Endokrinolohiya
Ang endokrinolohiya[1] (mula sa Griyego: ἔνδον, endo, "nasa loob"; κρῑνω, krīnō, "paghiwalayin"; at -λογία, -logia) ay isang sangay ng panggagamot na may kaalaman o pag-aaral hinggil sa mga glandulang endokrin ng katawan. Nakatuon ito sa pangangasiwa ng mga pangangailangan o karamdaman ng anumang bahagi ng sistemang endokrina at mga hormon. Tinatawag na mga endikronologo (lalaki), endikronologa (babae), o endikronolohista ang mga dalubhasa sa larangan ng endikronolohiya.
Isa itong sangay ng biyolohiya at medisina na nakatuon sa sistema ng sistemang endokrina, kasama ang mga karamdaman, ang partikular na mga pagpapadaloy at pagpapakatas ng mga sekresyong tinatawag na mga hormon, ang pagsasama-sama o integrasyon ng mga mga kaganapang pangkaunlaran na katulad ng proliperasyon, paglaki, at diperensiyasyon (kasama ang histohenesis at organohenesis), at ng koordinasyon ng metabolismo, respirasyon, ekskresyon, galaw, reproduksiyon, at persepsiyong sensoryo na umaayon o depende sa mga hudyat na kimikal, mga paglalangkap at sintesis ng mga sustansiya na sinisipsip ng mga selulang ispesyal.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Endocrinology, endokrinolohiya Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., Gabby's Dictionary, GabbyDictionary.com
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.