Pumunta sa nilalaman

Creative Commons

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Creative Commons logo
Creative Commons logo

Ang Creative Commons (CC) ay isang organisasyong hindi naglalayong kumita. Pangunahing layunin ng organisasyong ito ang mapayabong ang antas ng malilikhaing katha, gawa, komposisyon o intekwal na pagaari na maaring ibahagi sa iba ng legal. Ang pamamahagi sa ilalim ng prinsipyong ito ay nakasalalay sa ibat ibang kondisyong inilatag ng mag-akda o katha sa kaniyang gawa.

Ang huwebsayt (website) ng Creative Commons ay nagbibigay ng kakayahan sa mga nagmamayari ng Karapatang Ari o copyrights na bigyan ang publiko ng mga karapatan, habang pinanatili ng sarili niyang karapatan at pagkilala. Ang karapatang kaniyang ibinabahagi sa iba ay nakapaloob sa lisensiya. Ilang sa mga karapatan na ito ay ang maipamahagi sa iba ang katha, mabago ito, o mapagkakitaan. Gayumpaman, sa ibang lisensiya, limitado ang mga karapatan na ito. Pinapayuhan ang publiko na basahing maigi ang nilalaman ng lisensiya. Masasabing ang panunahing intensiyon sa likod ng CC ay ang maiwasan ang suliranin hingil sa kasalukuyang batas patungkol sa Karapatang Ari.

Ang kasaysayan ng mga lisensiyang CC ay maaring ibalik sa panahon pa ng Open Public License o OPL at ng GNU Free Documentation License o GFDL. Ang GFDL ay pangunahing naglalayon na magbigay ng lisensiya sa mga dokumentasyon ng software, ngunit ito rin ay naging aktibo sa paggamit ng mga hindi kaugnay na proyektong pang software, gaya ng Wikipedia. Ang OPL naman sa kabilang banda ay naging "defunct" o nagkaroon ng di maayos na mekanismo. Maging ang maglikha ng OPL ay nagbigay ng suhestyon na ang paggamit nito sa mga bagong proyekto ay hindi na dapat panggamitin. Parehong ang OPL at GFDL ay naglalamn ng mga opsyonal na bahagi na, sa opinyon ng mga kritiko, ay naging dahilan upang ang mga ito maging mababa sa antas ng "kalayaan" o pagiging "libre". Ang GFDL ay nagkaroon ng pagkakaiba sa CC sa ibat ibang rekwisito.

Ang Golden Nica Award for Creative Commons ay opisyal na naipalabas noong 2001. Si Lawrence Lessig, ang ama at "chairman" ng Creative Commons, ang nagpasimula ng organisasyon bilang karagdagang kaparaan upang maisakatuparan ang layunin ng Korte Suprema ng Estados Unidos sa kasong Eldred laban kay Ashcroft. Ang mga pangunahing lisensiya ay naipalabas sa publiko noong 16 Disyembre 2002. Ang proyektong ito ay kinilala ng Golden Nica Award at ng Prix Ars Electronica sa kategoryang "Net Vision" noong 2004.

Ang pangunahing lisensiyang CC ay naisulat sa legal na sistemang pang Estados Unidos. Sa kadahilanang ito ang mga pananalita at terminong nagamit ay hindi perpektong umaakma sa mga batas ng ibang bansa. Ang modelong ito ay walang pakundangan sa batas, at maaring hindi kilalanin ng ibang bansa. Ito rin ang dahilan kung bakit ang iCommons (International Commons) ay naglayong isalokal ang mga lisensiya. Taong 2004, Agosto 24 nang ang 21 representate ng ibat ibang bansa at rehiyon ang lumahok sa pangungunang ito.

Mga Proyekto at Likha na Gumagamit ng Lisensiyang CC

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Milyong huwebsayt ang gumagamit ng Lisensiyang CC. Mayroong katalog na naglalaman ng mga ngalan ng mga huwebsayt na ito, ngunit ito ay hindi na "updated" o nasapapanahon.

Ilan sa mga kilalang site ay ang mga :

Mga Kilalang "Record labels"

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kaparaanan upang Mahanap ang mga May Lisensiyang CC

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Kaugnay na Paksa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Soriano, James N. http://creativecommons.org/worldwide/ph/ Borador (draft) ng mga lisensiya para sa sistemang pambatas ng Pilipinas. Ingles pa rin, pero isinalin sa terminolohiya ng batas Pilipino.

Pinananatili ang mga reperensiyang ito sa Wikang Ingles, pagkat walang katiyakan kung ang mag reperensiya ay naisalin sa wikang Tagalog.