Kasarian
Ang kasarian, tauhin, o seks[1] (Ingles: gender), sa karaniwang gamit, ay tumutukoy sa pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaki at ng mga babae. Sinasabi ng Encyclopædia Britannica na ang pagkakakilanlang pangkasarian ay "pagkakakilala ng isang indibidwal sa pagiging lalaki o babae, na kaiba sa tunay na kasariang biyolohikal."[2] Bagaman ang salitang kasarian ay karaniwang ginagamit din bilang katumbas ng salitang seks (Ingles: sex), karaniwang itong tuwirang tumutukoy sa pagkakaibang panlipunan sa loob ng mga agham panlipunan, na tinatawag na papel na pangkasarian sa mga agham biyolohikal. Sa larangan ng kasaysayan, na ang peminismo ang lipunan ang nagtakda ng mga papel na pangkasarian, at walang batayang pam-biyolohiya. Maaaring tawaging mga transhender o genderqueer, sa wikang Ingles, ang mga taong nakadarama na ang kanilang mga tunay na katawan ay hindi kaakibat ng kanilang pagkakakilanlang pangkasarian.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James (1977). "Tauhin, seks, kasarian, gender". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gender Identity (Pagkakakilanlang Pangkasarian), Encyclopædia Britannica Online (Pahina ng Encyclopædia Britannica sa Internet), 2007.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.