DWWW-AM
Pamayanan ng lisensya | San Juan |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Malawakang Maynila at mga karatig na lugar |
Frequency | 774 kHz |
Tatak | DWWW 774 |
Palatuntunan | |
Wika | Filipino, English |
Format | Oldies, Talk |
Affiliation | RMN Networks |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Interactive Broadcast Media, Inc.[1] |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1963 |
Dating call sign | DZBM (1963-1972, 1973-1987) DZLM (1963-1972) DWOO (1973-1979) DWAT (1987-1996) |
Dating frequency | 740 kHz (1963-1978) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 25,000 watts |
Repeater | Dagupan: DWHT 107.9 MHz |
Link | |
Webcast | DWWW sa TuneIn DWWW sa Ustream |
Website | 774DWWW.ph |
Ang DWWW (774 AM) ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Interactive Broadcast Media. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa RMN Broadcast Center, Unit 809, 8th Floor, #31 Atlanta Centre, Annapolis Street, Greenhills, San Juan, Kalakhang Maynila, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Brgy. Tagalag, Valenzuela.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]1963–1996: DZBM/DWOO/DWAT
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang himpilang ito ng Mareco Broadcasting Network (na pagmamay-ari ni Manuel P. Villar Sr.)[2][3] noong 1963 bilang DZBM 740.[4][5] Kagaya ng DZLM 1430, pinaunlarin ito ang mga kumpanyang rekord ng Mareco.[5] Nagpatugtog ito ng mga musikang pangdayuhan at kahit isang musikang lokal.[6][4]
Mula sa pangdiyaryo na format, naging kauna-unahang himpilan ang DZBM na magbago ng format nito sa pagtugtog ng musika. Isa ito sa pinakapakinggan na himpilan sa loob ng anin na taon.[2] Kabilang sa mga personalidad ng himpilang ito nung panahong yan ay sina Angelo Castro at Howard Medina.[7] Mula noon, nagpatugtog ito ng mga lokal na mangaawit na nakakontrata sa Villar Records, ang pinakamalaikng kumpanyang rekord ng bansa noong panahong yan.[2][6]
In 1978, lumipat ang talapihitan nito sa 774 kHz.[8] Nagbago din ang format nito sa pang-balita at talakayan.[9]
Noong Mayo 1993, muling inilunsad ng MBNI ang DWOO bilang himpilang pangbalita[10][11] Ito din ang kauna-unahang himpilan sa bansang ito na maging kaanib ng CNN sa radyo.[12]
Noong 1994, napunta sa pamilya Palma ang DWOO na naging DWAT at kalaunan pimahalaha ito ng negosyanteng si Lucio Tan. Ito ang naging simuno ng pagsampa ng pamilya Villar ng kaso sa korte laban kay Tan.[13] Kabilang sa mga personalidad ng himpilang ito nung panahong yan ay sina Fernan Gulapa, Willie Delgado at Cito Beltran, anak ni Louie Beltran.[14]
1996–2011: DWWW
[baguhin | baguhin ang wikitext]Habang patuloy ang kaso, naabala ang opisyal na pagsahimpapawid nito para sa Oktubre 25, 1996.[13] Sa katapusan, binili ng Interactive Broadcast Media na pinag-arian nina Roberto Bacsal at Rene Palma ang himpilang ito at bumalik ito sa ere makalipas ng ilang araw bilang DWWW.[15] Ang kasalukuyang call letters ay ginamit dati ng Radio Philippines Network hanggang 1986, noong ibinalik ng gobyerno ang talapihitang ito sa ABS-CBN,[16] at muli yan inilunsad bilang DZMM.[17]
Lumipat ito ng tahanan sa #23 E. Rodriguez Sr. Ave. sa Lungsod Quezon. Mula noon, nagpapatugtog ito ng en:oldies, mga musika mula sa dekada 50 hanggang dekada 80, habang nakatuon ang umaga at huling bahagi ng hapon nito para sa mga programang pang-balita at talakayan. Sa loob ng ilang buwan, naging pang-apat na pinakapakinggan na himpilan sa AM. Kilala din ito sa pagbasa ng talapihitang ito na "siyete siyete kwatro".[18]
Naglunsad din ng himpilang ito ng Broadkast Patrol bilang tagahatid ng mga balita na pinamumunan ni Jun Ricafrente ng DZMM. Maliban kina Gulapa at Beltran, kabilang sa mga personalidad ng himpilang ito nung panahong yan ay sina Lito Villarosa, Jun Taña, Bobby Guanzon, Vic Morales at Joey Collantes.[19][20]
2011–kasalukuyan: Pagpalawig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Nobyembre 2, 2011, muling inilunsad ang DWWW sa ilalim ng bagong pamamahala bilang kaanib ng Radio Mindanao Network. Lumipat ito sa kasalukuyang tirahan sa Atlanta Center, Greenhills, San Juan. Muling inayos ang mga listahan ng awit nito. Ang pagbasa ng talapihitang ito na "siyete siyete kwatro" ay ginawang "seven seven four." Inilunsad din nito ang bagong tagline na "The Music of Your Life".
Noong 2014, binago ang tagline nito sa "Your Ultimate AM Radio" para maipakilala nito ang mga programang pang-balita at talakayan. Noong 2018, isang taon makalipas ng muli nitong paglunsad ng Broadkast Patrol, binago ang tagline nito sa "Your Ultimate Newsic Radio".[21]
Noong Julyo 1, 2024, itinatag ng DWWW ang sariling riley sa Dagupan sa pamamagitan ng DWHT (107.9 FM) na pagmamay-ari ng Broadcast Enterprises and Affiliated Media.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Interactive Broadcast Media, Inc". Media Ownership Monitor by VERA Files. Reporters Without Borders. Nakuha noong Agosto 25, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Samonte, Danee (Setyembre 13, 2018). "Rene Garcia: The final Hotdog". The Philippine Star. Nakuha noong Hulyo 2, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Philippines, a Country Profile. Washington, D.C.: U.S. Department of State. Agosto 1979. p. 110. Nakuha noong Hulyo 3, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "From the Music Capitals of the World: Manila". Billboard. Agosto 10, 1968. p. 50. Nakuha noong Hulyo 3, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Sicam, Edmund (Setyembre 30, 2000). "Meet Louie Villar, the man behind radio's Crossover stations". Philippine Daily Inquirer. p. E2. Nakuha noong Hulyo 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "How Villar Records changed Philippines pop music forever". The Philippine Star. Pebrero 2, 2022. Nakuha noong Hulyo 2, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Samonte, Danee (Enero 17, 2015). "Them were the days". The Philippine Star. Nakuha noong Hulyo 2, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ National Economic and Development Authority; National Census and Statistics Authority (1979). Philippine Yearbook 1979. Manila: Government of the Philippines. p. 811. Nakuha noong Hulyo 4, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Del Mundo, Clodualdo (1986). Philippine Mass Media: A Book of Readings. Communication Foundation for Asia. p. 130. ISBN 9789711550974. Nakuha noong Hulyo 31, 2020 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mareco launches station DWOO". Manila Standard. Mayo 24, 1993. p. 6. Nakuha noong Hulyo 2, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mareco launches DWOO 774 AM". Manila Standard. Mayo 20, 1993. p. 29. Nakuha noong Hulyo 2, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "CNN on Citylite and Mareco". Manila Standard. Enero 9, 1993. p. 18. Nakuha noong Hulyo 2, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 Singh, Tara (Oktubre 30, 1996). "Vantage Point: Lucio Tan and the so-called 'Judas-ciary'". Manila Standard. p. 11. Nakuha noong Hulyo 3, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Journal of the Senate. Philippines: Senate of the Philippines. 1995. p. 1554. Nakuha noong Hulyo 5, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "DWWW 774". Media Ownership Monitor. Reporters Without Borders. 2016. Nakuha noong Hulyo 4, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "G.R. No. 133347". The LawPhil Project. Arellano Law Foundation. Oktubre 15, 2008. Nakuha noong Hulyo 5, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jimenez, Alex (Disyembre 30, 1996). "That was radio in '96". Manila Standard. p. 30. Nakuha noong Hulyo 4, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "DWWW 774". Online Journey. Abril 1, 2019. Nakuha noong Hulyo 31, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Aniceto, Ben (2007). Stay Tuned: The Golden Years of Philippine Radio. Rufino J. Policarpio, Jr. p. 341. ISBN 9789719401407. Nakuha noong Hulyo 31, 2020 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Broadcaster na si Vic Morales, pumanaw na". DZMM. Mayo 16, 2010. Nakuha noong Hulyo 31, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Your Weekend Guide". BusinessWorld. Setyembre 6, 2019. Nakuha noong Hulyo 31, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Padron:Dagupan Radio Coordinates needed: you can help!