ang naging pinakamahalagang pangyayari sa himagsikan ng mga Pilipino laban sa pamamahala ng mga Kastila. Ipinahayag ang kalayaan noong Hunyo 12, 1898 at ang pamahalaang diktatoryal na umiiral noon ay pinalitan ng pamahalaang panghimagsikan na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo bilang pangulo noong Hunyo 23, 1898. Nagkaroon ang republikang ito ng Kongreso na nagsilbing tagapayo ni Aguinaldo.

Si Emilio Aguinaldo, ang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas

Mga naunang uri ng pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga uri ng pamahalaan ang ginamit ng mga rebolusyonaryo. Itinatag ni Emilio Aguinaldo ang pamahalaan sa Biak-na-Bato noong 1 Nobyembre 1897 na nagpatapon sa mga pinuno ng himagsikan sa Hong Kong. Nang bumalik sila sa Pilipinas, itinatag niya ang pamahalaang diktatoryal upang ipawalang-bisa ang pamahalaan sa Biak-na-Bato (Junta ng Hong Kong). Pinalitan ang pamahalaang diktatoryal ng pamahalaang rebolusyonaryo noong 23 Hunyo 1898. Ipinagtibay ang Constitución Política de la República Filipina noong 21 Enero 1899 sa Simbahan ng Barasoain. Matapos ang dalawang araw, itinatag ang republika na pinamunuan ni Aguinaldo.

Pagtatatag ng republika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinagtibay ang Constitución política de la República Filipina noong 21 Enero 1899 sa Simbahan ng Barasoain. Matapos ang dalawang araw, itinatag ang republika na pinamunuan ni Aguinaldo.

Isang sesyon ng Kongreso ng Malolos sa Simbahan ng Barasoain.
Mga sundalo ng sandatahang-lakas sa sesyon ng kongreso.

Digmaang Pilipino-Amerikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naging kaalyado ng Estados Unidos ang republika laban sa mga Espanyol, ngunit naging malinaw ang naging hangarin nito na makuha ang Pilipinas. Tumaas ang tensiyon ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano hanggang sa sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong 4 Pebrero 1899. Nang makuha ng mga Amerikano ang Malolos, lumikas si Aguinaldo patungo sa Hilagang Luzon. Binuwag niya ang sandatahang lakas at umasa sa pakikipaglaban ng mga gerilya. Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong 23 Marso 1901 ng mga Amerikanong sundalo na pinamunuan ni Heneral Frederick Funston. Nanumpa si Aguinaldo ng katapatan noong Abril 1, at tuluyang nagwakas ang unang republika. Ngunit matapos ang pagbagsak ng republika, marami pa rin ang nakipaglaban para sa kalayaan.

Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayan ng Pilipinas
Maagang Kasaysayan (bago mag-900)
Taong Callao at Taong Tabon
Pagdating ng mga Negrito
Mga Petroglipo ng Angono
Kalinangang Liangzhu
Pagdating ng mga Austronesyo
Kulturang Batong-lungtian
Panahong Klasikal (900–1565)
Bansa ng Mai (971–1339)
Bayan ng Pulilu (????–1225)
Bayan ng Cainta (????–1572)
Bayan ng Kaboloan (1406–1576)
Bayan ng Tondo (900–1589)
Kaharian ng Maynila (1258–1571)
Kaharian ng Namayan (1175–1571)
Kadatuan ng Madyaas (1080–1569)
Kadatuan ng Dapitan (????–1595)
Karahanan ng Cebu (1200–1565)
Karahanan ng Butuan (1001–1521)
Karahanan ng Sanmalan (1011–1899)
Kasultanan ng Maguindanao (1515–1888)
Kasultanan ng Buayan (1350–1905)
Mga Sultanato ng Lanao (1616–1904)
Kasultanan ng Sulu (1405–1915)
Panahong Kolonyal (1565–1946)
Panahon ng Kastila (1565–1898)
Pamumunong Britaniko (1762–1764)
Silangang Kaindiyahan ng Kastila
Himagsikang Pilipino (1896–1898)
Katipunan
Unang Republika (1899–1901)
Panahon ng Amerikano (1898–1946)
Digmaang Pilipino-Amerikano (1899–1902)
Sampamahalaan ng Pilipinas (1935–1942, 1945–1946)
Pananakop ng Hapon (1942–1945)
Ikalawang Republika (1943–1945)
Panahong Kontemporanyo (1946–kasalukuyan)
Ikatlong Republika (1946–1972)
Diktadurya ni Marcos (1965–1986)
Ikalimang Republika (1986–kasalukuyan)
Palatakdaan ng oras
Kasaysayang militar
 Portada ng Pilipinas


Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


  1. "Araw ng Republikang Filipino, 1899". GOVPH. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Agosto 2017. Nakuha noong 9 Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)