Pumunta sa nilalaman

Juche

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Juche
Ang Tore ng Juche sa Pyongyang, Hilagang Korea, kung saan sinisimbolo ng tanglaw ang ideyang Juche. Binubuo ng tatlong rebulto sa ibaba ang sagisag ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea. Kinakatawan ng martilyo ang mga manggagawa, ng karit ang mga magsasaka, at ng pang-kaligrapiyang pinsel ang intelihensiya.
Chosŏn'gŭl주체
Hancha主體
Binagong RomanisasyonJuche sasang
McCune–ReischauerChuch'e sasang
"ideyang (pam)paksa" (literal)

Ang Juche (Koreano: 주체, MR. Chuch'e), opisyal na kilala sa diskursong pampolitika bilang ideyang Juche (Koreano: 주체사상, MR. Chuch'e sasang), ay isang ideolohiyang sosyalista na naglilingkod bilang gabay sa sistemang pang-estado ng Hilagang Korea. Orihinal na itinagurian bilang isang baryante ng Marxismo–Leninismo, kinekredito ang pagkalikha nito sa pambansang tagapagtatag at pangulong Kim Il-sung, kung saan una niya itong ideolohikong binanggit sa kanyang talumpating Sa Pag-aalis ng Dogmatismo at Pormalismo at Pagtatatag ng Juche sa Gawang Ideolohiko noong 1955. Patuloy itong pinaunlad ito ng kanyang anak at kahalili na si Kim Jong-il, partikular na sa dekada 1980 at 1990 kung saan gumawa siya ng mga ideolohikong paglihis sa Marxismo–Leninismo upang bigyang pagpahalaga ang mga ideya ng kanyang ama. Sa kalaunan ay idineklara niya ito bilang isang natatanging ideolohiya. Ang kanyang inakdang Sa Ideyang Juche noong 1982 ay itinuturing bilang pangunahing gawain sa bansa ukol dito.

Nagbibigay-diin ang Juche sa mga konsepto ng indibiduwal, estadong bansa, at soberanyang pambansa. Iginiit ni Il-sung na ang tatlong prinsipyo pundamental nito'y kasarinlang pampolitika, kasapatang pang-ekonomiya, at pag-asa sa sariling militar. Isa pang mahalagang aspeto nito na diniin ni Jong-il ay ang katapatan sa pinuno, na dinedetalyeng pormal sa Sampung Prinsipyo para sa Pagtatatag ng isang Sistemang Ideolohikong Monolitko. Gumagamit ang Juche ng mga elementong hango sa Stalinismo, Maoismo, at Neo-Konfusyanismo. Inilarawan ang kaisipan ng mga kritiko bilang kuwasi-relihiyoso, ultranasyonalista, at rebisyonista.

Etimolohiya at Pagpapaunlad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Hwang Jang-yop, isang Hilagang Koreanong politiko na nagdeserto patungong Timog Korea noong 1997. Bilang ikalawang pinakamataas na ranggong desertor mula sa Hilagang Korea, nangasiwa siya sa maagang pagpaunlad ng Juche sa larangang ideolohiko.

Nagmumula ang terminong Juche sa salitang Sino-Hapones na 主體 (makabagong pagbabaybay: 主体), na binabasa sa Hapones bilang shutai. Nilikha ito noong 1887 upang maisalin ang konseptong Subjekt ("paksa"; ang entidad na nakakaunawa o kumikilos sa isang bagay o kapaligiran) mula sa pilosopiyang Aleman. Lumitaw ito sa mga saling Hapones ng mga sulat ni Karl Marx. Sa kalaunan ay napunta ito sa wikang Koreano ngunit nanatili ang kahulugan nito. Ginamit nang mga edisyong Koreano ni Marx ang salitang Juche bago pa man ito binigyan ng konotasyong ideolohiko ni Kim Il-sung noong 1955.[1]:11-13 Opisyal itong kilala bilang ideyang Juche, kung saan ang Koreanong orihinal nito'y literal na nangangahulugang "ideyang paksa".[1]:14 Sinasalin din ito bilang "kaisipang Juche" o "Jucheismo", at ang mga sumusunod o nauugnay dito'y tinutukoy na Jucheista.[2]:161[3][4]:30-31 Sa kontemporaryong diskursong pampolitika, mayroon ito ng konotasyong "awtonomiya", "kasarinlan", at "pag-asang pansarili", sa kaibhan ng Timog Koreanong konsepto ng Sadae, o pag-asa sa mga dakilang kapangyarihan.[5]:159[6]:180 Kadalasa'y ginagamit ang terminong Juche sa Timog Korea nang di-tumutukoy sa ideolohiya ng Hilaga.[1]:13-14

Sina Karl Marx at Vladimir Lenin, dalawa sa mga pangunahing tagapagtaguyod at mga tukayo ng Marxismo–Leninismo. Sila ang naging mga hinalinhang ideolohiko ng kaisipang Juche.
Mga pahinang pabalat ng mga edisyong Ingles ng Sa Pag-aalis ng Dogmatismo at Pormalismo at Pagtatatag ng Juche sa Gawang Ideolohiko (kaliwa) ni Kim Il-sung at Sa Ideyang Juche (kanan) ni Kim Jong-il. Itinuturing ang mga lathala bilang dalawa sa mga pinakamahalagang sulat ukol sa Juche.

Nakasaad sa mga opisyal na pahayag ng pamahalaan ng Hilagang Korea na nagmula ang Juche sa mga karanasan ni Kim Il-sung sa Alyansang Ibagsak ang Imperyalismo (Koreano: 타도제국주의동맹 (ㅌ.ㄷ), MR. T'ado Cheguk Chuŭi Tongmaeng (T'ŭdŭ)), isang alyansang sinasabing itinatag niya sa panahon ng pakikibaka para sa pagpapalaya ng Korea mula sa Imperyo ng Hapon.[7]:1 Gayunpaman, ang unang dokumentadong pagtukoy sa Juche bilang isang ideolohiya'y nasa talumpating Sa Pag-aalis ng Dogmatismo at Pormalismo at Pagtatatag ng Juche sa Gawang Ideolohiko na ibinigay ni Kim noong 1955. Itinuturing bilang isa sa kanyang mga pinakamahalagang gawa, ibinigkas niya ito upang isulong ang isang purgang pampolitika tulad ng naunang Kilusang Pagwawasto ng Yan'an sa Tsina na naganap noong 1942-1944.[8]:63[9] Gayunpaman, si Andrei Lankov, isang Rusong iskolar ng mga pag-aaral sa Korea, ay naninindigan na ang unang pagtukoy sa Juche bilang isang ideolohiya ay hindi dumating hanggang 14 Abril 1965, nang ibinigay ni Kim ang kanyang talumpating pinamagatang "Sa Konstruksyong Sosyalista sa Republikang Bayang Demokratiko ng Korea at ang Himagsikang Timog Koreano" sa Indonesya. Ipinalagay ni Lankov na ang talumpati noong 1955 ay "ginamit ang Juche nang mayroong ibang kahulugan" at ang Juche ay hindi pinagtibay bilang "pangunahing prinsipyong ideolohiko ng politikang Hilagang Koreano" hanggang pagkatapos ng talumpati noong 1965.[10] Sa kalaunan ay natuklasan muli ni Hwang Jang-yop, ang nangunang tagapayo ni Kim Il-sung sa pilosopiya, ang talumpating Juche ng 1955 noong huling bahagi ng dekada 1950, nang nagtatatag si Kim ng kanyang kulto ng personalidad at humangad na bumuo ng kanyang sariling baryante ng Marxismo–Leninismo upang patatagin ang kanyang posisyon sa loob ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea.[11]:419[12]:30,48 Kasunod na pinalawak ni Hwang ang kahulugan ng Juche at muling isinulat ang kasaysayan ng komunismo sa Korea upang ipalabas na si Kim ang naging pinuno ng partido mula nang mabuo ito.[13]:65-66 Dahil dito, karaniwang sumasang-ayon ang mga dayuhang iskolar na si Hwang ang aktuwal na taong responsable sa ideolohikong pagbuo at maagang pag-unlad ng Juche.[9]:109

Ang Sa Ideyang Juche, isa sa mga pangunahing gawa ukol sa Juche, ay inilathala sa ilalim ng pangalan ni Kim Jong-il noong 1982, at kasalukuyang naglilingkod sa Hilagang Korea bilang "ang mapanghahawakan at komprehensibong paliwanag ng Juche". Ayon sa tratado, ang partido ng mga manggagawa ay may pananagutan sa pagtuturo sa masa ng mga paraan ng pag-iisip sa Juche. Di-maiiwasang mauugnay ang Juche kay Kim Il-sung, at inilarawan ito bilang "kumakatawan ng ideyang gabay ng himagsikang Koreano". Bilang karagdagan, pinuna rin ni Kim Jong-il ang mga komunista at makabansang Koreano ng dekada 1920 dahil sa kanilang "posturang elitista", sinasabing sila'y "nahiwalay sa masa".[14]:19-20 Bagama't ang Juche ay nag-ugat sa Marxismo–Leninismo, diniin ni Jong-il na hindi lamang ito isang malikhaing aplikasyon ng mga ideya nina Marx at Vladimir Lenin sa mga kondisyon ng Korea. Bagkus, ito ay isang "bagong yugto ng teoryang manghihimagsik" at kumakatawan sa "bagong panahon sa pag-unlad ng kasaysayang pantao".[15] Binabalangkas ni Kim ang istraktura ng Juche sa kanyang sulat na "Magsulong Tayo sa Ilalim ng Bandera ng Marxismo–Leninismo at ng Ideyang Juche", inilahad niya dalawang araw bago ang ika-165 kaarawan ni Karl Marx[16]:

Ang ideyang Juche ay nagbibigay ng isang buong sistematisasyon ng mga kaisipan at teoryang nabuo, pinayaman at bagong pinasulong sa kurso ng pakikibakang manghihimagsik sa ilalim ng bandera ng Marxismo–Leninismo, at naglalaman ito ng mga kasagutang makaagham sa mga bagong suliraning ibinangon ng himagsikan at konstruksyon sa ating panahon. Kapag lang tayo'y sumulong sa daang ipinahiwatig ng ideyang Juche, ay maaari nating madaig ang lahat ng lilim ng oportunismo at matatag na panindigan ang mga prinsipyong manghihimagsik ng Marxismo–Leninismo, wastong lutasan ang lahat ng mga bagong suliraning ibinangon ng mga panahon at himagsikang umuunlad at mahusay na maisakatuparan ang layunin ng komunismo. – Kim Jong-il, Magsulong Tayo sa Ilalim ng Bandera ng Marxismo–Leninismo at ng Ideyang Juche; Sa Okasyon ng ika-165 Kaarawan ni Karl Marx at ang Sentenaryo ng Kanyang Kamatayan, 3 Mayo Juche 72 (1983)

Ang layunin ng Juche ay ang pagtatag ng isang estado na malayang makakapagpasya sa mga usaping pampolitika, pang-ekonomiya, at militar nito. Ibinuod ni Kim Il-sung ang aplikasyon ng layunin ng Juche sa Hilagang Korea sa kanyang talumpating "Ating Katawanin ang Diwang Manghihimagsik ng Kasarinlan, Kasapatang Pansarili, at Pansariling Pagtatanggol nang Higit na Lubusan sa Lahat ng Sangay ng Pang-estadong Aktibidad" noong 6 Disyembre 1967 sa ika-4 na Kataas-taasang Asembleyang Bayan[17]:

Una, lubusang ipatutupad ng pamahalaan ng Republika ang linya ng kasarinlan, kasapatang pansarili, at pansariling pagtatanggol upang mapisan ang kalayaang pampolitika ng bayan, palakasin ang mga pundasyon ng isang malayang ekonomiyang pambansang na may kakayahang tiyakin ang ganap na muling pag-iisa, kalayaan at kaunlaran ng ating bansa, at dagdagan ang mga kakayahang pagtatanggol ng bayan upang maprotektahan ang katiwasayan nito batay sa ating sariling pwersa, sa pamamagitan ng pagtatatag ng ideya ng ating Partido na Juche sa lahat ng larangan. – Kim Il-sung, Ating Katawanin ang Diwang Manghihimagsik ng Kasarinlan, Kasapatang Pansarili, at Pansariling Pagtatanggol nang Higit na Lubusan sa Lahat ng Sangay ng Pang-estadong Aktibidad; Programang Pampolitika ng Pamahalaan ng Republikang Bayang Demokratiko ng Korea na Inanunsyo sa Unang Sesyon ng Ikaapat na Kataas-taasang Asembelyang Bayan ng RBDK, 16 Disyembre Juche 56 (1967)

Binalangkas ni Kim Il-sung sa kanyang talumpating inihatid sa Indonesya ang tatlong prinsipyong pundamental ng Juche:

  • Kasarinlang Pampolitika (Koreano: 자주, MR. chaju): Idinidiin ng Juche ang pagkakapantay-pantay at paggalang sa bawat bansa, kung saan iginigiit nito na ang bawat estado ay may karapatan sa sariling pagpapasya. Ang pagsuko sa dayuhang panggigipit o interbensyon ay lalabag sa prinsipyo ng kalayaang pampolitika at magbabanta sa kakayahan ng isang bansa na ipagtanggol ang kanyang soberanya. Gayunpaman, hindi itinataguyod ni Juche ang kabuuang paghihiwalay at hinihikayat ang pakikipagtulungan sa pagitan ng mga estadong sosyalista. Ibinuod ni Kim Jong-il sa kanyang inakdang Sa Ideyang Juche na: "Ang kasarinlan ay hindi sumasalungat sa internasyonalismo ngunit ang batayan ng pagpapalakas nito."[15]:42 Inamin ni Kim Il-sung na mahalaga para sa Hilagang Korea na matuto mula sa ibang estadong sosyalista, partikular sa Unyong Sobyetiko at Tsina, ngunit ayaw niyang dogmatikong sundin ang kanilang mga halimbawa. Kaugnay nito, sinabi ni Il-sung na kailangan ng partido ng mga manggagawa na "determinadong itakwil ang tendensyang lunukin ang mga bagay ng iba na hindi natutunaw o gayahin ang mga ito nang mekaniko", kung saan iniuugnay niya ang maagang tagumpay ng Hilagang Korea sa kalayaan ng partido sa paggawa ng patakaran.[18]:106
  • Kasapatang Pang-ekonomiya (Koreano: 자립, MR. charip): Naniwala si Kim Il-sung na ang labis na tulong mula sa ibang bansa ay nagbabanta sa kakayahan ng isang bansa na paunlarin ang sosyalismo, na tanging ang isang estado na may malakas at malayang ekonomiya ang maaaring magtayo.[18]:106 Nangatuwiran si Kim Jong-il sa kanyang akdang Sa Ideyang Juche na ang isang estado ay makakakamit lamang ng kasapatang pang-ekonomiya kapag ito'y lumikha ng isang "malayang pambansang ekonomiya" batay sa industriyang mabigat, dahil sa teorya ang sektor na ito ay magtutulak sa natitirang bahagi ng ekonomiya. Binigyang-diin din ni Jong-il ang kahalagahan ng kasarinlang teknolohiko at kasapatang pansarili sa mga mapagkukunan. Dinagdag niya na hindi nito isinasantabi ang internasyonal na kooperasyong pang-ekonomiya.[15]:45-47
  • Pag-asa sa Sariling Militar (Koreano: 자위, MR. chawi): Upang maisakatuparan ito, dapat bumuo ang mga estado ng industriya sa domestikong pagtatangol upang maiwasan ang pag-asa sa mga dayuhang tagapagtustos ng mga sandata. Nagtalo si Kim Jong-il na katanggap-tanggap para sa mga estadong sosyalista na tumanggap ng tulong militar mula sa kanilang mga kaalyado, ngunit ang gayong tulong ay magiging epektibo lamang kung ang estado ay malakas sa militar sa sarili nitong karapatan.[15]:49-50,52

Nang nagdeserto si Hwang Jang-yop ay pinuna niya si Kim Jong-il sa "pagkanulo ng Juche at pagbuo ng pyudalismo sa halip na sosyalismo".[19] Tinutulan ni Hwang ang mga patakaran ng rehimen ng Hilagang Korea at sinuportahan ang mga reporma sa ekonomiyang pamilihan sa loob ng balangkas ng pagtatayo ng sosyalismo.[20] Sa orihinal na konsepsyon ni Hwang ng Juche "ang bayan ang sentro ng bansa at lipunan". Gayunpaman, pinuna ni Hwang ang paraan ng pagtatangka ni Kim Jong-il na ilapat ang pilosopiyang ito kung saan "siya mismo ang pinakasentro ng bansa at lipunan", tinawag niya si Kim na "lubhang makasarili" na tao. Ukol sa kanyang bahagi ng responsibilidad sa pagtatatag ng rehimen ng Hilagang Korea, sinabi ni Hwang na: "Maraming tao ang nagsasabi sa akin na ako ang arkitekto ng Juche at dapat nila akong punahin dahil mali ang paggamit ng Juche sa Hilagang Korea. Marahil ay karapat-dapat akong punahin; gayunpaman, hindi nito binabago ang katotohanan na lagi kong naramdaman na ang sentro ng bansa at lipunan ay ang bayan, at iyon ang prinsipyo ng demokrasya."[21]

Kalendaryong Juche

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang kalendaryong Juche para sa Setyembre Juche 99 (2010). Ipinangalan mula sa ideolohiyang Juche at nakabatay sa taon ng kapanganakan ni Kim Il-sung, ito ang opisyal na kalendaryong ginagamit sa Hilagang Korea bilang bahagi ng kulto ng personalidad ni Kim.

Ang kalendaryong Juche (Koreano: 주체력, MR. Chuch'e ryŏk), ipinangalan mula sa ideolohiyang Juche, ay ang naglilingkod bilang sistemang opisyal ng pagbilang ng mga taon na ginagamit sa Hilagang Korea. Naglabas ang pamahalaan ng Hilagang Korea ng isang atas noong 8 Hulyo 1997, ang ikatlong anibersaryo ng pagkamatay ni Kim Il-sung, na nagdeklara ng paggamit ng kalendaryong Juche. Ang Komite Sentral ng Bayan ay kasunod na nagpahayag ng mga regulasyon tungkol sa paggamit nito noong Agosto 1997, at ang kalendaryo ay pumasok sa pampublikong paggamit noong 9 Setyembre 1997, ang Araw ng Pundasyon ng Republika.[22]:220

Humihiram ang kalendaryo ng mga elemento mula sa dalawang makasaysayang kalendaryo na ginagamit sa Korea, ang sistemang tradisyonal ng mga pangalan ng mga era ng Korea at ang kalendaryong Gregoryano kung saan ang mga taon ay nakabatay sa tradisyonal na kapanganakan ni Hesus. Sa kaibhan ng dalawang ito, ang kalendaryong Juche ay nagsisimula sa 1912, ang taon ng kapanganakan ni Kim Il-sung.[23] Ang mga petsa sa kalendaryong Gregoryano ay ginagamit para sa mga taon bago ang 1912 habang ang mga taon mula 1912 pataas ay inilalarawan bilang mga "taong Juche". Upang madaling maukha ang Jucheng katumbas ng isang taon sa kalendaryong Gregoryano, ipinapalagay na ito'y pagkatapos ng 1912, kailangan lamang ibawas ang taon sa 1911. Samakatuwid, ang taong 1912 ay "Juche 1", ang kasalukuyang taong 2022 ay "Juche 111", ang susunod na taong 2023 ay magiging "Juche 112", at iba pa.[24]

Kapag ginamit, partikular na sa mga gawang para sa madlang internasyonal, ang mga taong Juche ay madalas na sinasamahan ng Gregoryanong katumbas nito, i.e. "Juche 111, 2022" o "Juche 111" (2022). Sa paggamit ng kalendaryo at mga relasyon ng Hilagang Korea sa mga dayuhang bansa, inihayag ng Ahensyang Pambalitang Sentral ng Korea na "ang Panahong Juche at Panahong Kristiyano ay maaaring gamitin sa mga prinsipyo ng kasarinlan, pagkakapantay-pantay at katumbasan".[25] Ang mga pahayagan, ahensyang pambalita, istasyong panradyo, sasakyang pampubliko, at mga sertipiko ng kapanganakan sa estado ay gumagamit ng mga taong Juche. Ang kalendaryo ay naging isang tanyag na subenir para sa mga turistang bumibisita sa bansa.[26]

Nakalagay sa talahayanan sa ibaba ang mga halimbawa ng paggamit ng mga taong Juche sa konteksto ng mga mahalagang kaganapang nangyari sa Hilagang Korea. Kasama rito ang mga Koreanong tradisyonal (sa taong Dangun) at Gregoryanong katumbas nito:

Taong Juche Taong Gregoryano Taong Dangun Kaganapan sa Hilagang Korea
1 1912 4245 Kapanganakan ni Kim Il-sung
30 1941 4274 Kapanganakan ni Kim Jong-il (Talaang Sobyetiko)
37 1948 4281 Pagkakatatag ng Hilagang Korea
39–42 1950–1953 4283–4286 Digmaang Koreano
72 1983 4316 Kapanganakan ni Kim Jong-un (Talaang Timog Koreano)
83-87 1994-1998 4327-4331 Martsa ng Pagdurusa (Taggutom ng Dekada 1990)
107-108 2017-2018 4350-4351 Krisis 2017-2018

Konseptong Kaugnay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kimilsungismo–Kimjongilismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga litratong opisyal nina Kim Il-sung at Kim Jong-il, ang dalawang pangunahing tagapagtaguyod ng Kimilsungismo–Kimjongilismo. Sa ika-4 na komperensya ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea, idineklara ng partido ang kanyang sarili bilang "ang partido ni Kim Il-sung at Kim Jong-il" at Kimilsungismo–Kimjongilismo bilang "ang tanging ideyang gabay ng partido".

Pormal na ipinakilala ni Kim Jong-il ang Kimilsungismo (Koreano: 김일성주의, MR. Kimilsŏngjuŭi) noong 1974. Iniulat ni Kim Jong-il na umunlad ang mga ideya ng kanyang ama, samakatuwid ay karapat-dapat sila sa kanilang sariling natatanging pangalan. Sinasabing ginawa ito ni Kim Jong-il upang palakasin ang kanyang posisyon sa loob ng partido ng mga manggagawa sa pamamagitan ng paggamit ng kapangyarihan ng kanyang ama. Inilarawan noon ng midyang pampamahalaan ng Hilagang Korea ang mga ideya ni Kim Il-sung bilang "kontemporaryong Marxismo–Leninismo", ngunit sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila bilang "Kimilsungismo", itinaas ni Kim Jong-il ang mga ideya ng kanyang ama sa parehong antas ng prestihiyo sa Stalinismo at Maoismo.[27]:89-90 Kasunod nito ay dinagdag ang salitang "Kimilsungismo" sa leksiko ng Hilagang Korea, at nanawagan si Kim Jong-il para sa "pagbabagong-anyong Kimilsungista" ng lipunang pambansa.[28]:561 Ayon sa analistang pampolitika na si Shin Gi-wook, ang mga ideya ng Juche at Kimilsungismo ay sa esensya'y "mga pagpapahayag ng partikularismo ng Hilagang Korea sa diumano'y mas unibersalistikong Marxismo–Leninismo". Ang bagong terminolohiya ay naging hudyat ng paglipat mula sa sosyalismo tungo sa pagkamakabansa. Naging maliwanag ito sa isang talumpating inihatid ni Kim Jong-il noong 1982 sa mga pagdidiriwang ng ika-70 kaarawan ng kanyang ama, kung saan inihayag niya na ang pag-ibig sa bansa ay nauna bago sa pag-ibig sa sosyalismo. Nagluwal ang partikularismong ito ng mga konsepto gaya ng "Isang Teorya ng Bansang Koreano bilang Numero Uno at Sosyalismo ng Ating Istilo".[27]:90-91

Ayon sa analistang si Lim Jae-cheon, walang makikitang pagkakaiba sa pagitan ng Kimilsungismo at Juche, at ang dalawang termino ay maaaring gamitin ng palitan.[28]:561 Gayunpaman, ipinahayag ni Jong-il sa kanyang talumpati na "Sa Tamang Pag-unawa sa Orihinalidad ng Kimilsungismo" noong 2 Oktubre 1976 na ang Kimilsungismo ay binubuo ng "ideyang Juche at isang malayong umaabot na teoryang manghihimagsik at pamamaraang pampamumuno na umusbong mula sa ideyang ito". Idinagdag pa niya na "Ang Kimilsungismo ay isang ideyang orihinal na hindi maipaliwanag sa loob ng balangkas ng Marxismo–Leninismo. Ang ideyang Juche, na bumubuo sa kabuuran ng Kimilsungismo, ay isang ideyang bagong natuklasan sa kasaysayan ng kaisipang pantao". Pinatuloy ito ni Kim Jong-il sa pagsaad na ang Marxismo–Leninismo ay naging lipas na at kinakailangang palitan ng Kimilsungismo.[29] Ayon sa kanyang talumpati:

Ang teoryang manghihimagsik ng Kimilsungismo ay isang teoryang manghihimagsik na nagbigay ng mga solusyon sa mga problemang umusbong sa praktikang manghihimagsik sa bagong panahong naiiba sa era na nagbunga ng Marxismo–Leninismo. Sa batayan ng ideyang Juche, nagbigay ng malalim na paliwanag ang pinuno sa mga teorya, estratehiya at taktika ng pagpapalayang pambansa, pagpapalayang pang-uri at pagpapalayang pantao sa ating panahon. Kaya, masasabi na ang teoryang manghihimagsik ng Kimilsungismo ay isang perpektong teoryang manghihimagsik ng Komunismo sa era ng Juche. – Kim Jong-il, Sa Tamang Pag-unawa sa Orihinalidad ng Kimilsungismo; Usap sa mga Propagandistang Teoretiko ng Partido, 2 Oktubre Juche 65 (1976)

Kasunod ng pagkamatay ni Kim Jong-il noong 17 Disyembre 2011, ang Kimilsungismo ay naging Kimilsungismo–Kimjongilismo (Koreano: 김일성-김정일주의, MR. Kimilsŏng–Kimjŏngiljuŭi) sa Ika-4 Komperensya ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea noong Abril 2012. Sinabi ng mga kasapi ng partido sa komperensya na ang partido ay "ang partido nina Kim Il-sung at Kim Jong-il" at ang Kimilsungismo–Kimjongilismo ay "ang tanging ideyang gabay ng partido".[30]:45 Pagkatapos nito ay inulat ng Ahensyang Pambalitang Sentral ng Korea na "matagal nang tinawag ng bayang Koreano ang mga ideyang manghihimagsik ng Pangulo(ng) [Kim Il-sung] at Kim Jong-il bilang Kimilsungismo–Kimjongilismo at kinilala ito bilang ideyang gabay [ng bansa]".[31]:109 Isinaad ng noo'y Unang Kalihim ng partido na si Kim Jong-un sa kanyang talumpating pinamagatang "Makinang na Tuparin Natin ang Adhikaing Manghihimagsik ng Juche, Pinaparangalan si Kim Jong Il bilang Walang Hanggang Pangkalahatang Kalihim ng Ating Partido"[32]:

Ang Kimilsungismo–Kimjongilismo ay isang sistemang integral ng ideya, teorya at pamamaraan ng Juche, at isang dakilang ideolohiyang manghihimagsik na kumakatawan ng panahong Juche. Ginagabayan ng Kimilsungismo–Kimjongilismo, dapat tayong magsagawa ng pagtatayo ng Partido at mga aktibidad ng Partido sa paraang mapanatili ang manghihimagsik na karakter ng ating Partido at isulong ang himagsikan at konstruksyon alinsunod sa mga ideya at intensyon ng Pangulo [Kim Il-sung] at ng Heneral [Kim Jong-il].

Ang pagtagos sa buong lipunan ng Kimilsungismo–Kimjongilismo ang programang pinakamataas para sa ating Partido. Ito ay isang pamanang manghihimagsik ng pagtatagos ng buong lipunan ng Kimilsungismo at ang pag-unlad nito sa isang bago, mas mataas na yugto.

Gaya ng kung paano nating itinakda ang pagtatagos sa buong lipunan ng Kimilsungismo bilang programang pinakamataas para sa Partido at gumawa ng mga nakakapagod na pagsisikap upang maisakatuparan ito sa ilalim ng matalinong patnubay ng Heneral, dapat, sa hinaharap, ay gumawa tayo ng mas maraming nakakapagod na pagsisikap upang itagos ang buong lipunan ng Kimilsungismo–Kimjongilismo. – Kim Jong-un, Makinang na Tuparin Natin ang Adhikaing Manghihimagsik ng Juche, Pinaparangalan si Kim Jong Il bilang Walang Hanggang Pangkalahatang Kalihim ng Ating Partido; Usap sa mga Nakakatandang Opisyal ng Komite Sentral ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea, 6 Abril Juche 101 (2012)

Sampung Prinsipyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Dalawang karatula sa itaas ng mga gusaling kalapit ng Tore ng Juche na nagbabasa: "determinadong pagkakaisa" (Koreano: 일심 단결, MR. Ilsim tan'gyŏl)

Unang iminungkahi ang sampung prinsipyo noong 1967 ni Kim Yong-ju, isang nakababatang kapatid ni Kim Il-sung, kasunod ng Insidente ng Paksyong Kapsan na hindi naging matagumpay sa hangaring hamunin ang awtoridad ni Il-sung at ang posisyon ni Yong-ju bilang kanyang kahalili.[33]:48 Bilang karagdagan, umusbong ang sistema sa noong panahon ng mga debateng pampatakarang panloob sa partido ng mga manggagawa at mga hamong panlabas dulot ng Hating Sino-Sobyetiko at Himagsikang Pangkalinangan ng Tsina. Dahil dito, ipinahayag ni Il-sung ang sistema sa publiko sa kanyang talumpating ginanap sa Kataas-taasang Asembleyang Bayan noong 16 Disyembre 1967. Sa tulong ni Hwang Jang-yop ay muling isinulat ang mga prinsipyo para sa paglalathala ni Kim Jong-il nang pinalitan niya si Yong-ju bilang kahaliling tagapagmana ni Il-sung noong Pebrero 1974.[34] Rinebisa ang mga prinsipyo noong taong iyon kung saan naging mas mahaba at higit na pinalawak ang kulto ng personalidad na nakapalibot kay Il-sung. Ipinakilala ito sa publiko noong parehong taon kasama ang Kimilsungismo.[33]:49 Dalawang taon pagkatapos ng pagkamatay ni Jong-il ay sinusog ang mga prinsipyo, kung saan isinadambana ang mga konsepto ng Kimilsungismo–Kimjongilismo, himagsikang Juche at Songun, at pagkakaestadong nukleyar.[35]

Opisyal itong kilala bilang Sampung Prinsipyo para sa Pagtatatag ng isang Sistemang Ideolohikong Monolitiko (Koreano: 당의 유일사상체계확립의 10대 원칙, MR. Tangŭi yuilsasangch'egyehwangnipŭi 10tae wŏnch'ik), kilala rin bilang Sampung Prinsipyo para sa Pagtatatag ng Sistemang Isang-Ideolohiya. Inilalarawan ng mga diksyunaryong Hilagang Koreano ang sampung prinsipyo bilang "Ang sistemang ideolohiko kung saan ang buong partido at bayan ay matatag na armado ng ideolohiyang manghihimagsik ng Dakilang Pinuno at nagkakaisa nang di-hungkag sa kanya, bitbit ang labanang manghihimagsik at labanang pang-konstruksyon sa ilalim ng tanging pamumuno ng Dakilang Pinuno."[36] Kinakailangan ang mga prinsipyong isaulo ng bawat mamamayan, kung saan tinitiyak ng mga ito ang katapatan at pagtalimang ganap kina Kim Il-sung, Kim Jong-il, at Kim Jong-un.[37] Mahalaga ang mga ito sa buhay pampolitika at pang-araw-araw ng mga tao at dapat gamitin sa pamamagitan ng mga pang-araw-araw na sesyong pagpunang pansarili sa mga lugar tulad ng kanilang trabaho at paaralan.[38] Madalas silang ikinukumpara sa Sampung Utos dahil sa kanilang katulad na papel sa paghubog ng buhay pang-araw-araw ng mga tao at ang wikang kanilang binubunga. Dinadagdagan pa ito ng pinaghihinalaang hinubog ang mga ito ng nakaraang Kristiyano nina Kim Yong-ju at Kim Il-sung.[33]:48 Sa kalaunan ay de factong pinalitan nito ang Saligang Batas ng Hilagang Korea at mga edikto ng partido, at sa pagsasagawa'y naglilingkod bilang pinakamataas na pambansang batas.[39] Isa ito sa mga pangunahing bumubuo ng pundasyon ng kulto ng personalidad ng dinastiyang Kim.[40]

Listahang 1974 Listahang 2013
1. Dapat nating ibigay ang lahat sa pakikibaka upang ipag-isa ang buong lipunan sa ideolohiyang manghihimagsik ng Dakilang Pinunong Kim Il-sung.
2. Dapat nating parangalan ang Dakilang Pinunong kasamang Kim Il-sung nang may buong katapatan natin.
3. Dapat nating gawing ganap ang awtoridad ng kasamang Dakilang Pinunong kasamang Kim Il-sung.
4. Dapat nating gawin na ating pananampalataya ang ideolohiyang manghihimagsik ng Dakilang Pinunong kasamang Kim Il-sung at gawing ating kredo ang kanyang mga tagubilin.
5. Dapat tayong mahigpit na manindig sa prinsipyo ng pagtalimang walang kondisyon sa pagsasagawa ng mga tagubilin ng Dakilang Pinunong kasamang Kim Il-sung.
6. Dapat nating palakasin ang ideolohiya at lakas ng loob at pagkakaisang manghihimagsik ng buong partido, na nakasentro sa Dakilang Pinunong kasamang Kim Il-sung.
7. Dapat tayong matuto mula sa Dakilang Pinunong kasamang Kim Il-sung at gamitin ang hitsurang komunista, paraang pantrabahong manghihimagsik at istilong pantrabahong nakatuon sa bayan.
8. Dapat nating pahalagahan ang buhay pampolitika na ibinigay sa atin ng Dakilang Pinunong kasamang Kim Il-sung, at tapat na suklian ang kanyang malaking pagtitiwala at pagkamaaalahaning pampolitika nang may pampolitikang kamalayang at kasanayang mas mataas.
9. Dapat tayong magtatag ng mga matibay na regulasyong pang-organisasyon upang ang buong partido, bansa at militar ay kumilos bilang isa sa ilalim ng isa at nag-iisang pamumuno ng Dakilang Pinunong kasamang Kim Il-sung.
10. Dapat nating ipasa ang dakilang tagumpay ng himagsikan ng Dakilang Pinunong kasamang Kim Il-sung mula salinlahi hanggang salinlahi, na minamana at kinokompleto ito hanggang sa wakas.
1. Dapat nating ibigay ang lahat sa pakikibaka upang ipag-isa ang buong lipunan sa Kimilsungismo at Kimjongilismo.
2. Dapat nating parangalan ang mga dakilang Kasamang Kim Il-sung at Kim Jong-il bilang mga pinunong walang hanggan ng ating Partido at bayan at bilang Araw ng Juche.
3. Dapat nating gawing ganap at desperadong ipagtanggol ang awtoridad ng mga dakilang Kasamang Kim Il-sung at Kim Jong-il at ang awtoridad ng Partido.
4. Dapat tayong lubusang armado ng mga ideyang manghihimagsik ng mga dakilang Kasamang Kim Il-sung at Kim Jong-il at ang mga linya at patakaran ng Partido na siyang pagsasakatuparan ng mga ideyang ito.
5. Dapat tayong mahigpit na sumunod sa prinsipyo ng pagtalimang walang kondisyon sa pagtupad sa mga tagubiling ipinasa ng mga dakilang Kasamang Kim Il-sung at Kim Jong-il at sa mga linya at patakaran ng Partido.
6. Dapat nating palakasin sa lahat ng paraang posible ang ideolohiya, paghahangad, at pagkakaisang manghihimagsik ng buong Partido, na nakasentro sa Pinuno.
7. Dapat tayong matuto mula sa mga dakilang Kasamang Kim Il-sung at Kim Jong-il at tanggapin ang marangal na presensyang moral at pangkaisipan, paraang pantrabahong manghihimagsik at istilong pantrabahong nakatuon sa bayan.
8. Dapat nating pahalagahan ang buhay pampolitika na ibinigay sa atin ng Partido at ng Pinuno at tapat na suklian ang tiwala at pagkamaalalahanin ng Partido nang may mas mataas na kamalayang pampolitika at trabahong pagganap.
9. Dapat tayong magtatag ng mga matibay na regulasyong pang-organisasyon upang ang buong partido, bansa at militar ay kumilos bilang isa sa ilalim ng isa at nag-iisang pamumuno ng Partido.
10. Dapat nating ipasa ang dakilang tagumpay ng himagsikang Juche at ang himagsikang Songun, na pinasimunuan ng dakilang Kasamang Kim Il-sung at pinamunuan nina Kasamang Kim Il-sung at Kim Jong-il, mula salinlahi hanggang salinlahi, na minamana at kinokompleto ito hanggang sa wakas.

Sosyalismo ng Ating Istilo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Bantayog sa Pundasyon ng Partido sa Pyongyang, Hilagang Korea. Ang martilyo, karit, at pang-kaligrapiyang pinsel ay minsa'y ginamit bilang sagisag ng Juche.

Ang Sosyalismo ng Ating Istilo, tinatawag din bilang Koreanong-istilong sosyalismo at ating-istilong sosyalismo sa loob ng Hilagang Korea, ay isang konseptong ideolohiko na ipinakilala ni Kim Jong-il noong 27 Disyembre 1990 sa talumpating "Ang Sosyalismo ng Ating Bayan ay isang Sosyalismo ng Ating Istilo na Kinakatawan ng Ideyang Juche". Sa konteksto ng pagtatapos ng mga Himagsikan ng 1989 na nagpabagsak sa mga bansang komunista sa Silangang Bloke, tahasang sinabi ni Kim na nakaligtas lamang ang Hilagang Korea at patuloy nitong kinakailangan ang Sosyalismo ng Ating Istilo. Nagtalo siya na nabigo ang sosyalismo sa Silangang Europa dahil "ginaya nila ang karanasan ng mga Sobyetiko sa paraang mekaniko". Ayon kay Kim, nabigo silang maunawaan na ang karanasan ng mga Sobyetiko ay batay sa mga tiyak na pangyayaring makasaysayan at panlipunan at hindi magagamit ng ibang bansa maliban sa Unyong Sobyetiko mismo. Idinagdag niya na "kung ang karanasan ay itinuturing na ganap at tinatanggap sa paraang dogmatiko, imposibleng maitayo nang maayos ang sosyalismo, dahil nagbabago ang panahon at ang sitwasyong tiyak ng bawat bansa ay naiiba sa iba". Hindi makakaharap ang Hilagang Korea ng gayong mga paghihirap dahil sa paglilihi ng Juche. Ayon sa kanya, ang Hilagang Korea ay "isang atrasado, kolonyal at malapyudal na lipunan" nang ito'y natuklasan ng mga komunista, ngunit dahil hindi tinanggap ng mga komunistang Hilagang Koreano ang Marxismo na batay sa mga karanasan sa Europa ng kapitalismo, o Leninismo na batay sa karanasan ng Rusya, sila ay naglihi ng Juche. Naniniwala siya na ang sitwasyon sa Hilagang Korea ay mas kumplikado dahil sa kalapit na presensya ng mga Amerikano sa Timog Korea. Nangatuwiran si Kim na ang himagsikan ay "naglagay ng mga linya at patakarang orihinal na angkop sa ating mga adhikaing bayan at sa sitwasyong partikular ng ating bayan". Diniin ni Kim na "Ang ideyang Juche ay isang teoryang manghihimagsik na sumasakop sa pinakamataas na yugto ng pag-unlad ng ideolohiyang manghihimagsik ng uring manggagawa" at ang pagka-orihinal at higit na kahusayan ng ideyang Juche ang tumukoy at pumalakas ng sosyalismong Koreano.[27]:91-92 Pinaliwanag ni Kim ang "dogmatikong aplikasyon" ng Marxismo–Leninismo habang binigyang-diin ang halaga ng Juche sa konstruksyong sosyalista sa kanyang talumpati noong 1990[41]:

Naglahad ang Marxismo–Leninismo ng isang serye ng mga opinyon sa pagbuo ng sosyalismo at komunismo, ngunit kinulong nito ang sarili sa pagpapalagay at ipotesis dahil sa mga limitasyon ng mga kondisyon ng kanilang panahon at karanasang praktikal. Dahil pangunahing tiningnan nito ang panlipunang pag-unlad bilang kasaysayan ng pagbabago sa moda ng produksyon, nagpapatuloy mula sa mga prinsipyo ng isang materyalistikong paglilihi ng kasaysayan, ang Marxismo–Leninismo ay hindi makakapagbigay ng tamang sagot sa tanong ng patuloy na himagsikan pagkatapos ng pagtatatag ng isang sistemang sosyalista. Ngunit maraming bayan ang naglapat ng mga prinsipyo ng Marxista-Leninistang materyalistikong paglilihi ng kasaysayan nang dogmatiko, nabigong patuloy na isulong ang himagsikan pagkatapos na maitatag ang sistemang sosyalista, at sa pag-usbong ng modernong rebisyonismo, umabot sila sa maniobrang kontra-manghihimagsik at gumawa ng gulo sa mga manghihimagsik na tagumpay na natamo na. Ang ideyang Juche ay nagbigay ng makaagham na paglilinaw sa unang pagkakataon na pagkatapos ng pagtatatag ng sistemang sosyalista ay dapat ipagpatuloy ang himagsikan upang alisin ang mga labi ng lumang lipunan sa mga larangan ng ideolohiya, teknolohiya at kalinangan upang makamit ang ganap na tagumpay ng sosyalismo. Malalampasan nito ang transisyonal na karakter ng lipunang sosyalista minsan at magpakailanman at hahantong sa mas mataas na yugto ng komunismo. – Kim Jong-il, Ang Sosyalismo ng Ating Bayan ay isang Sosyalismo ng Ating Istilo na Kinakatawan ng Ideyang Juche; Talumpating Inihatid sa mga Nakakatandang Opisyal ng Komite Sentral ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea, 27 Disyembre Juche 79 (1990)

Inihayag niya na ang Sosyalismo ng Ating Istilo ay "isang sosyalismong nakasentro sa tao", na tahasang huminto sa saligan ng pundamental na kaisipang Marxista-Leninista, na nangangatuwiran na ang mga puwersang materyal ang nagtutulak na puwersa ng pag-unlad ng kasaysayan, hindi ang mga tao. Ang Sosyalismo ng Ating Istilo ay ipinakita ni Kim sa kanyang talumpati bilang isang organikong teoryang sosyopolitiko, gamit ang wika ng Marxismo–Leninismo at pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pinuno, na nagsasabing:[27]:92-93

Ang kapangyarihang pampolitika at ideolohiko ng motibong puwersa ng himagsikan ay walang iba kundi ang kapangyarihan ng iisang pusong pagkakaisa sa pagitan ng pinuno, ng Partido at ng masa. Sa ating lipunang sosyalista, ang pinuno, ang Partido at ang masa ay nagkakaisa sa isa't-isa, na bumubuo ng isang organismong sosyopolitiko. Ang konsolidasyon ng mga ugnayang dugo sa pagitan ng pinuno, ng Partido at ng masa ay ginagarantiyahan ng iisang ideolohiya at pinag-isang pamumuno. Sa loob ng organismong sosyopolitiko ang ideolohiyang monolitiko ay naisasakatuparan batay sa ideya ng pinuno, at ang pinag-isang pamumuno ay tinitiyak ng patnubay ng pinuno. – Kim Jong-il, Ang Sosyalismo ng Ating Bayan ay isang Sosyalismo ng Ating Istilo na Kinakatawan ng Ideyang Juche

Sa usapan ng pagkamakabansa, isinaad ni Kim Jong-il na umusbong ito bilang isang konseptong progresibo sa pakikibakang antipyudal kung saan ang masang popular ay sumang-ayon sa burgesyang umuusbong sa ilalim ng mga karaniwang mithiin. Gayunpaman, nagbala siya na pagkatapos ng tagumpay ng himagsikang burges sa konsolidasyon ng kapitalismo at ang ang burgesya ay naging isang reaksyonaryong naghaharing uri, ang pagkamakabansa ay nagiging "isang instrumentong ideolohiko para sa pagsasakatuparan ng dominasyon nito, ito ay itinagurian bilang isang doktrinang burges, hiwalay sa pambansang interes". Sa parehong pagkakataon pinuna ni Kim Jong-il ang kilusang sosyalista sa pagbibigay-priyoridad sa internasyonalismo habang pinababayaan ang pambansang aspeto nito. Sa konteksto na ito inihayag niya sa kanyang gawang pinamagatang "Sa Pagkakaroon ng Tamang Pag-unawa ng Pagkamakabansa"[42]:

Ang pagkamakabansa ay hindi sumasalungat sa internasyonalismo. Ang damayang tulong, suporta at alyansa sa pagitan ng mga bayan at bansa – ito ay internasyonalismo. Ang bawat bayan ay may mga hangganan, at bawat ang bansa ay may sariling pagkakakilanlan, at ang himagsikan at konstruksyon ay ipinagpapatuloy ng bayan at bansa bilang isang yunit. Para sa dahilang ito, hinahanap ng internasyonalismo ang mga ekspresyon nito sa relasyon sa pagitan ng mga bayan at bansa, isang unang kinakailangan para sa pagkamakabansa. Nakipaghiwalay ang internasyonalismo mula sa mga konsepto ng bansa at pagkamakabansa ay isang kabibing walang laman lamang. Ang taong walang pakialam sa kapalaran ng kanyang bayan at bansa ay hindi maaaring maging tapat sa internasyonalismo. Dapat maging tapat ang mga manghihimagsik ng bawat bansa sa internasyunalismo sa pamamagitan ng pakikibaka, una sa lahat, para sa kaunlaran ng kanilang sariling bayan at bansa. – Kim Jong-il, Sa Pagkakaroon ng Tamang Pag-unawa ng Pagkamakabansa; Usap sa mga Nakakatandang Opisyal ng Komite Sentral ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea, 26 at 28 Pebrero Juche 91 (2002)

Dakilang Pinuno at Masa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang pampropagandang poster sa Hilagang Korea na pinaparangalan si Kim Il-sung bilang isang araw na gumagabay sa mga kasapi ng uring manggagawa, intelihentsiya, at hukbo, kolektibong kilala na masa. Si Kim Il-sung ay itinatagurian at iginagalang bilang "Dakilang Pinuno", isang konseptong bahagi sa Juche. Isa sa mga titulong ibinigay sa kanya ng pang-estadong propaganda ay "Araw ng Sangkatauhan", samakatuwid pinapaliwanag ang paglalarawan sa kanya sa poster.

Hindi tulad ng dinastiyang Joseon kung saan nagkaroon ng malaking agwat sa pagitan ng uring mataas at mababa, pinagtibay ng Hilagang Korea ang konsepto ng isang nagtitipon-samang "bayan". Sa halip na isang mahigpit na herarkiya sa lipunan, hinati ng Hilagang Korea ang bansa sa tatlong klase – ang mga manggagawang industriyal, mga magbubukid, at ang samuwon (Koreano: 사무원) – kung saan ang bawat isa ay kasinghalaga ng iba. Ang uring samuwon ay binubuo ng intelihentsiya at petiburgesya, tulad ng mga klerk, maliliit na mangangalakal, burukrata, dalubguro, at manunulat. Ang klase na ito ay natatangi sa analisis ng uri sa Hilagang Korea at nilikha upang mapataas ang edukasyon at literasiya sa populasyon ng bansa. Naniniwala ang mga Hilagang Koreano sa industriyalisasyong mabilis sa pamamagitan ng paggawa at sa pagpapailalim sa kalikasan sa kaloobang pantao. Sa pamamagitan ng muling pagsasaayos ng mga uri sa lipunan sa isang masa ng mga tao na lahat ay teoretikong pantay-pantay, inihayag ng pamahalaan ng Hilagang Korea na makakamit nito ang pag-asang pansarili sa mga darating na taon. Gayunpaman, ang pahayag na ito ay kinuwestiyon ng mga dayuhang tagamasid dahil ang bansa ay dumaranas ng napakalaking kakulangan sa pagkain taun-taon at labis na umaasa sa dayuhang tulong.[43]:404-405

Karaniwan na ang mga magsasaka at manggagawa lamang ang pinapahalagahan ng mga estadong Marxista–Leninista, kaya sa Unyong Sobyetiko ang mga intelihentsiya ay hindi tinukoy bilang isang malayang uri sa sarili nito, bagkus bilang isang "estratong panlipunan" na kumuha ng kanyang sarili mula sa mga kasapi ng halos lahat ng uri: proletaryado, petiburgesya, at burgesya. Gayunpaman, hindi kailanman binanggit ang isang "intelihentsiyang magbubukid". Kaugnay nito, ang "intelihentsiyang proletaryo" ay itinaas dahil sa paglabas ng mga progresibong dalub-agham at teoretikong komunista samantalang ang "intelihentsiyang burges" ay hinatulan sa paggawa ng "ideolohiyang burges", na pawang mga di-Marxista–Leninistang pananaw sa mundo. Ang mga reporma sa wika ay sumunod sa mga himagsikan nang higit sa isang beses, tulad ng Bagong Ortograpiyang Koreano sa Hilagang Korea (na nabigo dahil sa mga etnikong makabansang Koreanong takot na hadlangan ang muling pag-iisa ng Korea), at ang pagpapapayak ng mga Tsinong karakter na Tsino sa ilalim ni Mao Zedong (isang kinahinatnan ng mga magkakaibang pagpipiliang ortograpiko ng Taywan at Tsina), o ang pagpapapayak ng wikang Ruso pagkatapos ng Himagsikang Ruso ng 1917, at ang kampanya ng pakikibaka laban sa iliterasiya, na nakilala sa Sobyetikong Rusya bilang Likbez (Ruso: ликвида́ция безгра́мотности, tr. Likvidaciya Bezgramotnosti; "likidasyon ng iliterasiya").[43]

Rebulto nina Dakilang Pinunong Kim Il-sung (kaliwa) at Mahal na Pinunong Kim Jong-il (kanan) sa Wonsan, Lalawigan ng Kangwon, Hilagang Korea. Isinadambana sila sa Saligang Batas ng Hilagang Korea bilang mga "walang hanggang pinuno ng Juche Korea".

Hindi tulad ng Marxismo–Leninismo na isinasaalang-alang ang mga pag-unlad sa mga kondisyong materyal ng produksyon at pagpapalitan bilang puwersang nagtutulak ng makasaysayang pag-unlad (kilala sa diskursong komunista bilang materyalismong makasaysayan), itinuturing ni Juche na ang mga tao sa pangkalahatan bilang puwersang nagtutulak sa kasaysayan. Ginigiit ng pamahalaang Hilagang Koreano na ang Juche ay "ideolohiyang nakasentro sa tao" na nagpapalagay na ang "tao'y maestro ng lahat at nagpapasya sa lahat". Sa kaibhan ng Marxismo–Leninismo kung saan ang mga pasyang bayan ay nakakondisyon sa kanilang kaugnayan sa mga moda ng produksyon, ang Juche ay nangangatwiran na ang mga pasyang bayan ay sumasaalang ngunit malaya mula sa mga panlabas na salik. Binubuod ito na "ang masang popular ay inilalagay sa gitna ng lahat, at ang pinuno'y sentro ng masa". Katulad ng Marxismo–Leninismo, naniniwala ang Juche na ang kasaysayan ay pinamamahalaan ng batas, ngunit ang tao lamang ang nagtutulak ng pag-unlad, na nagsasabi na "ang masang popular ay ang konduktor ng kasaysayan". Gayunpaman, para maging matagumpay ang masa, kailangan nila ng "Dakilang Pinuno". Nangangatwiran ang Marxismo–Leninismo na ang masang popular ay mamumuno batay sa kanilang kaugnayan sa produksyon, ngunit sa Juche ang papel ng isang Dakilang Pinuno ay mahalaga para sa pamumuno. Ginagawa nito ang Dakilang Pinuno sa isang absolutista't kataas-taasang pinuno. Ang uring manggagawa ay hindi mag-isip para sa kanilang sarili, ngunit sa halip ay mag-iisip sa pamamagitan ng Dakilang Pinuno. Ang Dakilang Pinuno ay ang maglilingkod bilang "punong utak" ng uring manggagawa, na nangangahulugan na siya lamang ang magiging kinatawang lehitimo ng uring manggagawa. Ang pakikibaka ng uri ay maisasakatuparan lamang sa pamamagitan ng Dakilang Pinuno at ang mga gawaing mahihirap sa pangkalahatan at mga pagbabagong manghihimagsik sa partikular ay maipapakilala lamang ng at sa pamamagitan ng Dakilang Pinuno. Sa makasaysayang pag-unlad, ang Dakilang Pinuno ang siyang puwersang namumuno ng uring manggagawa. Ang Dakilang Pinuno ay itinuturing bilang taong di-nasisira, walang kapintasan, at kailanma'y hindi nagkakamali, na laging mabait at namumuno para sa masa. Para gumana ang sistema ng Dakilang Pinuno, isang unitaryong sistemang ideolohiko ay kailangang itatag; ang Sampung Prinsipyo para sa Pagtatatag ng isang Sistemang Ideolohikong Monolitko ay ipinakilala ni Kim Jong-il para sa layuning ito.[44]:4-9

Hilagang Korea

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Kim Il-sung na nagbabati kay Rumanong pangulong Nicolae Ceaușescu sa kanyang pagbisita sa Pyongyang noong 1971. Naging malakas ang relasyong diplomatiko ng Hilagang Korea at Rumanya hanggang sa pagbagsak ni Ceaușescu noong Himagsikang Rumano ng 1989.

Sa larangan ng diplomasya, pinanatili ng Hilagang Korea ang mga ugnayan nito sa Unyong Sobyetiko at Tsina noong Digmaang Malamig, na umusbong mula sa pananakop ng mga Sobyetiko pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pakipaglaban kasama ng mga komunistang Tsino noong Digmaang Koreano. Gayunpaman, tinutulan din ng mga Hilagang Koreano ang itinuturing nitong pagtatangka ng mga Sobyetiko at Tsino na makialam sa mga gawain nito pagkatapos ng digmaan.[45] Isang halimbawa nito ay ang Insidente ng Paksyong Kapsan na humantong sa pagpurga ng parehong elementong maka-Sobyetiko at maka-Tsino sa Partido ng mga Manggagawa ng Korea.[46]:45 Bagama't tinanggihan ng Hilagang Korea ang mga pagsisikap na deseStalinisasyon ng pinunong Sobyetiko na si Nikita Khrushchev, iniwasan nitong pumanig sa panahon ng Hating Sino-Sobyetiko.[47]:9 Tinanggap ang Hilagang Korea sa Kilusang Di-Nakahanay noong 1975 at mula noon ay ipinakita ang sarili nito bilang isang pinuno ng Ikatlong Mundo sa pagtataguyod ng Juche bilang isang modelo para sundin ng mga bansang umuunlad.[48]:1 Habang ang mga estadong komunista sa Silangang Bloke ay bumagsak at nagpasimula ng mga reporma sa pamilihan, lalong nagbigay-diin ang Hilagang Korea sa Juche sa parehong teorya at praktika.[5]:159-160 Kahit na sa gitna ng mga krisis sa ekonomiya at politika, patuloy na binibigyang-diin ng Hilagang Korea ang kasarinlan nito. Dahil dito, itinuturing ang kaligtasang pambansa bilang isang gabay na prinsipyo sa diskarteng diplomatiko ng Hilagang Korea.[49]:434, 471-472

Pasukan ng Komplehong Pebrero 8 ng Pabrikang Pang-vinalon sa Hungnam, Hamhung, Hilagang Korea.

Sa usapan ng ekonomiya, matapos ang Digmaang Koreano ay sinimulan ang muling pagtayo ng ekonomiya ng Hilagang Korea na may base sa industriyang mabigat, na may layuning maging sapat sa sarili hangga't maaari. Bilang resulta, binuo ng Hilagang Korea ang tinatawag na "pinakaawtartikong ekonomiyang pang-industriya sa mundo".[5]:160 Nakatanggap ang Hilagang Korea ng maraming pang-ekonomiya at teknikong tulong mula sa Unyong Sobyetiko at Tsina, ngunit hindi ito sumali sa COMECON, ang komunistang pamilihang karaniwan. Noong dekada 1990, nagkaroon ito ng isa sa pinakamababang tasa sa mundo para sa pag-asa sa petrolyo, gamit ang enerhiyang hidroelektriko at karbon sa halip na importadong langis.[50]:420, 426 Ang industriya ng hibla nito'y gumagamit ng vinalon, na kilala sa bansa bilang "hiblang Juche", na naimbento ng isang Koreano at gawa sa lokal na magagamit na karbon at apog.[51]:134-135 Ang kasaysayan ng pag-unlad ng vinalon ay madalas na itinatampok sa propaganda upang ihikayat ang mga birtud ng teknolohikong na pag-asang pansarili.[5]:160 Ang unang domestikong yaring-bahay na makinang KNK ay ipinakilala noong 1995 at noong 2017 mayroon itong naitalang humigit-kumulang 15,000 makina.[52] Madalas na itinuturo ng mga komentarista ang pagkakaiba sa pagitan ng prinsipyo ng kasapatang pansarili ng Hilagang Korea sa dayuhang tulong, lalo na sa panahon ng taggutom noong dekada 1990, na opisyal na tinatawag ng estado na "Martsa ng Pagdurusa".[51]:138 Ang pagtugis sa ekonomikong awtarkiya ay sinisisi sa pag-aambag sa krisis.[53]:147–152 Sa pananaw na ito, ang mga pagtatangka sa kasapatang pansarili ay humantong sa kawalang-kahusayan at pagpapabaya sa mga pagkakataon sa pagluwas sa mga industriya kung saan nagkaroon ito ng kalamangang komparatibo.[49]:367

Mga sandatahang tauhan ng Hukbong Bayan ng Korea sa isang pang-estadong paradang militar.

Sa aspeto ng pagtatanggol, sumusunod ang Hilagang Korea sa patakarang Songun (Koreano: 선군정치; literal na "politikang una-militar"), na unang binanggit noong 7 Abril 1997 sa Rodong Sinmun sa ilalim ng titulong "Mayroon ng Tagumpay para sa Sosyalismo sa mga Sandata at Bomba ng Hukbong Bayan". Kinekredito ito kay Kim Jong-il, at inilalarawan ito bilang "ang pilosopiyang panghimagsikan upang pangalagaan ang ating sariling istilo ng sosyalismo sa anumang pagkakataon". Sa isang magkasanib na editoryal noong 16 Hunyo 1998 na pinamagatang "Ang Politikang Una-Militar ng Ating Partido ay Hindi Maiiwasang Makamit ang Tagumpay at Kailanma'y Hindi Matatalo" ng Kulloja (ang rebistang teoretiko ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea) at Rodong Sinmun, nakasaad na ang ibig sabihin ng Songun ay "ang pamamaraan ng pamumuno sa ilalim ng prinsipyo ng pagbibigay-priyoridad sa militar at pagresolba sa mga suliraning maaaring mangyari sa kurso ng himagsikan at konstruksyon gayundin ang pagtatatag ng militar bilang pangunahing katawan ng himagsikan sa kurso ng pagkamit ng mga kabuuang tungkulin ng sosyalismo". Bagama't malinaw na tinukoy ng artikulo ang "aming Partido", hindi nito tunay na tinukoy ang partido kundi partikular na ang pamumuno ni Kim Jong-il. Sinusog ang Saligang Batas ng Hilagang Korea noong 5 Setyembre 1998 at itinalaga ang Komisyon ng Tanggulang Pambansa, ang pinakamataas na katawang pangmilitar, bilang pinakamataas na institusyon ng estado. Ang petsang ito ay itinuturing bilang simula ng panahong Songun.[54]:63-64 Patuloy na aplikado ang patakarang Songun sa Hilagang Korea. Sa kasalukuyan, ang Hukbong Bayan ng Korea ay nagraranggo bilang ikaapat na pinakamalaking hukbo sa mundo at nakabuo nang sarili nitong mga misil nukleyar.[55]:5 Gumagawa ito ng gasolinang dimetilhidrazina asimetrika para sa mga misil na pinapagana ng likido at mga motor ng Tumansky RD-9 Turboreaktor, na nagpapagana sa Mikoyan-Gurevich MiG-19 at Shenyang J-6.[56][57] Ang mga makinang KNK ay ginagamit para sa paggawa ng mga misil at sentripugo.[52] Ang propaganda ng Hilagang Korea mula noong Digmaang Koreano ay inihahambing ang awtonomiyang militar nito sa pagkakaroon ng mga pwersa ng EU sa Timog Korea.[5]:160

Pandaigdigang Saklaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga plakang papuri ng Juche mula sa mga dayuhang delegado na nakalagay sa pasukang panloob ng Tore ng Juche.

Naniwala si Kim Il-sung na ang mga prinsipyo ng Juche ay hindi limitado sa Korea at maaaring gamitin sa buong mundo.[50]:404 Ang Hilagang Korea ay nag-organisa ng mga internasyonal na pantas-aral sa Juche mula noong 1976. Ang Internasyonal na Makaagham na Pantas-Aral sa Ideyang Juche ay naganap sa Antananarivo mula 28 hanggang 30 Setyembre 1976 sa ilalim ng pagpopondo ng Republikang Demokratiko ng Madagaskar. Dumalo ang mga kilalang pampartido at pampamahalaang opisyal, pigurang pampubliko, kinatawan ng mga organisasyong progresibo at manghihimagsik, dalub-agham, at mamamahayag mula sa mahigit limampung bansa. Ang noo'y pangulo ng Madagaskar na si Didier Ratsiraka ay nagpahayag ng matinding pakikiramay at suporta para sa Hilagang Korea. Ang isang sipi mula sa kanyang talumpating pambungad ay nagsasabi:[58]:

Anuman ang pwersa ng oposisyon, ang determinasyon ng sambayanan at ang kanilang lakas at pananalig ay hindi nasusukat sa mga dimensyong teritoryal, pagkakaroon ng teknolohiyang maunlad, mas mababa pa rin, kasaganaan o kayamanan. Para sa mga gustong kalimutan ang aral ng kasaysayan nang napakadali at napakabilis, ang Arhelya, Biyetnam, Guinea-Bisau, Mosambike, Angola – at mas malapit sa atin – ang Simbabwe, Namibya, at Asaniya ay mga halimbawang mahusay kung saan sila ay malalim na nagninilay-nilay. Ang gusto natin ay hindi ang pagiging perpekto ng kasarinlang pampolitika lamang. Ang mga masasamang puwersa ay tusong minamanipula ang mga pinggang pang-ekonomiya upang ipagpatuloy ang kanilang kataas-taasang kapangyarihan at gawin tayong mga basalyo at walang hanggang mendikante.

Itinatag ng Hilagang Korea ang Suriang Internasyonal ng Ideyang Juche (orihinal na Sentrong Internasyonal sa Pananaliksik ng Juche) sa Tokyo noong 1978 upang pangasiwaan ang mga aktibidad ng mga grupong internasyonal sa pag-aaral ng Juche.[51]:107-108 Ang mga plaka ng parangal mula sa mga grupong ito'y nakapaloob sa Tore ng Juche sa Pyongyang.[59]:73-74 Sa huling bahagi ng dekada 1960 at unang bahagi ng dekada 1970 ay pinag-aralan ng Partido Panterang Itim ng Estados Unidos ang Juche.[60] Noong 2016 ay idineklara ng Partido ng mga Manggagawa at Magsasaka ng Nepal ang Juche bilang ideolohiyang gabay nito.[61]

Pagsusuri at Kritisismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Myers, Brian Reynolds (2015). North Korea's Juche Myth. Busan: Sthele Press. ISBN 978-1-5087-9993-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Myers, B. R. (2008). "Ideology as Smokescreen: North Korea's Juche Thought". Acta Koreana. 11 (3): 161–182. ISSN 2733-5348.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Jung, Hyang Jin (2013). "Jucheism as an Apotheosis of the Family: The Case of the Arirang Festival". Journal of Korean Religions, North Korea and Religion. 4 (2).{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lankov, Andrei (2014). The Real North Korea: Life and Politics in the Failed Stalinist Utopia. Oxford: Oxford University Press. ISBN 9780199390038.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 Robinson, Michael E (2007). Korea's Twentieth-Century Odyssey. Honolulu: University of Hawaii Press. ISBN 978-0-8248-3174-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lone, Stewart; McCormack, Gavan (1993). Korea since 1850. Melbourne: Longman Cheshire. ISBN 0312096852.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Juche Idea: Answers to Hundred Questions. Pyongyang: Foreign Languages Publishing House. 2014.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Journal of Asiatic Studies. Asiatic Research Institute, Korea University. 13 (3–4). 1970.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: untitled periodical (link)
  9. 9.0 9.1 —— (1981). Korean Communism, 1945–1980: A Reference Guide to the Political System. Honolulu: The University Press of Hawaii. ISBN 978-0-8248-0740-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Lankov, Andrei (27 Nobyembre 2007). "Juche: Idea for All Times". The Korea Times. Another Korea. Blg. 246. Nakuha noong 24 Oktubre 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Lee, Peter H.; Ch'oe, Yongho; de Bary, William Theodore (14 Pebrero 2001). Sources of Korean Tradition, Volume 2: from the Sixteenth to the Twentieth Centuries (sa wikang Ingles). Columbia University Press. ISBN 978-0-231-51800-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. —— (2007). North Korea: The Paranoid Peninsula – A Modern History (ika-2nd (na) edisyon). New York: Zed Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Becker, Jasper (2005). Rogue Regime: Kim Jong Il and the Looming Threat of North Korea. New York City: Oxford University Press. ISBN 978-0-19-517044-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Kwak, Tae-Hwan (2009). North Korea's Foreign Policy Under Kim Jong Il: New Perspectives. Ashgate Publishing. ISBN 978-0754677390.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 15.2 15.3 Kim, Jong-il (1982). On the Juche Idea (sa wikang Ingles). Pyongyang: Foreign Languages Publishing House.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. https://oregondigital.org/downloads/oregondigital:df72d283j
  17. https://kkfonline.com/wp-content/uploads/2021/02/Let-Us-Embody-The-Revolutionary-Spirit-Of-Independence-Self-Sustenance-And-Self-Defence-More-Thoroughly-In-All-Branches-Of-State-Activity.pdf
  18. 18.0 18.1 Lee, Grace (2003). "The Political Philosophy of Juche" (PDF). Stanford Journal of East Asian Affairs. 3 (1): 105–111.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. http://www.koreatimes.co.kr/www/nation/2021/01/113_74289.html
  20. https://www.nytimes.com/1997/03/19/world/to-outsiders-who-have-met-him-the-thinking-man-s-communist-ideologist.html
  21. https://www.voanews.com/archive/north-korean-defector-tells-his-story-washington-2003-11-13
  22. Lee, Hy-Sang (2001). North Korea: A Strange Socialist Fortress (sa wikang Ingles). Westport, Connecticut: Greenwood Publishing Group. ISBN 978-0-275-96917-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Andrew Logie (17 Setyembre 2012). The Answers: North Korea: How do you solve a problem like North Korea?. Marshall Cavendish International Asia Pte Ltd. p. 57. ISBN 978-981-4398-90-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Martin K. Dimitrov (31 Hulyo 2013). Why Communism Did Not Collapse: Understanding Authoritarian Regime Resilience in Asia and Europe. Cambridge University Press. p. 104. ISBN 978-1-107-03553-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Rules on use of Juche Era adopted". Korean Central News Agency (sa wikang Ingles). 25 Agosto 1997. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Marso 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 北朝鮮で高コスパ土産として人気のカレンダー3種類を徹底解析. Korea World Times (sa wikang Hapones). 31 Marso 2019. Nakuha noong 12 Hulyo 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. 27.0 27.1 27.2 27.3 Shin, Gi-wook (2006). Ethnic Nationalism in Korea: Genealogy, Politics, and Legacy. Stanford University Press. ISBN 9780804754088.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. 28.0 28.1 Lim, Jae-cheon (Mayo–Hunyo 2012). "North Korea's Hereditary Succession Comparing Two Key Transitions in the DPRK". Asian Survey. 52 (3): 550–70. doi:10.1525/as.2012.52.3.550. JSTOR 10.1525/as.2012.52.3.550.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. https://marxistnkrumaistforum.files.wordpress.com/2015/05/on-correctly-understanding-the-originality-of-kimilsungism.pdf
  30. Rüdiger, Frank (2013). North Korea in 2012: Domestic Politics, the Economy and Social Issues. Brill Publishers. pp. 41–72. ISBN 9789004262973. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Oktubre 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Alton, David; Chidley, Rob (2013). Building Bridges: Is There Hope for North Korea?. Lion Books. ISBN 9780745955988.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. kfonline.com/wp-content/uploads/2020/05/Let-Us-Brilliantly-Accomplish-The-Revolutionary-Cause-Of-Juche-Holding-Kim-Jong-Il-In-High-Esteem-As-The-Eternal-General-Secretary-Of-Our-Party.pdf
  33. 33.0 33.1 33.2 Lim Jae-Cheon (2015). Leader Symbols and Personality Cult in North Korea: The Leader State. New York: Taylor & Francis. ISBN 978-1-317-56740-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Person, James. "The 1967 Purge of the Gapsan Faction and Establishment of the Monolithic Ideological System". NKIDP e-Dossier no. 15. Woodrow Wilson Center. Nakuha noong 5 Marso 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "The Enshrinement of Nuclear Statehood in North Korean Law". Illinois Law Review (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-11-12. Nakuha noong 2021-03-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Kang Mi Jin (Setyembre 13, 2013). "NK Adds Kim Jong Il to 'Ten Principles'". Daily NK. Nakuha noong Enero 20, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Audrey Yoo (Agosto 13, 2013). "North Korea rewrites rules to legitimise Kim family succession". South China Morning Post. Nakuha noong Enero 20, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "What Are the 'Ten Principles'?". Daily NK. Setyembre 9, 2013. Nakuha noong Enero 20, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "N. Korea revises leadership ideology to legitimize rule of Kim Jong-un". Yonhap News Agency. Agosto 12, 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 10, 2016. Nakuha noong Enero 20, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Sung Hui Moon (Disyembre 17, 2013). "North Korea Steps Up Ideological Campaign Amid Tensions". Radio Free Asia. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 2, 2020. Nakuha noong Enero 20, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-07-13. Nakuha noong 2022-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. https://kkfonline.com/wp-content/uploads/2020/05/On-Having-A-Correct-Understanding-Of-Nationalism.pdf
  43. 43.0 43.1 —— (2005). Korea's Place in the Sun: A Modern History (ika-2nd (na) edisyon). New York: W.W. Norton and Company.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Lee, Kyo Duk (2004). "'Peaceful Utilization of the DMZ' as a National Strategy". The successor theory of North Korea. Korean Institute for National Reunification. pp. 1–52. ISBN 978-8984792258.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Kim, Young Kun; Zagoria, Donald S. (Disyembre 1975). "North Korea and the Major Powers". Asian Survey. 15 (12). doi:10.2307/2643582. JSTOR 2643582.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link):1018
  46. Chung, Chin O. (1978). Pyongyang Between Peking and Moscow: North Korea's Involvement in the Sino-Soviet Dispute, 1958–1975. Tuscaloosa, Alabama: University of Alabama Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. ——— (20 Disyembre 2010). "The Destruction and Reconstruction of North Korea, 1950–1960" (PDF). The Asia-Pacific Journal. 8 (51). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 16 Enero 2022. Nakuha noong 16 Hulyo 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. Wertz, Daniel; Oh, JJ; Kim, Insung (2015). The DPRK Diplomatic Relations (PDF) (Ulat). National Committee on North Korea. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 4 Marso 2016.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. 49.0 49.1 Jager, Sheila Miyoshi (2013). Brothers at War – The Unending Conflict in Korea. London: Profile Books. ISBN 978-1-84668-067-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. 50.0 50.1 Cumings, Bruce (1997). Korea's Place in the Sun: A Modern History (ika-1st (na) edisyon). W W Norton and Company. ISBN 978-0393040111.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. 51.0 51.1 51.2 Lynn, Hyung-Gu (2007). Bipolar Orders: The Two Koreas Since 1989. Halifax: Fernwood Pub. ISBN 978-1842777435.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. 52.0 52.1 Shin, James Pearson (13 Oktubre 2017). "How a homemade tool helped North Korea's missile program". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2017. Nakuha noong 15 Oktubre 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. Buzo, Adrian (2002). The Making of Modern Korea. London: Routledge. ISBN 978-0-415-23749-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. Kihl, Young; Kim, Hong Nack (2006). North Korea: The Politics of Regime Survival. M.E. Sharpe. ISBN 9780765616388.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. Quinones, C. Kenneth (7 Hunyo 2008). "Juche's Role in North Korea's Foreign Policy" (PDF). International Symposium on Communism in Asia. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 4 Marso 2016.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. Lewis, Jeffrey (27 Setyembre 2017). "Domestic UDMH Production in the DPRK". www.ArmsControlWonk.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Oktubre 2017. Nakuha noong 15 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. Bermudez Jr., Joseph S. (3 Marso 2017). 유용원군사세계. bemil.Chosun.com (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Setyembre 2017. Nakuha noong 15 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. Juche, the Banner of Independence. Pyongyang: Foreign Languages Publishing House. 1977. OCLC 4048345.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. Abt, Felix (2014). A Capitalist in North Korea: My Seven Years in the Hermit Kingdom. Tuttle Publishing. ISBN 9780804844390.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. Branigan, Tania (19 Hunyo 2014). "How Black Panthers turned to North Korea in fight against US imperialism". The Guardian (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. Lee, Seulki (25 Abril 2016). "City of devotees devotes itself to development". Nepali Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Pebrero 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)