Pumunta sa nilalaman

Amenemhat I

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang gibang pyramid ni Amenemhet I sa Lisht.

Si Amenemhat I o Amenemhet I ang unang paraon ng Ikalabingdalawang Dinastiya ng Ehipto na dinastiyang tinuturin na pagsisimula ng Gitnang Kaharian ng Ehipto. Siya ay naghari mula 1991 BCE hanggang 1962 BCE.[2] Amenemhat I was a vizier of his predecessor Mentuhotep IV, overthrowing him from power,[3]. Ang mga skolar ay may iba ibang opinyon kung si Mentuhotep IV ay pinatay ni Amenhemhat I ngunit walang independiyenteng ebidensiya na sumusuporta dito at maaaring may isang panahon ng kapwa-paghahari sa pagitan ng kanilang mga paghahari.[4] Si Amenemhat I ay hindi mula sa liping maharlika at ang komposisyon ng ilang mga akdang pampanitikan na Propesiya ni Nefeti [5] at Mga instruksiyon ni Amenemhat[6] at sa arkitektura ay ang pagbabaliktad ng stilong pyramid na mga kompleks ng Ikaanim na Dinastiya ng Ehipto ay kadalasang itinuturing na mga pagtatangka upang gawing lehitimo ang kanyang paghahari. Inilipat ni Amenemhat I ang kabisera mula sa Thebes tungo sa Itjtawy. Siya ay inilibing sa el-Lisht. Ang kanyang anak na si Senusret I ay sumunod sa kanyang mga hakbang na nagtayo ng kanyang pyramid na isang mas malapit na repleksiyon ng mga pyramid ng ikaanim na dinastiya kesa kay Amenemhat sa Lisht. Gayunpaman, ang kanyang anak na si Amenemhat II ay bumali sa tradisyong ito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. [1] Amenemhat I
  2. D Wildung, L'Âge d'Or de L'Égypte - le Moyen Empire, Office de Livre, 1984
  3. http://www.touregypt.net/featurestories/mentuhotep4.htm
  4. E. Hornung, History of Ancient Egypt, 1999 p.50
  5. M. Lichtheim, Ancient Egyptian Literature, 1973 p.139
  6. M. Lichtheim, Ancient Egyptian Literature, 1973 p.135
  • Wolfgang Kosack: Berliner Hefte zur ägyptischen Literatur 1 - 12: Teil I. 1 - 6/ Teil II. 7 - 12 (2 Bände). Paralleltexte in Hieroglyphen mit Einführungen und Übersetzung. Heft 9: Die Lehre des Königs Amenemhet I. an seinen Sohn. Verlag Christoph Brunner, Basel 2015. ISBN 978-3-906206-11-0.