Ensaladang caprese
Uri | Ensalada |
---|---|
Lugar | Italya |
Rehiyon o bansa | Campania |
Pangunahing Sangkap | Mozzarella, kamatis, balanoy, asin, langis ng oliba |
|
Ang ensaladang caprese (Italyano: insalata caprese [insaˈlaːta kapreːze; -eːse] o caprese lamang)[1] ay isang ensaladang Italyano, gawa sa sariwang mozzarella na hiniwa-hiwa, mga kamatis, at matamis na balanoy, na tinimplahan ng asin, at langis ng oliba. Karaniwan itong nakalagay sa isang plato kapag inihahain sa restoran.[2][3] Tulad ng pizza Margherita, nagtatampok ito ng mga kulay ng bandila ng Italya: lunti, puti, at pula. Sa Italya, kadalasang inihahain ito bilang antipasto (pampagana), hindi contorno (pamutat), at maaari itong kainin sa anumang oras ng araw. Isang anyo ng putaheng caprese ang ensaladang caprese; maaari rin itong ihain bilang pizza, pasta, o sandwits.
Nakapangalan ang ensalada sa pulo ng Capri, kung saan ito pinaniniwalaang nagmula.[4] Ang dalawang karaniwang kuwento tungkol sa pinagmulan nito ay pagpupugay sa watawat ng Italya o "sa ika-20 siglo upang payapain ang mga panlasa ng mga nababakasyon na royalidad at importanteng politiko".[5]
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Mozzarella, kamatis, at ensaladang gulay
-
Ensaladang mozzarella at kamatis
-
Ensaladang caprese na nakatuhog
-
Mga hiniwang mozzarella na may kamatis at oliba
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Edward Antrobus (31 Oktubre 2010). Recipes of If You Can Read, You Can Cook: Year 1 [Mga Resipi ng Kung Marunong Ka Magbasa, Kaya Mong Magluto: Ika-1 Taon] (sa wikang Ingles). SEAM Publishing. p. 32. ISBN 978-1-301-75286-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Joy of Cooking [Ang Kagalakan ng Pagluluto] (sa wikang Ingles). Edisyon ng Ika-75 Anibersaryo, pa. 169
- ↑ "Nigel Slater's classic insalata caprese recipe" [Ang klasikong resipi ng insalata caprese ni Nigel Slater] (sa wikang Ingles), The Observer, Sunday 18 Hulyo 2010.
- ↑ "Insalata Caprese". ITALY Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-09-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Caprese Salad captures Italy's rich history" [Sa Ensaladang caprese nakikita ang mayamang kasaysayan ng Italya] (sa wikang Ingles). The Lowell Sun. Agosto 26, 2015. Nakuha noong 23 Setyembre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)