Bagay na walang buhay
Ang mga bagay na walang buhay o mga bagay na hindi buhay ay ang mga bagay na hindi matatawag bilang mga bagay na buhay sapagkat hindi sila makakakitaan ng pitong mga katangian na mayroon sa buhay na bagay (iyong kakayahang kumain, gumalaw, magtanggal ng dumi ng katawan, magparami o magsupling, paghinga, pagdama, at paglaki). Ang mga bagay na walang buhay ay nakapagpapamalas lamang ng isa o dalawang mga katangian na karaniwang nakikita sa mga bagay na may buhay. Bilang halimbawa, ang kotse ay umaandar at kailangang lagyan ng gasolina upang maimaneho. Samantala, ang mga kristal ng yelo, tuwing taglamig ay maaaaring lumaki ayon sa kalagayan ng panahon o klima.[1]
Mga pangkat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong dalawang kapangkatan ang mga bagay na walang buhay: (1) ang mga bagay na hindi kailanman naging bahagi ng isang buhay na bagay (katulad ng pilak at bato); at (2) ang mga bagay na dating naing bahagi ng isang buhay na bagay (katulad ng uling na dating bahagi ng mga puno, subalit nabuo nang mamatay ang puno at lumubog sa malambot na lupa; bago mabuo ang uling sa kalikasan, kailangan ang pagdaan ng milyun-milyong mga taon).[1]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Living and Non-living Things Naka-arkibo 2012-01-29 sa Wayback Machine., The Open Door Website.