Domingo Savio
Santo Domingo Savio | |
---|---|
Kumpesor | |
Ipinanganak | 2 Abril 1842 San Giovanni, frazione ng Riva presso Chieri, Piedmont, Italya[1] |
Namatay | 9 Marso 1857 Mondonio, frazione ng Castelnuovo d’Asti (ngayo'y Castelnuovo Don Bosco), Piedmont, Italya[1] | (edad 14)
Benerasyon sa | Simbahang Katolika Romana & Simbahang Episcopal |
Beatipikasyon | Marso 5, 1950, Roma ni Papa Pio XII |
Kanonisasyon | Hunyo 12, 1954, Roma ni Papa Pio XII |
Pangunahing dambana | Basilika ng Inang Mapag-Ampon ng mga Kristiyano sa Turin (kaniyang libingan)[2] |
Kapistahan | Mayo 6 (dating Marso 9)[3] |
Patron | mga batang koro, mga naparatangan ng mali, kabataang naliligaw ng landas[4] |
Si Domingo Savio (Italyano: Domenico Savio; Abril 2, 1842 – Marso 9, 1857[5][6]) ay isang binatang Italyanong mag-aarál si San Juan Bosco. Nag-aaral siya upang maging pari nang siya'y nagkasakit at namatay sa gulang na 14, marahil sa pleurisy.[7]
Mataas ang pagtingin kay Savio ng kaniyang guro na si Juan Bosco, na sumulat ng talambuhay ng kaniyang batang mag-aarál – Ang Buhay ni Domingo Savio. Ang tomong ito, kasama ng ilan pang pagpapatunay patungkol sa kaniya ay naging mahalaga sa kawsa ng kaniyang pagkasanto. Sa kabila ng pag-aalinlangan ng marami na siya'y bata pa masyado — labing-apat na taong gulang — nang mamatay upang ituring na maging santo, kinilala ang kaniyang "dakilang kabanalan" sa pang-araw-araw na buhay kaya't siya'y itinuring na karapat-dapat sa karangalang ito.[8] Siya ang tanging santo sa kaniyang mga ka-edad, kung saan napapabilang sina Maria Goretti (edad 11) at Ponticus ng Lyons (edad 15),[9] na idineklarang santo, hindi dahil sa siya'y namatay na martir, kundi sa pagkilala sa kaniyang banal na pamumuhay. Kinanonisa si Savio na santo noong Hunyo 12, 1954 ni Papa Pio XII,[10] upang maging pinakabatang kinanonisa sa Simbahang Katolika na hindi martir.[11]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Santiebeati.it: Domenico Savio. Hinango noong Nobyembre 24, 2006.
- ↑ Boychoirs.org: Saint Dominic Savio: Patron Saint of Choirboys: 1842 – 1857; Retrieved on 24 November 2006.
- ↑ Dailycatholic.org: Friday-Saturday-Sunday- March 8–10, 2002; volume 13, no. 45. Hinango noong Nobyembre 24, 2006.
- ↑ Saintpatrickdc.org: Saint of the Day, March 9 at website of Saint Patrick Catholic Church, Washington, D.C. Retrieved 2 March 2012.
- ↑ Salesianvocation.com: Biography of St. Dominic Savio Naka-arkibo 2004-10-20 sa Wayback Machine.. Hinango noong Nobyembre 24, 2006.
- ↑ Santiebeati.it: San Domenico Savio Adolescente. Hinango noong Nobyembre 24, 2006.
- ↑ Bosconet.aust.com: Memoirs of the Oratory of Saint Francis de Sales by St. John Bosco (footnote 19, Chapter 6) Naka-arkibo 2006-05-09 sa Wayback Machine.. Hinango noong Nobyembre 24, 2006.
- ↑ Stthomasirondequoit.com: Saints Alive: St. Dominic Savio Naka-arkibo 2006-11-18 sa Wayback Machine.. Hinango noong Nobyembre 24, 2006
- ↑ Earlychristianwritings.com: Letter from Vienna and Lyons. Hinango noong Nobyembre 24, 2006
- ↑ Catholic-forum.com: Dominic Savio Naka-arkibo 2006-09-19 sa Wayback Machine.. Hinango noong Nobyembre 24, 2006.
- ↑ Donbosco-torino.it: Main Altars in the Church Naka-arkibo 2012-02-06 sa Wayback Machine.; Hinango noong Nobyembre 24, 2006.