Pumunta sa nilalaman

Bundok Kumgang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bundok Kumgang
Lokasyon ng Mount Kumgang
Pinakamataas na punto
Kataasan1,638 m (5,374 tal)
Heograpiya
LokasyonRehiyong Pangturista ng Bundok Kumgang, Hilagang Korea
Bundok Kumgang
Hangul
Hanja金剛
Binagong RomanisasyonGeumgangsan
McCune–ReischauerKŭmgangsan
Ang daan patungo sa Talon ng Kuryong
Ang Talon ng Kuryong sa taglamig

Ang Bundok Kumgang, o sa Koreano Kŭmgangsan (Pagbabaybay sa Koreano: [kɯmɡaŋsʰan]), ay isang bundok sa Hilagang Korea na may taas na 1,638-metro (5,374 talampakan). May higit-kumulang na 50 kilometro ang layo ninyo mula sa Sokcho, Gangwon-do sa Timog Korea. Isa ito sa mga tanyag na kilalang bundok sa Hilagang Korea.[1] Matatagpuan ito sa dakong silangan ng bansa sa Rehiyong Pangturista ng Bundok Kumgang, na dating bahagi ng Kangwon-do (38°35′N 128°10′E / 38.58°N 128.17°E / 38.58; 128.17).

Bahagi ang Bundok Kumgang ng Bulubundukin ng Taebak, na sumasakop sa bandang silangan ng Tangway ng Korea.

Mga pampanahunang pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakilala ang Bundok Kumgang sa magandang tanawin nito simula pa noong mga sinaunang panahon[2][3][4] at iyon ang paksa sa iba't ibang mga gawang pang-sining. Kabilang ang pangalang pang-tagsibol na Kŭmgang (Koreano금강산; Hanja), may iba't iba pang mga pangalan ito para sa bawat kapanahunan, ngunit higit na malawakang kilala ito bilang Kŭmgangsan sa wikang Koreano. Sa tag-init (summer), tinatawag itong Pongraesan (봉래산, ); sa taglagas naman ay Phung'aksan (풍악산, o [5]); at sa taglamig ay Kaegolsan (개골산, ).

Mapang Hapones ng Kongō-san, o Bundok Kumgang noong 1939.

Ang naturang bundok ay halos binubuo ng granito at dyorita, na sinubok ng panahon nang siglo-siglo na nagbigay ng maraming hugis, kabilang ang halos 12,000 mapaglarawang pagkakabuo ng mga bato, bangin, talampas, haliging bato at taluktok.

Karaniwang nakahati sa tatlong labwad o purok ang Bundok Kumgang: Panloob na Kumgang, Panlabas na Kumgang at Pandagat na Kumgang, na ang bawat bahagi ay mayroong tampok pangheolohiko at topograpiko.

  1. The Associated Press (September 22, 2000). "North Korea approves Japanese tours to Mount Kumgang". CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 11, 2008. Nakuha noong Septiyembre 14, 2015. {{cite web}}: Check date values in: |access-date= (tulong)
  2. "North Korea Relief". Encyclopædia Britannica. Mount Kŭmgang (5,374 feet), is renowned for its scenic beauty.[patay na link]
  3. Susan Chira (Pebrero 2, 1989). "The two Koreans agree to develop resort in North". New York Times.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Aidan Foster-Carter (Marso 30, 2001). "PYONGYANG WATCH Hyundai and North Korea: What now?". Asia Times Online. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 5, 2018. Nakuha noong Setyembre 14, 2015. Kumgangsan - the famously scenic Diamond Mountains just above the DMZ{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Yi I's book, 풍악행, refers to the mountain by this name.

Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.