Pumunta sa nilalaman

Blue (banda)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Blue
Ang Blue habang nagtatanghal sa Manchester noong 2011
Ang Blue habang nagtatanghal sa Manchester noong 2011
Kabatiran
PinagmulanLondres, Inglatera
GenreR&B, pop
Taong aktibo2000–2005, 2011–kasalukuyan
LabelInnocent, Virgin, EMI
MiyembroAntony Costa
Duncan James
Lee Ryan
Simon Webbe
Websitehttp://www.officialblue.com/

Ang Blue ay isang Ingles na grupong R&B na binubuo ng mga kasaping sina Antony Costa, Duncan James, Lee Ryan, at Simon Webbe. Orihinal na nabuo ang banda noong 2000, at naglabas ng tatlong mga studio album, ang All Rise (2001), One Love (2002), at Guilty (2003), kung saan lahat ay nakarating sa unang puwesto sa Nagkakaisang Kaharian kasabayan ng paglalabas ng 16 na mga isahang awit, sa loob ng apat na taon. Nakipagtrabaho rin ang grupo sa mga mang-aawit gaya nina Stevie Wonder, Elton John at Lil Kim. Noong huli ng 2004, inanunsiyo ng grupo na sila'y maghihiwa-hiwalay at naglabas ng kanilang unang compilation album, ang Best of Blue noong 15 Nobyembre 2004.

Noong 28 Abril 2009, inanunsiyo ng Blue na sila'y muling mabubuo, at magbabalik sa entablado sa tag-init ng taóng iyon.[1] Muling nagsama-sama ang banda noong 29 Enero 2011 at kinatawan ang Nagkakaisang Kaharian sa Paligsahang Pang-awitin ng Eurovision ng 2011 sa Düsseldorf, Alemanya sa awiting "I Can", kung saan nagtapos ito sa ika-11 puwesto at nakakuha ng 100 puntos. Naglabas ang Blue ng kanilang ikaapat na studio album, ang Roulette, noong 25 Enero 2013, na may punong isahang awit (lead single) na "Hurt Lovers". Noong 21 Pebrero 2013, nakumpirmang sasali ang grupo sa The Big Reunion, kung saan anim na grupo dati ang muling magsasama-sama para sa minsanang pagtatanghal kasama ang Liberty X, Atomic Kitten, at 5ive. Mula Mayo 2013, iikutin ng grupo ang UK at Irlanda kasama ang ibang mga grupo sa serye ng mga konsiyerto ng The Big Reunion. [2] Noong 27 Marso 2013, inanunsiyo ng grupo na tutulak sila sa kanilang unang lakbay-konsiyerto ng taóng iyon, ang una sa halos sampung taon. Hanggang 2015, nakapagbenta na ang Blue ng 16 na milyong rekord sa buong mundo.[3] kasama ang 3.3 milyong album at 1 milyong isahang awit sa UK pa lamang.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Blue Reform For Summer Gig". Sky News. 28 Abr 2009. Nakuha noong 12 Mar 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Blue Join Reality Show The Big Reunion". mtv.co.uk. MTV. 22 Peb 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2013. Nakuha noong 22 Peb 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Brighton turns Blue for Pride". Brighton & Hove Pride. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-21. Nakuha noong 5 Abr 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Certified Awards". British Phonographic Industry. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Pebrero 2013. Nakuha noong 5 Abr 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)