Pumunta sa nilalaman

Labia minora

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Labia minora
Labia minora (panloob na labia); tinanggal ang bulbol
Mga detalye
Latinlabium minus pudendi
TagapagpaunaMga luping urohenital
Mga pagkakakilanlan
Anatomiya ni Grayp.1265
Dorlands
/Elsevier
Labia minora pudendi
TAA09.2.01.007
FMA20374

Ang labia minora, na labium minus sa isahang pagbibilang (literal na "maliit na labi"), at nakikilala rin bilang panloob na labia, panloob na mga labi, mas nakapaloob na mga labi, o kaya nymphae sa Ingles (literal na mga nimpa, nympha kung isahan),[1] ay dalawang mga pagaypay ng balat na nasa magkabilang mga gilid ng bukana ng puki ng tao, na nasa pagitan ng labia majora (panlabas na labia, mas panlabas na mga labi, nakalabas na mga labi, o panlabas na mga labi). Ang panloob na mga labi ay may malawakan na iba't ibang sukat, kulay, at hugis sa bawat babae.

Umaabot ang panloob na mga labi magmula sa tinggil na pabalagbag o nakalihis paibaba, patagilid, at palikod (papunta sa likuran) ng magkabilang mga gilid ng bestibulang bulbal, na nagtatapos sa pagitan ng ilalim ng bestibulang bulbal (bestibula ng bulba) at ng panlabas na mga labi. Ang panlikuran o posteryor na mga dulo (mga ilalim) ng panloob na mga labi ay pangkaraniwang magkadugtong sa kahabaan ng gitnang guhit sa pamamagitan ng isang lupi o tupi ng balat, na pinangalanang frenulum labiorum pudendi o "fourchette".

Sa harapan, ang bawat isang labi ay nahahati sa dalawang mga porsyon o bahagi. Ang pang-itaas na bahagi nga bawat labi ay dumaraan sa ibabaw ng tinggil upang makatagpo ang pang-itaas na bahagi ng isa pang labi &nbpsp; na maaaring maging mas malaki o mas maliit   na magbubuo ng isang tupi o lupi na nakausli o nakaungos sa ulo ng tinggil o glans clitoridis; ang luping ito ay pinangalanang prepusyo ng tinggil o preputium clitoridis. Ang pang-ibabang bahagi ay dumaraan sa ilalim ng glans clitoridis at umuugnay o dumurugtong sa pang-ilalim na kalatagan nito, na nagbubuo, kasama ang panloob na labi na nasa kabilang gilid, sa frenulum clitoridis.

Sa magkabilang mga kalatagan o kapatagan ng labia minora ay mayroong maraming mga glandulang sebasyo (glandulang mataba, glandulang may taba) na walang kaugnayan sa mga polikula ng buhok.

Laki at hugis

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong o bandang 2004, ang mga mananaliksik mula sa Kagawaran ng Hinekolohiya ng Ospital na Elizabeth Garret Anderson Hospital sa London, ang nagsukat ng labia at iba pang kayariang henital ng 50 mga babae magmula sa gulang na 18 hanggang 50, na may katamtaman ng mga edad (mean age sa Ingles) na 35.6. Ang mga resulta ay ang mga sumusunod:[2]

Pagsukat sa Sakop Katamtaman (mean) [SD]
Haba ng tinggil (mm) 5–35 19.1 [8.7]
Lapad ng clitoral glans (mm) 3–10 5.5 [1.7]
Mula sa tinggil hanggang sa urethra (mm) 16–45 28.5 [7.1]
Haba ng labia majora (cm) 7.0–12.0 9.3 [1.3]
Haba ng labia minora (mm) 20–100 60.6 [17.2]
Lapad ng labia minora (mm) 7–50 21.8 [9.4]
Haba ng perineum (mm) 15–55 31.3 [8.5]
Haba ng puki (cm) 6.5–12.5 9.6 [1.5]
Yugtong Tanner (n) IV 4
Yugtong Tanner (n) V 46
Kulay ng pook ng henitalya

na inihambing sa nakapaligid na balat (n)

Kahalintulad 9
Kulay ng pook ng henitalya

na inihambing sa nakapaligid na balat (n)

Mas maitim 41
Rugosidad ng labia (n) Makinis 14
Rugosidad ng labia (n) Banayad 34
Rugosidad ng labia (n) May marka (markado) o litaw (kitang-kita) 2

Karagdagang mga imahe

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. nymphae. Dictionary.com. Merriam-Webster's Medical Dictionary. Merriam-Webster, Inc. (napuntahan noong 24 Nobyembre 2007).
  2. Lloyd, Jillian et al. "Female genital appearance: 'normality' unfolds", British Journal of Obstetrics and Gynaecology, Mayo 2005, Bolyum 112, pp. 643–646. PMID 15842291

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang artikulong ito ay orihinal na nakabatay sa isang pagpapasok mula sa isang edisyong nasa dominyong publiko ng Gray's Anatomy (Anatomiya ayon kay Gray). Bilang ganyan, ilan sa mga kabatirang nilalaman ay maaaring wala na sa panahon.

AnatomiyaTaoBabae Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya, Tao at Babae ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.