Pumunta sa nilalaman

Katy Perry

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Katy Perry
Si Perry sa kanyang residensiyang konsiyerto na Play noong 2021
Kapanganakan
Katheryn Elizabeth Hudson

(1984-10-25) 25 Oktubre 1984 (edad 40)
Ibang pangalan
  • Katy Hudson
  • Katheryn Perry
Trabaho
  • Mang-aawit
  • manunulat ng awitin
  • tagahatol sa telebisyon
  • negosyante
Aktibong taon2001–kasalukuyan
AsawaRussell Brand (k. 2010–12)
KinakasamaOrlando Bloom
(2016–kasalukuyan; may kasunduang pakasal)
Anak1
Kamag-anakFrank Perry (tiyuhin)
Karera sa musika
Genre
Instrumento
  • Boses
  • gitara
Label
  • Red Hill
  • Java
  • Columbia
  • Capitol
Websitekatyperry.com

Si Katy Perry (ipinanganak Katheryn Elizabeth Hudson; 25 Oktubre 1984) ay isang Amerikanang mang-aawit at manunulat ng kanta, at aktres. Siya ay ipinanganak sa Santa Barbara, California, at pinalaki ng kanyang mga magulang na mga Kristyanong pastor. Si Perry ay lumaki na ang tanging pinakikinggan ay mga awiting pangsimbahan. Sa kanyang kabataan, siya ay kumakanta rin sa kaniyang lokal na simbahan. Matapos magtamo ng GED sa kanyang pagtungtong sa unang taon ng mataas na paaralan, sinimulan na niya ang pagpasok sa larangan ng musika. Bilang Katy Hudson, inilabas ang sariling-titulong album na gospel (pang-ebanghelyo) noong 2001. Ngunit hindi ito naging matagumpay. Hindi naglaon ay kanya namang ni-rekord ang isang album kasama ang produksiyon na The Matrix at kinumpleto ang karamihan ng kanta ng isang solong album mula taong 2004 hanggang taong 2005, wala ni isa man dito ang nailabas merkado.

Noong Hunyo 1, 2008 sinimulan niyang i-publish ang kanyang musika sa YouTube, at sa taong 2023, umabot sa 44.2 milyong subscriber ang kanyang channel sa YouTube at nakakuha ng kabuuang 25.3 bilyong panonood ng video.[1]

Pampublikong imahen

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang tatak ni Katy Perry na spinning peppermint swirl na bra[2]

Inihanay ng Rolling Stone si Perry bilang ika-7 sa kanilang pandaigdigang botohan ng Reyna ng Pop noong Hulyo 2011.[3] Tinagurian siyang "sexiest woman of 2013" (pinakaseksing babae ng 2013) ng magasin na Men's Health.[4] Siya ay isang simbolong seksuwal[5] at kilala sa kanyang kakaibang pananamit.[6] Kadalasang itong nakakatawa, makulay, at nagpapakita ng iba't ibang panahon at kadalasang kinabibilangan ng mga temang may kinalaman sa pagkain,[7] gaya ng kanyang trademark o tatak-pangkalakal na peppermint swirl na bra.[2] Inilalarawan niya ang kanyang istilo ng pananamit bilang "piraso ng samu't sari ng iba't ibang bagay.[6] Ang kanyang istilo ay pumukaw ng atensiyon ng mga fasion designer o tagadisenyo ng moda.[8]

Noong unang bahagi ng Nobyembre 2013, nalagpasan ni Perry si Justin Bieber bilang artistang pangmusika na may pinakamaraming tagasunod o follower sa Twitter, na lagpas sa 47 milyon mga tagasunod.[9]

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga naging karelasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dating katipan ni Perry ang musikerong si Justin York,[10] mang-aawit na si Matt Thiessen, aktor na si Johnny Lewis,[11] at rapper na si Travie McCoy.

  • Katy Hudson (2001)
  • One of the Boys (2008)
  • Teenage Dream (2010)
  • Prism (2013)
  • Witness (2017)
  • Smile (2020)

Mga paglilibot

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Pamagat Ginampanang Papel Notes
2008 The Young and the Restless Kabanata 8914
Wildfire Kanyang sarili "Life's Too Short" (Season 4, episodyo 8)
2010 American Idol Panauhing tagahatol "Season 9, episodyo 5"
The X Factor Panauhing tagahatol "Series 7, episodyo 2"
Sesame Street Kanyang sarili Online na espesyal (binura mula sa nakatelebisyong kabanata dahil sa kontrobersiya ng manonood)
The Simpsons Kanyang sarili 1 episodyo, "The Fight Before Christmas"
2011 How I Met Your Mother Honey Kabanata 1, "Oh Honey"
Taon Pamagat Ginampanang Tungkulin Notes
2010 Get Him to the Greek Kanyang sarili Binurang eksena, di nakredito
Out in the Desert Kanyang sarili
2011 The Smurfs Smurfette (tinig)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Katy Perry YouTube stats and analytics". ThoughtLeaders (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-06-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Menyes, Carolyn (12 Hulyo 2012). "Katy Perry Asked to Ditch Hazardous Peppermint Bra". Billboard (sa wikang Ingles). Prometheus Global Media. Nakuha noong 19 Hunyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Readers Poll: The Queen of Pop" Naka-arkibo 2012-01-11 sa Wayback Machine. (sa Ingles) Queen of Pop pole, Rolling Stone
  4. "The Hottest Women of 2013 | Men's Health" (sa wikang Ingles). Menshealth.com. Nakuha noong 6 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Katy Perry on her sex appeal" (sa wikang Ingles). YouTube.
  6. 6.0 6.1 "Find Out What Influences Katy Perry's Cute Style!". Seventeen (sa wikang Ingles). 5 Pebrero 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2009. Nakuha noong 29 Abril 2014.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Larson, John (14 Setyembre 2012). "Katy Perry // "Teenage Dream"". Tacoma Weekly (sa wikang Ingles). Pierce County Community Newspaper Group. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Nobiyembre 2013. Nakuha noong 19 Hunyo 2013. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  8. Graff, Gary (21 Pebrero 2009). "Interview: Katy Perry – Hot N Bold". The Scotsman (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Marso 2009. Nakuha noong Pebrero 28, 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Katy Perry dethrones Justin Bieber on Twitter - CNN.com". CNN (sa wikang Ingles). 4 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Never seen before Paramore Q&A Pt. 3! (fixed)" (sa wikang Ingles). YouTube.
  11. Staff, TMZ (27 Setyembre 2012). "'Sons of Anarchy' Actor Suspect in BIZARRE L.A. Double Death". TMZ (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Setyembre 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.
Sinundan:
Snoop Dogg
MTV Europe Music Awards host
2008–09
Susunod:
Eva Longoria