Pumunta sa nilalaman

Apiolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang apiolohiya, apiyolohiya, o apyolohiya (Ingles: apiology, Kastila: apiología, at pareho mula sa Lating apis, "bubuyog", at Griyegong -λογία, -lohiya) ay ang makaagham na pag-aaral ng mga bubuyog na pukyutan, isang subdisiplina ng melitolohiya (mula sa Ingles na melittology), na isa mismong sangay ng entomolohiya. Malimit na pinipili ang mga pukyutan bilang isang pangkat na pinag-aaralan upang masagot ang mga katanungan hinggil sa ebolusyon ng mga sistemang panlipunan.

Kaugnay na mga salita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang melitolohiya ay ang pag-aaral ng lahat ng mga bubuyog, na binubuo ng mahigit sa 17,000 mga uri bukod pa sa mga pukyutan. Apikolohiya (mula sa Ingles na apicology) ang tawag sa ekolohiya ng mga pukyutan. Isang bersiyon ng pagbabaybay ng apiolohiya ang apidolohiya (mula sa Ingles na apidology) na ginagamit sa labas ng Kanlurang Emisperyo, pangunahin na sa Europa (halimbawa na ang "Kagawaran ng Apidolohiyang Molekular"[1]); minsan itong ginagamit na kapalitan ng melitolohiya (halimbawa na ang "Laboratoryo ng Apidolohiya"[2]).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

KulisapTrabaho Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap at Trabaho ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.