Pumunta sa nilalaman

Kemoterapiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang kemoterapiya (Ingles: chemotherapy o cancer chemotherapy) ang paggamot ng kanser gamit ang drogang antineoplastiko o mga kombinasyon ng mga gayong droga sa isang pamantayang paggamot na rehimen.

Ang pinakakaraniwang ginagawa ng kemoterapiya ay pagpatay ng mga selula na mabilis na naghahati at dumadami na isa sa pangunahing katangian ng karamihan sa mga selula ng kanser. Ito ay pumipinsala din sa mga selulang naghahati sa ilalim ng mga normal na sirkunstansiya gaya ng mga selula sa bulalo, traktong dihestibo at polikula ng buhok. Ito ay nagreresulta sa pinakaraniwang mga pangalawang epekto ng kemoterapiya na myelosupresyon (pagbabawas ng produksiyon ng selula ng dugo kaya pati imunosupresyon), mucositis (pamamaga ng linya ng traktong dihestibo) at alopesya (pagkakalbo).

Ang mga makabagong drogan antikanser ay direktang lumalaban sa mga abnormal na protina sa mga selula ng kanser. Ito ay binigyan ng terminong "umaasintang terapiya" (targeted therapy) at sa teknikal na paglalarawan ay hindi isang kemoterapiya.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.