Pumunta sa nilalaman

Kasaysayan ng sayaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Henealohiya ng kasaysayan ng sayaw.

Ang kasaysayan ng sayaw ay ang pag-aaral sa ebolusyon ng pagsasayaw sa pagdaan ng mga kapanahunan. Magmula sa panahon bago pa man naitala o naisulat ang kasaysayan o panahong prehistoriko, nagkaroon na ang tao ng pangangailangan na maipahayag ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga galaw ng kaniyang katawan at mga bahagi ng katawan, na matatawag bilang sinaunang mga sayaw. Ang mga kilos na ito ay nagpapahayag o nagpapamalas ng mga damdamin at mga kalagayan ng pagkilos. Ang sinaunang mga kilos na ito na may ritmo at indayog ay nagsisilbi rin bilang mahahalagang mga kaganapang pangritwal katulad ng mga pagdiriwang dahil sa kapanganakan o kaarawan, kasal, digmaan, o dahilang panrelihiyon.[1]

Ang sinaunang mga tao, namumuhay sa loob ng mga tribo, ay nagsagawa ng mga sayaw upang magsagawa ng mga ritwal na makapagpuprutekta sa kanilang mga sarili laban sa galit ng mga diyus-diyosan; at upang humingi ng tulong mula sa mga diyos na ito, halimbawa na ang tulong sa pangangaso o kaya ay tulong para sa pagwawagi sa isang digmaan.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Abad (2004), p. 15.
  2. "Dance". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), tomo para sa titik na "D", pahina 22-23


KasaysayanSayaw Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Sayaw ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.