Pumunta sa nilalaman

Madonna

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Madonna
Si Madonna sa unang gabi ng I Am Because We Are
Si Madonna sa unang gabi ng I Am Because We Are
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakMadonna Louise Ciccone
Kilala rin bilangMadonna Louise Veronica Ciconne Ritchie ,
Madonna
Kapanganakan (1958-08-16) 16 Agosto 1958 (edad 66)
Bay City, Michigan, Estados Unidos
PinagmulanLungsod ng New York, Estados Unidos
GenrePop, sayaw, electronika, urbanong kontemporaryo
TrabahoSinger-songwriter, musikero, prodyuser ng rekord, prodyuser ng pelikula, disenyador ng moda ng damit, mananayaw, manunulat, aktres, direktor
Instrumentotinig, gitara, perkusyon
Taong aktibo1979–kasalukuyan
LabelArtist Nation (2008)
Warner Bros. (1982–2008)
Maverick (1992–2004)
Sire (1982–1994)
Websitewww.madonna.com

Si Madonna Louise Ciccone Ritchie (ipinanganak 16 Agosto 1958), na kilala bilang Madonna, ay isang Amerikanong recording artist at entertainer. Ipinanganak sa Bay City, Michigan at pinakalaki sa Rochester Hills, Michigan, si Madonna ay lumipat sa Lungsod ng New York para sa karera sa pagsayaw ng modern dance. Pagkatapos ng kanyang pagtatanghal bilang kasapi ng grupong pop musikal na Breakfast Club at Emmy, inilabas niya ang kanyang sariling pangalang album noong 1983, at nakapagprodus ng tatlong magkakasunod #1 na mga studio album sa Billboard 200 noong dekada '80 at apat pang karagdagan simula noong 2000.[1] Noong 1992, itinayo niya ang isang kompanya, ang Maverick, kung saan naglimbag ng aklat ng mga larawang (Sex (aklat)|Sex). Naglabas din siya ng isang studio album, ang Erotica at pinagbidahan ang pelikulang Body of Evidence na may temang erotiko. Ang gawa niyang ito ay gumawa ng negatibong publisidad at nagpabagsak sa kanyang kita noong dekada '90.[2] Ang karera ni Madonna ay muling sumigla noong 1998, nang ilabas niya ang kanyang album na Ray of Light.

Si Madonna ay lumabas sa 22 mga pelikula. Subalit karamihan dito ay pumalya,[3] nanalo naman siya ng Golden Globe Award para sa pagganap niya sa pelikula noong 1996 na Evita. Siya ay diborsiyado sa aktor na si Sean Penn, at noong 1996 ay nagdalantao sa kanyang anak na babae na si Lourdes Maria (na kilala rin bilang Lola) sa kanyang personal na tagasanay na si Carlos Leon bago siya nagpakasal sa direktor ng pelikula na si Guy Ritchie noong 2000. Sina ni Ritchie ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki, sina Rocco at David Banda, isang batang taga-Malawi na kanilang inampon noong 2006, na nagdulot ng mga alegasyon sa media na nilabag nila ang batas sa pag-aampon sa Malawi. Si Madonna at Ritchie ay nagsampa ng kasong diborsiyo noong Oktubre 2008.

Si Madonna ay sinabing "isa sa mga pinakamahusay na artistang pop ng lahat ng panahon" at binansagang "Reyna ng Pop".[4][5][6] Siya ay nirango ng Recording Industry Association of America bilang isa sa pinakamabentang babaeng artistang rock ng ikadalawampung siglo at ikalawang pinakamataas makabentang babaeng artista sa Estados Unidos na may 63 milyon sertipikadong mga album.[7][8] Tinala siya ng Guinness World Records bilang pinakamatagumpay na babaeng rekording artist ng lahat ng panahon at ang pinakamataas kumitang babaeng mang-aawit sa daigdig na may tinatayang halaga na US$490 milyon, na nakabenta ng 200 milyon rekord sa buong mundo.[9][10][11][12]

1958-1981: Pagkabata at ang simula ng karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Madonna ay ipinanganak bilang Madonna Louise Ciconne sa Lungsod ng Bay, Michigan. Ang kanyang ina na si Madonna Louise (Fortin, noong dalaga pa), ay mula sa lahing Pranses-Kanadyano, at ang kanyang ama si Silvio "Tony" P. Ciconne, ay mula sa unang henerasyon ng mga Italyanong Amerikanong mga inhinyero sa Chrysler/General Motors na ang mga magulang ay nagmula sa Pacentro, Abruzzo, Italy.[13][14] Si Madonna ay ikatlo sa anim na magkakapatid; ang kanyang mga kapatid ay sina, Martin, Anthony, Paula Mae, Christopher, at Melanie.[15]

Si Madonna ay pinalaki sa suburb ng Pontiac, Michigan ng Detroit at sa Avon Township (na tinatawag ngayong Rochester Hills, Michigan). Ang kanyang ina ay namatay dahil sa kanser sa suso sa edad na 30 noong Disyembre 1. 1963. Ang kanyang ama ay pinakasalan ang kasambahay ng pamilya, si Joan Gustafson, at nagkaroon sila ng dalawang anak: sina Jennifer at Mario Ciccone. Ayon kay Madonna hindi niya raw matanggap ang kanyang ina noong kabataan niya.[16] Hinimok ni Madonna ang kanyang ama na payagan siya na mag-aral ng ballet. Nag-aral siya sa St. Frederick's Elementary School at sa St. Andrews Elementary School (na ngayon ay ang Holy Family Regional) at sa West Middle School. Nag-aral din siya sa Rochester Adams High School, at naging estudyanteng na puro markang A at naging kasapi ng cheerleading squad. Nakatanggap ng iskolarsip si Madonna sa Pamantasan ng Michigan pagkatapos niyang makapagtapos sa Mataas na Paaralan.[17]

Nahikayat si Madonna ng kanyang guro sa ballet na ipursige niya ang kanyang karera sa pagsasayaw, kaya iniwan niya ang kanyang pag-aaral sa Pamantasan ng Michigan noong huling bahagi 1977 at nagtungo sa Lungsod ng Bagong York.[18] Kaunti lamang ang salapi ni Madonna noon at minsang tumira sa iskwater, nagtrabaho sa Dunkin' Donuts kasama ang mga modern dance troupes.[19] Sinabi ni Madonna na ang pagpunta niya sa Bagong York ay ang kanyang unang pagkakataon na makasakay ng eroplano, unang pagkakataon na makasakay sa taksi, na may dala dala lamang na $35 sa kanyang bulsa. Iyon ang kanyang pinakamatapang na bagay na nagawa.[20] Habang nagtatanghal bilang mananayaw sa isang Pranses na artistang pandisko na si Patrick Hernandez noong world tour nito noong 1979,[21] si Madonna ay nagkaroon ng relasyon sa musikerong si Dan Gilroy, kung siya ring nakasama niya sa binuo niyang kauna-unahang bandang rock. ang Breakfast Club sa Bagong York.[22] Doon ay kumakanta at tumutugtog siya ng gitara at tambol bago niya binuo ang bandang Emmy noong 1980 na may isang drummer at kasama ang kanyang dating nobyo na si Stephen Bray.[23] Siya at si Bray ay sumulat at nagprodus ng mga awiting pangsayaw na napansin ang atensiyon ng mga lokal sa mga dance club sa Bagong York. Namangha ang Disc jockey at rekord produser na si Mark Kamins sa kanyang mga rekord na demo, kaya dinala niya si Madonna sa atensiyon ni Seymour Stein, ang nagtatag ng Sire Records.[24]

1982–1985: Ang Madonna at Like a Virgin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
si Madonna sa Live Aid sa JFK Stadium

Noong 1982, lumagda si Madonna sa isang kasunduan singles sa Sire Records, isang label na kabilang sa Warner Bros. Records.[25] Ang kanyang unang labas na awit noong 24 Abril 1982, ay ang "Everybody"[26] Ang kanyang unanng album, Madonna ay pangunahing prinodus ni Reggie Lucas.

Ang paraan ng pananamit, pagkilos, pagtatanghal at pagkilos ni Madonna sa kanyang mga music video, ay naging maimpluwensiya sa mga kababaihan. Ito ay nilalarawan ng mga lace tops, mga palda sa ibabaw ng mga pantalong capri, mga fishnet stockings, mga alahas na may krus, at pagkukulay ng buhok, at naging uso sa mga pananamit ng mga kababaihan noong dekada '80.[27] Ang kanyang sumunod na album, ang Like a Virgin, ay naging unang number one na album niya sa U.S. albums chart;[28] Ang tagumpay ng album ay dahil sa sikat na awit na "Like a Virgin", na naabot ang ikaunang pwesto sa Estados Unidos, at tumagal na anim na linggo sa pwestong iyon.[21] The album sold 12 million copies worldwide, eight of which in the U.S.[29] Itinanghal niya ang awit na ito sa kauna-unahang MTV Video Music Awards, na suot-suot ang kanyang tanyag na sinturong "Boy Toy".[30] Ang awit na Like a Virgin ay itinala ng National Association of Recording Merchandisers at Rock and Roll Hall of Fame bilang isa Definitive 200 Albums of All Time.[31][32]

Noong 1985, pinasok ni Madonna ang paggawa ng pelikula, na nagsimula sa saglit na paglabas bilang isang mang-aawit sa club sa pelikulang Vision Quest. Ang soundtrack ng pelikula ay kinabilangan ng kanyang ikalawang #1 na single sa E.U ang "Crazy for You.[33] Sa huling bahagi ng taong ding iyon, siya ay lumabas sa Desperately Seeking Susan. Ang pelikulang iyon ang nagpakilala sa awit na "Into the Groove", na naging #1 single niya sa Nagkakaisang Kaharian.[34]

Nagtungo si Madonna sa kanyang unang concert tour sa Estados Unidos noong 1985 na pinamagatang The Virgin Tour, kasama ang Beastie Boys.[35] Noong Hulyo ng taong ding iyon, Ang Penthouse at Playboy ay naglimbag ng mga magasin na may mga hubad na larawan ni Madonna na walang kulay na kinuhaan noong huling bahagi ng dekada '70. Sinubukang harangin ito ni Madonna sa pamamagitan ng mga aksiyong legal, subalit nang siya ay mabigo kinakitaan siya ng walang pagpapakailam sa nangyari at naging palaban. Sa isang konsiyertong pangkawan- gawa ng Live Aid sa kainitan ng kontrobersiya, sinabi niya sa medya na hindi niya huhubarin ang kanyang dyaket dahil sabi niya na "baka gamitin ito sa aking pagkatapos ng sampung taon".[36]

1986–1991: True Blue, Like a Prayer at ang Blond Ambition Tour

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inilabas ni Madonna ang kanyang ikatlong album, ang True Blue, noong 1986, at sinabi ng Rolling Stone na "ito ay akala mo talagang galing sa puso"..[37] Ang album ay kinabibilangan ng awit na "Live to Tell", na isinulat niya para sa pelikulang At Close Range, na pinagbibidahan ng kanyang asawa noong panahong iyon na si Sean Penn. Ang True Blue any naglabas ng limang Top Five na single sa tsart ng Billboard: ang "Live to Tell", "Papa Don't Preach", "Open Your Heart", "True Blue" at "La Isla Bonita".[38] Noong taong din iyon, lumabas din si Madonna bilang bida sa pelikulang Shanghai Surprise at lumabas sa teatro sa unang pagkakataon sa produksiyon ni David Rabe na Goose and Tom-Tom, na parehong kasama si Sean Penn.[39]

Noong 1987, pinagbidahan ni Madonna ang Who's That Girl, at nagbigay ng apat na awit para sa soundtrack nito; kasama dito ang Who's That Girl at ang "Causing a Commotion".[40] Noong taong ding iyon, siya ay nagtungo sa kanyang Who's That Girl Tour. Dito nagsimula ang kanyang unang gulo laban sa Vatican, dahil inudyok ni Papa Juan Pablo II ang mga Italyanong fan na huwag puntahan ang konsiyerto nito.[41] Sa huling bahagi ng taon na iyon, naglabas si Madonnna ng remix album ng kanyang mga naunang mga awit, ang You Can Dance.

Noong 1989, lumagda si Madonna ng isang kasunduan upang iindorso ang produktong inumin ng Pepsi. Una niyang inilabas ang kanyang bagong awit na "Like a Prayer", sa isang patalastas ng Pepsi at naglabas rin ng music video para dito. Ang video, na naglalaman ng maraming mga simbolong Katoliko gaya ng stigmata at mga nasusunog na krus, ay binatikos ng Vatican.[30] Dahil ang patalastas at ang music video nito ay labis na magkapareho, hindi agad nakumbinse ng Pepsi ang publiko na ang kanilang patalastas ay walang masamang pangangahulugan. Itinitigil nila ang patalastas at kinansela ang kontrata ni Madonna.[42]

Ang ikaapat na album ni Madonna, ang Like a Prayer, na inilabas noong 1989, ay isinulat at prinodus ni Patrick Leonard at Stephen Bray.[43] Umabot sa #1 ang Like a Prayer sa Album Tsart ng Estados Unidos at nabili ang pitong milyong kopya nito sa buong daigdig. na may apat na milyon dito ay nabili sa Estados Unidos pa lamang.[44] Ang album ay nakapaglabas ng tatlong single na umabot sa Top 5 ng mga Tsart: ang Like a Prayer (ang kanyang ikapitong numero unong awit sa E.U.), ang "Express Yourself" at ang "Cherish".[38]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Frank, Lisa; Paul Smith. Madonnarama: Essays on Sex and Popular Culture. Cleis Press. pp. pg 91. ISBN 0939416727. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong)
  2. "Madonna Biography". Billboard. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-20. Nakuha noong 2008-01-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Goodwin, Andrew. Dancing in the Distraction Factory: Music, Television and Popular Culture (ika-Hardcover (na) edisyon). Routledge. pp. pg 100. ISBN 0415091691. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong)
  4. "Madonna: Rolling Stone". Rolling Stone. 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-19. Nakuha noong 2008-04-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Cross, Mary (2004). Madonna: A Biography. Canongate U.S. ISBN 0313338116.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Morton, Andrew (2002). Madonna. Macmillan. ISBN 0312983107.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Top Selling Artists". RIAA. Nakuha noong 2008-06-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The American Recording Industry announces its Artists of the Century". RIAA. 1999-11-10. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-30. Nakuha noong 2008-01-30.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "How Will Madonna And Guy Split Their $$?". CBS News. 2008-10-16. Nakuha noong 2008-11-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Bowman, Edith (2007-05-26). "BBC World Visionaries: Madonna Vs. Mozart". BBC News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-25. Nakuha noong 2008-05-12. In 2000, Guinness World Records listed Madonna as the most successful female recording artist of all time.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Queen of Pop Madonna crowned highest earning female singer on earth". Daily Mail. Forbes. 2006-09-28. Nakuha noong 2007-12-28.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "IFPI Platinum Europe Awards: July & Agosto 2006". IFPI News. 2006-09-13. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-11-04. Nakuha noong 2007-12-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Worrell, Denise. "Now: Madonna on Madonna". Time magazine. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-12. Nakuha noong 2008-06-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "The child who became a star: Madonna timeline". Telegraph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-23. Nakuha noong 2008-06-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Madonna Biography". FOX News. Nakuha noong 2008-06-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Madonna Biography: Patr 1". People. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-28. Nakuha noong 2008-05-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Madonna". Guardian. 2001-07-04. Nakuha noong 2008-05-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "A star with staying power". People in the news. CNN Programs.
  19. "Madonna: Queen of Pop". Biography. 5 minuto sa. The History Channel.
  20. "Madonna on coming to New York City to be a dancer". Mirror. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-15. Nakuha noong 2008-05-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 21.0 21.1 "Madonna Biography". Music Atlas. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-17. Nakuha noong 2007-12-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Madonna Biography: Part 1". People magazine. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-28. Nakuha noong 2008-01-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Biography - Madonna". Rolling Stone. 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-19. Nakuha noong 2008-04-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Taraborrelli, J. Randy. Madonna: An Intimate Biography. Simon & Schuster. p. 72. ISBN 0743228804.
  25. "Madonna, Beastie Boys Nominated For Rock And Roll Hall Of Fame". MTV news. 2007-09-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-03. Nakuha noong 2008-05-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Holden, Stephen. "Madonna Makes a $60 Million Deal". New York Times. Nakuha noong 2008-05-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "History of Fashion". American Vintage Blues. Nakuha noong 2008-06-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Rettenmund, Matthew. Madonnica: The Woman & The Icon From A To Z. St. Martin's Griffin. ISBN 0312117825.
  29. Madonna: The Rolling Stone Files: The Ultimate Compendium of Interviews, Articles, Facts and Opinions from the Files of Rolling Stone. Hyperion Books. ISBN 0786881542.
  30. 30.0 30.1 "Madonna - 10 moments that created an icon". MSN Live Earth. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-10. Nakuha noong 2008-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Definitive 200". The Rock and Roll Hall of Fame and Museum. Nakuha noong 2008-04-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "The RS 500 Greatest Songs of All Time". Rolling Stone. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-08-20. Nakuha noong 2008-04-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Chart Listing For The Week Of 13 Abril 1985 Billboard Hot 100. Retrieved on 2008-05-28
  34. "Madonna scores 12th chart topper in the UK". BBC. Nakuha noong 2008-06-09.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Holly, Warren; George, Patricia Romanowski; Patricia Romanowski Bashe; Jon Pareles (2001). The Rolling Stone Encyclopedia of Rock & Roll (ika-Rev Upd (na) edisyon). Fireside. pp. 596. ISBN 0743201205.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Madonna Years". Lycos. Nakuha noong 2008-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  37. "True Blue". Rolling Stone. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-23. Nakuha noong 2008-05-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. 38.0 38.1 Madonna singles Billboard chart performance. Allmusic. Retrieved on 29 Mayo 2008.
  39. "Madonna Biography". Tribute Entertainment Media Group. Nakuha noong 2008-06-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Causing A Commotion: Chart Listing For The Week Of 12 Disyembre 1987". Billboard. Nielsen Business Media. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-19. Nakuha noong 2008-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Smith, Neil. "Show Stealer Madonna on tour". BBC News. Nakuha noong 2008-02-12. and in Italy the Pope called for a boycott.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Madonna Biography". MyVillage. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-19. Nakuha noong 2008-06-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. Like a Prayer (Audio CD). 1989.{{cite midyang AV}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. O'Brien, Lucy (2007). Madonna: Like an Icon. Bantam Press. pp. pg. 50. ISBN 0593055470. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)