Kasaysayan ng pilosopiya
Ang kasaysayan ng pilosopiya ay ang pag-aaral hinggil sa mga ideya at mga konsepto na pampilosopiya sa paglipas ng mga pana-panahon. Ang mga paksang tiyak na may kaugnayan sa kasaysayan ng pilosopiya ay maaaring kabilangan, ngunit hindi nakalimita lamang sa: paano bang ang mga pagbabago sa pilosopiya ay maitatala sa kasaysayan, ano ang nakapagbubunsod sa pag-unlad ng kaisipan ayon sa diwang pangkasaysayan nito, at sa anong antas mauunawaan sa kasalukuyan ang mga tekstong pampilosopiya na nagmula sa naunang mga panahon ng kasaysayan. Nilalayon ng kasaysayan ng pilosopiya na maikatalogo at maiuri ang mga pag-unlad ng mga pilosopiya. Layunin din nito na maunawaan ang mga ideyang pampilosopiya sa paglipas ng mga kapanahunan.
Ang lahat ng mga kultura, maging prehistoriko, midyibal, o moderno; nasa hemispero ng Silangan man o nasa hemispero ng Kanluran; sekular o relihiyoso, ay mayroong sarili nilang namumukod-taning mga paaralan ng pilosopiya, na nalapat sa pamamagitan ng pagkakamana at sa pamamagitan ng sariling pagkakatuklas. Ang ganiyang mga teoriya o "panukala" ay lumaki magmula sa iba't ibang mga saligan o batayan at mga pagharap, katulad ng rasyonalismo (na nakamit dahil sa lohika), empirisismo (nakamit sa pamamagitan ng obserbasyon), at pati na ang dahil sa pagtitiwala dahil sa paniniwala, pag-asa, at pagkakamana (katulad ng mga pilosopiya at mga relihiyong supernaturalista.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.