Beelzebub (manga)
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Agosto 2011)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Beelzebub Beruzebabu | |
Dyanra | Aksiyon, Komedya |
---|---|
Manga | |
Kuwento | Ryūhei Tamura |
Naglathala | Shueisha |
Magasin | Weekly Shōnen Jump |
Demograpiko | Shōnen |
Takbo | Pebrero 2009 – kasalukuyan |
Bolyum | 10 |
Original video animation | |
Direktor | Noubuhiro Takamoto |
Estudyo | Pierrot+ |
Inilabas noong | October 23, 2010 |
Haba | 34 minuto |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Noubuhiro Takamoto |
Estudyo | Pierrot+ |
Inere sa | Yomiuri TV |
Takbo | 9 Enero 2011 – kasalukuyan |
Ang Beelzebub (べるぜバブ Beruzebabu) ay isang manga (komiks ng Hapon) na isinulat at iginuhit ni Ryūhei Tamura na inilathala nang baha-bahagi sa magasing Weekly Shōnen Jump ng Shueisha. Ito ay unang inilathala nang isang bagsakan ni Tamura sa 2008 Weekly Shōnen Jump mula sa ika-37 hanggang sa ika-38 na tomo, kung saan ito ay nanalo sa ikaapat na Gold Future Cup.[1] Ito ay inilathala nang baha-bahagi sa kaparehong magasin sa simula ng ika-13 na tomo noong 2009. Isang OVA na gawa ng Studio Pierrot ay ipinalabas sa Jump Super Anime Tour noong Oktubre 2010, kasunod ng TV anime series na sinimulang ipalabas sa bansang Hapon noong ikasiyam na Enero 2011.
Kuwento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kuwento ay tungkol sa "pinakamalakas na batang pabaya", si Oga Tatsumi na nag-aaral sa kaniyang unang taon sa Paaralang Sekondarya ng Ishiyama, kung saan nag-aaral ang mga katulad niyang pabaya. Nagsimula ang lahat sa pagkukuwento niya kay Furuichi Takayuki, kaniyang matalik na kaibigan, kung papaano niya natagpuan ang isang sanggol. Isang araw, habang naglalaba sa tabi ng ilog (na sa totoo lang ay paghihiganti sa mga taong pinagtangkaan siyang patayin habang natutulog), nakakita si Oga ng taong lumulutang sa ilog. Hinila niya ito sa pampang at nahati ito sa dalawa na may laman na isang lalaking sanggol. Ang sanggol ay ang anak ng dakilang hari ng mga demonyo at napili si Oga na palakihin ito kasama ng katulong na si Hilda. Tumatakbo ang istorya tungkol sa buhay niya kasama ang sanggol, at sa buhay niya sa paaralan ng mga pabaya. Sa mga unang kabanata ng manga, binabalak ni Oga na ibigay si Baby Beel sa ibang estudyante sa Ishiyama (ang teorya ay kapag nakahanap siya ng taong mas masama at mas malakas sa kaniya, iiwanan ni Baby Beel si Oga para sa taong ito).
Media
[baguhin | baguhin ang wikitext]Manga
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang manga series ng Beelzebub ay isinulat at iginuhit ni Ryūhei Tamura. Ang unang kabanata nito ay nailathala noong Pebrero 2009 sa isang isyu ng Weekly Shōnen Jump ng Shueisha, at ang mga kasunod na kabanata ay inilabas nang baha-bahagi linggo-linggo. Inilabas ng Shueisha ang unang tomo ng tankōbon noong ikalawa ng Hulyo 2009. Mayroon na itong labing-isang tomo sa pagsapit ng ikalawa ng Mayo 2011..[2]
Anime
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang TV anime ay unang ipinalabas noong ikasiyam ng Enero 2011 sa Yomiuri TV at iba pang estasyon ng NNS. Sabay na ipapalabas ng Crunchyroll ang serye sa Hilagang Amerika at Europa dalawang oras matapos itong iere..[3] Subalit, may ilang episodyo ang ipinagpaliban matapos ang 2011 Tōhoku earthquake and tsunami.[4] Ang TV series ay gumamit ng apat na piyesa ng paksang musikal, dalawang panimula at dalawang pangwakas. Ang unang temang panimula na ginamit mula sa episodyo 1 hanggang 10 ay "DaDaDa" (だだだ) na inawit ng Group Tamashii, habang ang ikalawang temang panimula na ginamit mula sa episodyo 11 ay "The First Goodbye" (始まるのは, サヨナラ Hajimaru no wa, Sayonara) na inawit ng On/Off. Ang unang temang pangwakas na ginamit mula sa episodyo 1 hanggang 10 ay "Answer" ng no3b, habang ang ikalawang temang pangwakas na ginamit mula episodyo 11 ay "Show of Courage" (つよがり Tsuyogari) na inawit ni Shoko Nakagawa.
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Weekly Shōnen Jump official website" (sa wikang Hapones). Shueisha. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-15. Nakuha noong 2009-03-17.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "べるぜバブ 11" (sa wikang Hapones). Shueisha. Nakuha noong Mayo 24, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Crunchyroll To Simulcast Beelzebub Shōnen Anime". Anime News Network. 2011-01-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.animenewsnetwork.com/news/2011-03-23/anime/manga-releases-delayed-after-quake/part-iv
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Official Anime Website
- Beelzebub (manga) sa ensiklopedya ng Anime News Network (sa wikang Ingles)
- Beelzebub (anime) sa ensiklopedya ng Anime News Network (sa wikang Ingles)