Pumunta sa nilalaman

Abenida J. P. Rizal

Mga koordinado: 14°34′26″N 121°0′42″E / 14.57389°N 121.01167°E / 14.57389; 121.01167
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Abenida J. P. Rizal
J. P. Rizal Avenue
Abenida J. P. Rizal pakanluran malapit sa Barangay Tejeros, Makati.
Impormasyon sa ruta
Haba6.4 km (4.0 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluranKalye Zobel Roxas at Kalye Tejeron sa Barangay Tejeros
 
Dulo sa silangan N11 (Daang Palibot Blg. 5) sa Barangay West Rembo
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodMakati
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Jose P. Rizal (Ingles: Jose P. Rizal Avenue), o mas-kilala bilang Abenida J. P. Rizal (Ingles: J. P. Rizal Avenue), ay isang pangunahing lansangang panlungsod sa hilagang Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa itong daang kolektor na dumadaan sa katimugang pampang ng Ilog Pasig mula Daang C-5 sa Baranggay West Rembo sa silangan hanggang Kalye Zobel Roxas sa Tejeros Village. Ang mga kilalang lansangan na bumabagtas rito ay Abenida Epifanio de los Santos (o EDSA, sa ilalim ng Tulay ng Guadalupe), Kalye Estrella, Abenida Makati (sa kabayanan ng Makati), Abenida South, at Abenida Chino Roces. Ang bahagi ng abenida mula Abenida Makati hanggang Abenida Chino Roces ay nagdadala ng walang salubong na trapiko pakanluran. Ang haba ng abenida ay 6.4 kilometro (o 4.0 milya).

Pakanlurang tanaw ng Abenida J. P. Rizal mula EDSA

Nagdudugtong ang abenida sa East Rembo, Comembo, at bayan ng Pateros sa silangan bilang J. P. Rizal Avenue Extension (dating Guadalupe–Pateros Road). Tutuloy ito sa Maynila sa kanluran bilang Kalye Tejeron (Tejeron Street). Ipinangalan ang abenida kay pambansang bayani Dr. José P. Rizal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

14°34′26″N 121°0′42″E / 14.57389°N 121.01167°E / 14.57389; 121.01167