Pumunta sa nilalaman

Adidas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Adidas AG ay isang multinasyunal na korporasyon na itinatag at may punong himpilan sa Herzogenaurach, Alemanya, na nagdidisenyo at gumagawa ng sapatos, damit at aksesroya. Ito ang pinakamalaking tagagawa ng damit pampalakasan sa Europa, at ang pangalawang pinakamalaking sa mundo, pagkatapos ng Nike. Ito ang may hawak na kompanya (holding company) para sa Adidas Group, na binubuo ng kompanya ng damit pampalakasan na Reebok, kompanya ng golp na TaylorMade (kabilang ang Ashworth), Runtastic, isang kompanya sa teknolohiya para sa kaangkupan ng katawann sa Austria, at 8.33% ng Bayern Munich, isang klab ng putbol. Ang kita ng Adidas para sa 2016 ay nakalista sa € 19.29 bilyon.