Kapuluan ng Galapagos
Ang Mga Pulo ng Galapagos (Kastila: Archipiélago de Colón o Islas Galápagos) ay isang kapuluan na binubuo ng 13 pangunahing mga pulo na mala-bulkan, 6 na mas maliliit na mga pulo, at 107 mga bato at maliit na mga pulo. Inakalang nabuo ang kauna-unahang pulo sa pagitan ng 5 at 10 milyong taon na nakaraan, bilang resulta ng aktibidad na tektonik. Kasalukuyang nabubuo pa ang mga pinakabatang mga pulo, ang Isabela at Fernandina, pati ang pinakahuling pagputok ng bulkan noong 2005.
Kabilang sa bansang Ecuador ang Mga Pulo ng Galapagos sa Pasipiko, mga 965 km (mga 600 mi) kanluran sa pangunahing lupain.
Ang Mga Pulo ng Galapagos ay pinuntahan ni Charles Darwin habang nakasakay sa Beagle. Dito niya nakita ang mga pagbabago sa iba't ibang uri ng mga hayop. Ilang sa mga hayop sa Galapagos ay mga kakaibang uri ng mga iguana, at blue-footed boobie (boobie na mayroong bughaw na mga paa).
Mga kawing na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ekwador Naka-arkibo 2010-10-09 sa Wayback Machine.
- Mga Pulo ng Galapagos Naka-arkibo 2018-05-11 sa Wayback Machine.
- Galapagos-Ekwador
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Ecuador ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.