A Series of Unfortunate Events
May-akda | Daniel Handler |
---|---|
Ilustrasyon | Brett Helquist |
Bansa | Estados Unidos |
Wika | Ingles |
Dyanra | Gothic fiction, absurdist fiction, Steampunk and Mystery |
Tagapaglathala | HarperCollins EgmontUK |
Petsa ng paglathala | September 30, 1999 – 13 Oct, 2006 |
Ang A Series of Unfortunate Events ay isang serye ng pambatang aklat na sinulat ni Daniel Handler sa aliyas na Lemony Snicket, at ginuhit ni Brett Helquist. Tungkol ito sa pakikipagsapalaran ng tatlong batang magkakapatid - si Violet Baudelaire, isang imbentor, si Klaus Baudelaire, isang tagapagsaliksik, at si Sunny Baudelaire, ang bunso sa kanilang magkakapatid at isang chef, matapos ang pagkamatay ng kanilang mga magulang sa isang sunog na tumupok sa kanilang tirahan. Tungkol rin ito sa mga masasamang balak ni Count Olaf, ang kanilang malayong kamaganak, para makuha ang kanilang mga pamana na naiwan ng kanilang mga magulang, at ang pakakaugnay nila sa isang lihim na samahan. Naglalaman ng 13 na mga libro ang A Series of Unfortunate Events mula sa The Bad Beginning hanggang sa kahuli-hulihan na The End.
Mga libro
[baguhin | baguhin ang wikitext]- The Bad Beginning (1999)
- The Reptile Room (1999)
- The Wide Window (1999)
- The Miserable Mill (2000)
- The Austere Academy (2000)
- The Ersatz Elevator (2001)
- The Vile Village (2001)
- The Hostile Hospital (2002)
- The Carnivorous Carnival (2002)
- The Slippery Slope (2003)
- The Grim Grotto (2004)
- The Penultimate Peril (2005)
- The End (2006)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.