Pumunta sa nilalaman

Francesco Saverio Altamura

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Francesco Saverio Altamura

Si Francesco Saverio Altamura (Agosto 5, 1822 - Enero 5, 1897) ay isang Italyanong pintor, na kilala sa mga Romantikong-estilong mga canvas na naglalarawan ng mga makasaysayang kaganapan.

Medieval Marriage: Kasal ni Buondelmonte

Ipinanganak siya sa Foggia, ngunit lumipat sa Napoles noong 1840, sa simula ay may layuning mag-aral ng medisina. Siya ay nakatala sa paaralan ng mga paring Escolapio. Ngunit ang kaniyang mga interes ay humantong sa kanya na dumalo sa Accademia di Belle Arti kasama si Domenico Morelli. Nakipagkaibigan din siya kay Michele De Napoli. Ngunit tulad ng kaniyang kaibigan, naging bahagi siya ng mga protesta noong insureksiyon noong 1848. Nakipaglaban siya sa mga barikada ng Santa Brigida.[1] Sandali siyang inaresto, at hinatulan ng kamatayan, at kung saan siya ay tumakas sa pagpapatapon sa L'Aquila, pagkatapos noong 1850 sa Florencia. Doon ay pumasok siya sa sirkulo ng mga artistang dumadalaw sa Caffè Michelangiolo, at sa mga Toscanong pintor na paaralan ng Macchiaioli. Gayunpaman, ang mga pintura ni Francesco, hindi katulad ng kay Macchiaioli, ay nakatuon sa makasaysayang at pampulitikang mga pangyayari.

Namatay si Francesco sa Napoles. Noong 1901, isang monumento sa kaniyang karangalan ang itinayo sa Foggia.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Isinalin mula sa entrada ng Italyanong Wikipedia
  •  Napier, Lord Francis (1855). Notes on Modern Painting at Naples.. West Strand, London: John W. Parker and Son. pp. 52.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)