Assur
Aššur ܐܫܘܪ آشور | |
Kinaroroonan | Gobernoratong Saladi, Iraq |
---|---|
Rehiyon | Mesopotamia |
Mga koordinado | 35°27′24″N 43°15′45″E / 35.45667°N 43.26250°E |
Klase | Tirahan |
Kasaysayan | |
Itinatag | Early Dynastic Period |
Nilisan | ika-14 siglo CE 14th |
Kapanahunan | Maagang Panahong Bronse hanggang ? |
Pagtatalá | |
Public access | Inaccessible (in a war zone) |
Opisyal na pangalan | Ashur (Qal'at Sherqat) |
Uri | Kultural |
Pamantayan | iii, iv |
Itinutukoy | 2003 (27th session) |
Takdang bilang | 1130 |
Rehiyon | Arab States |
Nanganganib | 2003–kasalukuyan |
AngAššur ( /ˈæsʊər/; Wikang Sumeryo: 𒀭𒊹𒆠 AN.ŠAR2KI, Assyrian cuneiform: Aš-šurKI, "Lungsod ng Diyos na si Ashur";[1][2] Siriako: ܐܫܘܪ Āšūr; Old Persian 𐎠𐎰𐎢𐎼 Aθur, Persa: آشور: Āšūr; Hebreo: אַשּׁוּר, Aššûr, Arabe: اشور) na kilalal rin bilang Ashur at Qal'at Sherqat ang kabisera ng Lumang Estadong Asirya (2025–1750 BCE), Gitnang Imperyong Asirya (1365–1050 BCE) at sa isang panahon ay ng Imperyong Neo-Asirya (911–609 BCE). Ang mga labi ng lungsod na ito ay matatagpuan sa kanluraning pampang ng Ilog Tigris, hilaga ng Kompluwensiya kasama ng tributaryo nito na Munting Zab sa ngayong Iraq sa Distritong al-Shirqat ng Gobernaratong Saladin. Ito ay tinirhan ng mga tao ng tuloy tuloy sa loob ng 4,000 taon mula sa Panahong Maagang Dinastiya ng Mesopotamiya hanggang sa gitnang ika-14 siglo CE nang paslangin ni Timur ang karamihang populasyong Kristiyano nito. Ang lugar ay isang World Heritage Site na idinagdag sa talaan ng mga lugar na nanganganib noong 2003 kasunod ng 2002 pananakop sa Iraq ng Estados Unidos at bilang resuolta ng isang panukalang dam na maaaring bumaha sa ilang lugar nito. Ang Assur ay nasa 65 kilometro (40 mi) timog ng lugar ng Nimrud at 100 km (60 mi) timog ng Nineveh.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Also phonetically 𒀀𒇳𒊬 a-šur4 or 𒀸𒋩 aš-šur Sumerian dictionary entry Aššur (GN) Naka-arkibo 2020-03-01 sa Wayback Machine.
- ↑ Pongratz-Leisten, Beate (2015). Religion and Ideology in Assyria (sa wikang Ingles). Walter de Gruyter GmbH & Co KG. p. 110. ISBN 978-1-61 451-426-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)