Pumunta sa nilalaman

Birhen ng Candelaria (Kapuluang Canarias)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Birhen ng Candelaria, patron ng Kapuluang Canarias.

Ang Birhen ng Candelaria ay isang imahen na kumakatawan sa Birheng Maria na pinapipitaganan sa Basilika ng Birhen ng Candelaria sa lungsod ng Candelaria (sa Tenerife, Kapuluang Canarias, Espanya). Siya ay ipinapakita bilang isang Itim na Madonna. Ang pangunahing templo nito at ang Maharlikang Basilika na Dambana ni Maria na Aming Babae ng Candelaria (Basilica ng Candelaria) ay itinuturing na pangunahing simbahang inilaan sa Birheng Maria sa mga kapuluang Canarias. Ang kanyang pista ay ipinagdiriwang tuwing Pebrero 2 at Agosto 15 sa mga kapuluang Canarian.

Ang Birhen ng Candelaria ay may mahusay na debosyon sa buong kapuluan at ang patron ng Kapuluang Canarias. Ang kasalukuyang estatwa ng Birhen ng Candelaria ay isang kopyang ginawa ni Fernando Estévez. Ang Birhen ng Candelaria ay idineklarang patronesa ng kapuluang Canarias noong 1599 ni Clemente VIII at pangunahing patronesa noong 1867 ni Papa Pio IX.[1] Ang orihinal na eskultura ay natagpuan sa isang dalampasigan malapit sa Chmisay ng dalawang mangangambing noong 1392, bago ng pananakop ng mga Kastilyano sa isla. Ang isla ay hindi buong nasakop ng mga Kristiyano hanggang 1496. Ang estatwa ay dinala sa isang lokal na Guanche mencey, Acaymo sa cueva de Chinguaro. Kalaunan ay nakilala ito ni Antón na isang Guanche na inalipin at inakay sa Kristiyanismo ng mga Kastilyano bilang Birheng Maria nang siya ay bumalik sa Tenerife. Kanyang sinabi ang kanyang pagkaakay sa Kristiyano sa mga mencey at kaya ang estatwa ay pinapitaganan ng mga Guanche na nagsalin ng estatwa sa kweba ng Achbinico. Gayunpaman, ang estatwa ang ninakaw at dinala sa Lanzarote. Ito ay ibinalik pagkatapos na paniwalaang ang estatwa ay nagsanhi ng mga pangyayari sa Lanzarote ngunit kalaunang ibinalik sa Tenerife. Sa simula, kinilala ng mga aborihinal ang hitsura ng estatwa sa kanilang diyosang si Chaxiraxi (ang ina ng mga diyos) ngunit kalaunang ipinaliwanag ng mga mananakop na Kristiyano na ang imahen ay ng Birheng Maria.[2]

Ang unang misa ay idinaos sa Achbinico noong Pebrero 2, 1497 at inutos ni Adelantado Alonso Fernández de Lugo ang konstruksiyon ng isang ermita ngunit hindi itinayo hanggang noong 1526 noong pamumuno ni Pedro Fernández de Lugo. Ito ang lugar ng Basilica ng Ating Babae ng Candelaria. Ang basilica ay nawasak ng apoy at muling itinayo noong ika-19 na siglo. Ang mismong estatwa ay nawala nang ito ay tangayin ng isang baha sa dagat noong 1826. Sa 1959 siya ay binuo sa kasalukuyang Basilica.

Ang orihinal na imahen ay isang mediebal na iskulturang gothiko na inugnay ng maraming mga siyentipiko sa Knights Templar at Priory ng Sion hindi lamang dahil sa maitim na kulay nito ngunit pati sa mga damit na napakakatulad ng na Birhen ng Lluch (patrong santo ng Mallorca) at Birhe ng Montserrate (patrong santo ng Catalonia). [3] Sa karagdagan, sa inukit sa damit ng orihinal na Birhen ng Candelaria ay umiral ang ilang kakaibang mga letra na ang mga kahulugan ay nanatiling hindi alam hanggang sa kasalukuyan. Ang mga ito ang:

  • Palibot ng leeg nito: ETIEPESEPMERI
  • Sa kaliwang manggas: LPVRINENIPEPNEIFANT
  • Sa ilalim ng balabal: EAFM IPNINI FMEAREI
  • Sa sinturon: NARMPRLMOTARE
  • Sa mantel sa kanang braso: OLM INRANFR TAEBNPEM Reven NVINAPIMLIFINIPI NIPIAN
  • Sa gilid ng kaliwang kamay: EVPMIRNA ENVPMTI EPNMPIR VRVIVINRN APVI MERI PIVNIAN NTRHN
  • Sa likuran ng itinaling buhok: NBIMEI ANNEIPERFMIVIFVE

Ang Birhen ng Candelaria ay kinilala o sininkritesa sa ibang mga banal na entidad mula sa ibang mga relihiyon:[4]

  1. Leyenda de la advocación de Nuestra Señora de la Candelaria
  2. Leyenda de la advocación de Nuestra Señora de la Candelaria
  3. Leyenda de la advocación de Nuestra Señora de la Candelaria
  4. "Virgen de Candelaria, syncretism". Saadaya.blogspot.com. 2004-02-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-05-10. Nakuha noong 2010-08-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]