Kritikal na pag-iisip
Ang kritikal na pag-iisip o tinatawag ding pagsusuring kritikal ay ang malinaw at makatuwirang pag-iisip na kinasasangkutan ng pagpuna. Nagbabago ang mga detalye nito base sa taong nagbibigay ng kahulugan dito. Ayon kay Barry K. Beyer (1995) ang kritikal na pag-iisip ay ang paggawa ng malinaw at mga makatuwirang panghuhusga. Sa proseso ng pag-iisip ng kritikal, nararapat na pinangangatuwiranan at pinagiisipang mabuti ang mga ideya. Binigyang kahulugan ng The National Council for Excellence in Critical Thinking (Pambansang Konseho para sa Kahusayan sa Kritikal na Pag-iisip) sa Estados Unidos ang kritikal na pag-iisip bilang isang matalinong proseso ng aktibo at dalubhasang pagpapalagay, pagsasabuhay, pagsusuri, pagbubuo, at o di kaya ang paglilitis ng impormasyong nakalap, o nabuo mula sa, obserbasyon, karanasan, repleksyon, pangangatuwiran, o komunikasyon bilang gabay sa paniniwala at kilos.
Sa taguring kritikal na pag-iisip, ang salitang Ingles na critical, (Griyego = κριτικός = kritikos = kritiko) ay galling sa salitang critic at nagpapahiwatig ng isang puna; pinakikilala nito ang intelektuwal na kapasidad at ang paraan, “ng panghuhusga”, “ng hatol”, “para sa paghuhusga”, at ang pagkakaroon ng, “kakayahang umunawa”.
Ang kritikal na pag-iisip ay tinutukoy ng iba’t ibang kahulugan bilang:
- ang proseso ng aktibo at mahusay pagpapalagay, pagsasabuhay, pagsususri, pagbubuo, at pagtimbang ng impormasyon upang makuha ang isang sagot konklusyon.
- disiplinadong pag-iisip na malinaw, makatuwiran, bukas ang isip, at may kaukulang ebidensya.
- makatwiran, mapanimding pagiisip na nakatuon sa pagpili kung ano ang paniniwalaan o gagawing kilos.