Pumunta sa nilalaman

Horchata

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Horchata at mga fartó

Ang horchata (Balensiyano: orxata; Filipino: ortsata) ay isang Kastilang inuming gawa sa mga tigernut, tubig, at asukal. Orihinal itong nagmula sa València at iniinom nang malamig na malamig bilang pamawing-uhaw. Mayroon itong regulating council upang tiyakin ang husay ng produkto at ang mga bayan kung saan ito maaaring magmula ayon sa Denominació d’Origen (Balensiyano para sa Denomination of Origin). Kilala ang bayan ng Alboraia sa husay ng kanilang horchata. Nagmula ang idea ng paggawa ng horchata mula sa mga tigernut noong panahong Muslim sa València (ika-8–ika-13 dantaon).

Sa lutining Mehikano, pangunahing gawa sa kanin ang horchata. Habang madalas na puti at “magatas” ang inumin, maaari itong handaing dairy-free sa pamamagitan ng paggamit ng blanched na almendra, bagaman kinakailangan ng ilang mga resipi ang gatas. Ilan pa sa maaaring isangkap ay ang asukal, kanela, baynilya, dalandan, o dayap.

Ang horchata na matatagpuan sa Ekwador ay may pagkatulad sa Mehikanong klase ngunit sesamo ang ginagamit sa halip na almendra.

Sa El Salvador, tinitimplahan ang horchata ng giniling na kakaw at kanela at gayundin ng sesamo, at paminsang sinasala; ito ang uri ng paghanda sa mga kainang Salbadorenyo, partikular na sa kalakhang Washington, DC.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]