Mata ng tao
Ang mata ng tao (Ingles: human eye) ay isang organong tumutugon sa liwanag para sa ilang mga layunin. Bilang isang may kamalayang organong pandama, ang mata ng mamalya ay nagpapahintulot ng paningin (persepsiyong biswal). Ang mga selulang tungkod (rod cell sa Ingles) at balisuso sa loob ng retina ay nagpapahintulot ng namamalayang pagwari ng liwanag at paningin kabilang na ang kamalayan na mawari ang iba't ibang mga kulay at pagwari ng kalaliman. Ang matang pantao ay maaaring makamalas o makadama ng humigit-kumulang na 10 milyong mga kulay.[1]
Katulad ng sa mga mata ng iba pang mga mamalya, ang mga selula ng gangliong potosensitibo ng mata ng tao sa loob ng retina ay tumatanggap ng mga balap o hudyat ng liwanag na nakakaapekto sa pagbabago ng sukat ng balintataw, regulasyon at supresyon o pagpigil ng hormonang melatonin at pagsasanay ng ritmong sirkadyano (orasan ng katawan).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Judd, Deane B.; Wyszecki, Günter (1975). Color in Business, Science and Industry. Wiley Series in Pure and Applied Optics (ika-third edition (na) edisyon). New York: Wiley-Interscience. p. 388. ISBN 0471452122.
{{cite book}}
:|edition=
has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.