Kreyn
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang kreyn o gruwa (Ingles: crane; Kastila: grúa) ay isang uri ng makinang kadalasang binubuo ng mga lubid na pantaas o hoist ropes, kawad na lubid o wire ropes, bigkis o sheaves. Ito ay ginagamit upang buhatin o ilipat ang mabibigat na materyales, pahalang man o patayo, patungo sa iba’t ibang lugar. Gumagamit ito ng isa o maraming simpleng makina upang makabuo ng isang kapakinabangang mekanikal upang sa gayon higitan ang kakayahan ng isang tao. Madalas ginagamit ang isang kreyn sa industriya ng pantransportasyon upang kargahin at ilagak ang isang kargamento. Sa industriya ng konstruksyon, ililipat nito ang mga mabibigat na materyales habang sa industriya ng paggawa naman, ginagamit ito upang buuin ang mga makinarya
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kauna-unahang kreyn na pangkonstruksyon ay inembeto ng mga sinaunang Griyego na siyang nagpapagana gamit ang kanilang lakas tulad na lamang ng mga asno. Ginagamit din ito sa pagpapatayo ng mga matataas na gusali. Sumunod, naimbento naman ang mas malaking kreyn na hango sa paggamit ng human treadwheel, na nagbigay ng kakayahang buhatin ang mga mabibigat na kargamento. Sa panahon ng Mataas na Gitnang Panahon, ang kreyn na pangdaungan naman ang ipinakilala upang makatulang sa paglipat ng mga kagamitan sa mga barko at sa pagkokonstruksyon din nito. Ang iba ay itinayo upang makabuo ng tore ng mga bato para mas maging malakas at matibay and pundasyon. Ang pinakaunang kreyn ay yari mula sa kahoy, sa paglipas ng panahon at pagdating ng Rebolusyong Industriyal, ang mga ito ay yari na sa bakal at asero.
Sa mga nagdaang siglo, ang pag-andar nito ay nanggaling lamang sa pisikal na lakas ng mga tao o hayop, kahit na maaari itong kumuha ng enerhiya sa mga watermill at windmill na pinapagana naman ng mga likas na enerhiya. Ang unang lakas na mekanikal ay nagmula sa mga steam engine, ang pinaka-unang kreyn na steam na ipinakilala noong ika-18 o 19 na siglo, na ginagamit pa rin hanggang sa huling banda ng ika-20 siglo. Ang mga modernong kreyn ay madalas na gumagamit ng mga internal combustion engine o hydraulic system at motor na elektrikal upang makapagbuhat ng mas mabigat na kagamitan na di tulad ng dati, ngunit ang manwal na kreyn ay ginagamit pa rin kung saan ang paggamit ng lakas ay hindi ekonomiko.